Napaupo si Kristina sa kama at napahawak sa kaniyang sinapupunan. Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Tahimik at halos walang boses na lumabas sa kaniyang bibig. “Maria...” Natigilan si Iker nang makita ang asawa niyang tahimik na umiiyak. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Halos hindi niya maihakbang ang kaniyang paa. Mabilis na pinunasan naman ni Kristina ang kaniyang mata at napasinghot saka pilit na nginitian ang asawa. “I’m sorry, I’m sorry,” mahinang ani Iker sa kaniya. Nakagat naman ni Kristina ang labi niya at huminga nang malalim. “Iker, kung ayaw mo na sa ‘kin sabihin mo lang. Kung gusto mong ayusin ang relasyon niyo ni, Georgina sabihan mo lang ako. Handa akong umalis sa buhay mo. Kasi hindi ko alam kung kakayanin k

