Pagbalik nga nila ay nagtaka siya kung bakit parang sobrang tahimik ng asawa niya. Nagtataka siya dahil parang iba ang katahimikan ngayon. “Nasa loob na ang pagkain. Halina kayo,” ani Gerard. Pumasok naman na sila at dumeritso na sa kusina. “Wow!” anila at napakaraming seafood. Naalala niya tuloy si Levon dahil sa shrimp. Umupo na nga sila at nagsimulang kumain. “Love, sabi kanina may disco party mamaya sa unahan. Iyong may malaking pool doon? Punta tayo,” wika ni Mayumi. “Really? Okay, we’ll go there later,” sambit ni Gerard. “Kayo na lang, may iba kaming pupuntahan ng asawa ko,” wika ni Iker. “Saan?” tanong ni Kristina. Ngumiti naman ito sa kaniya. “Basta, I’m sure you’ll like it there,” sambit nito. Mukhang may ideya na siya sa kung saan at parang kakaiba ang ngiti ngayon. “Bast

