“It was never my intention to keep these things from you,” wika nito. “It is, una pa lang. Kung hindi pala kayo hiwalay ng girlfriend mo eh ‘di sana hindi ka na nakipaglandian sa ‘kin. Sana nilinaw mo na hanggang papel lang tayo hindi iyong sasabihin mong subukan nating i-work out ang relationship natin,” galit na sambit ni Kristina. “I’m sorry, hindi ko alam. Hindi ko alam na babalik pa siya,” sambit nito. Kita niya ang kaguluhan sa mga mata nito. Napalunok naman si Kristina. Nilapitan niya ito at sinalubong ang tingin. “Hindi kita iiwan, hihintayin ko na mapagod ako. Susubukan ko pa ring ipaglaban ang meron tayo. Kasal tayo, at hangga’t hindi mo ako binibigyan ng annulment papers hindi kita iiwan,” matigas niyang saad at tinalikuran na ito. Pagkapasok niya sa kaniyang kuwarto ay mal

