“Don’t eat a lot, sabi nila bawal sa mga nireregla ang maaasim at maalat,” mahinang sambit ni Iker habang nakatabi sa asawa niya. “Kunti lang, promise,” sagot ni Kristina. Wala namang nagawa si Iker at nakatingin lang sa asawa na kumakain at tila ba sarap na sarap. Mangga lang naman iyon na sinawsaw sa bagoong isda. “Sarap?” nakangiting tanong ni Levon kay Kristina. Kaagad na kumunot naman ang noo ni Iker sa pagsabat nitong kumag. “Ito oh, try mo ‘tong sa ‘kin. Masarap ito. Malutong na manamis-namis nang kaunti,” saad pa. Napatingin si Iker sa hawak nitong mangga at mabilis na kinuha. Nagtinginan naman ang dalawa nang isubo niya iyon kaagad dahilan para mapamura siya sa asim. Tawang-tawa naman ang apat habang nakatingin sa kaniya. “Bro, kumakain ka rin nang mangga? Hindi ‘yan hinog

