B-2

1883 Words

Pagkauwi niya sa bahay nila ay nakabusangot ang ina niya. “Oh? Ano ang nangyari? Hindi yata maipinta ang mukha mo ma?” aniya rito. “Pumunta na naman dito iyong pinagkakautangan ko. Kung hindi ako nagtago kanina sa bahay nina, Mareng Lucy aba’y mapipilitan akong ibenta ang TV natin,” sambit nito. “Utang? Ano na namang utang ‘yan Ma? Diyos ko naman,” reklamo niya. “Magkano lang din ‘yon ‘nak, kaso lumubo dahil sa tubo,” sambit nito. “Magkano ba?” inis niyang tanong dito. “Siguro’y nasa benti mil na rin,” sagot nito. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat. “Po? B-Bakit ang laki masyado? Ma naman eh,” reklamo niya at inis na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Sumunod naman ito. “Paano na ‘yan?” aniya rito. “Eh ‘di ba sabi mo may manliligaw ka na mayaman? Hiraman mo muna,” wik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD