Nakatingin lamang si Kristina sa ticket na hawak niya. Ngayon ang alis nila ni Jiro papuntang Japan. Umaasa siya na sana ay ito na ang panibagong buhay nila ng kaniyang anak. “Malalim yata ang iniisip mo?” tanong nito. Tiningnan niya ang binata at nginitian nang tipid. “Hindi ko kasi alam eh. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,” aniya. Jiro patted her shoulder. “You’re having an anxiety?” tanong nito. “S-Siguro, hindi ko maipaliwanag eh,” sagot niya. Kumuha naman ito ng candy at ibinigay sa kaniya. Tinanggap naman niya iyon at hindi pa nga nababalatan ay tumunog ang kaniyang cellphone. Napakunot noo siya nang makita ang tiya niya iyon. Alanganin siyang sumagot pero sinagot niya na lang. “Po?” “Kristina? Nasaan ka? Isinugod ang papa mo sa hospital!” Napatayo naman siya sa gulat. “An

