“Tumigil ka na,” galit na wika ni Kristina. “Eh bakit? Dapat lang malaman ‘to ng asawa mo para malaman niya kung gaano ka kasama. Napaka-selfish mo pa. Nagkapera ka lang dahil sa asawa mo kinalimutan mo na kami,” anito. Naikuyom naman ni Kristina ang kamao niya. “Hindi ba talaga kayo titigil?” galit niyang asik dito. Tinaasan lang siya ng kilay nito saka nginitian ang asawa niya. “Alam mo hijo, hindi na ako magtataka kung bakit napakasama ng ugali ng asawa mong iyan. Alam mo? Siguro kung si Sophia lang ang napangasawa mo panigu—” “If my wife says no, it’s a no,” matigas niyang wika. Napalingon naman si Kristina kay Iker. “Hijo, pasensya ka na,” sabat ng ama ni Kristina. Naiiyak na rin siya dahil sa sobrang hiya. Nahihiya siya kay Iker at nakita pa nito kung gaano kagahaman ang kini

