Nagmamadaling lumabas si Kristina ng bahay at sinundo ang asawa niyang kararating lang. Malayo pa nga siya ay napakalaki na ng kaniyang ngiti. “Ano’ng nangyari? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya rito. Kita niya kasi sa mukha nito na wala sa mood. “Masakit lang ang ulo ko sa paper works,” sagot nito at nginitian naman siya nang tipid. “Ganoon ba? Tara sa loob. Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,” saad niya. Umiling naman ang asawa niya at inakbayan siya. “Gusto ko ng yakap,” sagot nito. Napangiti naman si Kristina at pinaupo na ang asawa niya sa couch saka maingat na tinanggal ang jacket nito at sapatos. Nakangiting nakasunod lang ang tingin ni Iker sa kaniya. “Unang tira mo pa lang dito iyan na ang nakasanayan mong gawin. Bakit?” usisa niya sa asawa. Ngumiti lamang it

