Hindi na maalala ni Sophia kung paano siya nakatulog kagabi. Basta ang alam niya, halos buong gabi siyang umiiyak. Paulit-ulit sa isip niya ang huling salitang binitiwan ni Laddicus bago ito umalis: “Kung ganyan lang pala, Sophia… sana hindi na lang kita pinakasalan.” Parang asido ang mga salitang iyon—unti-unti, inuukit ang dibdib niya hanggang sa hindi na niya alam kung saan magsisimula ang sakit at saan matatapos. Pagmulat ng mata niya, ramdam niya agad ang bigat ng ulo. Namamaga ang mga mata niya, tuyong-tuyo ang lalamunan, at pakiramdam niya ay mas lalo siyang napagod kahit halos wala siyang tulog. Tumagilid siya, umaasang maririnig ang mga yapak ni Laddicus sa kwarto katabi niya. Pero wala. Tahimik ang buong bahay. Dali-dali siyang bumangon at sinilip ang kabilang kwarto. Walang

