Tahimik ang buong bahay pero ramdam ni Sophia ang bigat ng hangin. Parang bawat paghinga niya ay may kasamang tinik na dumudurog sa dibdib. Nakatayo siya sa may pintuan ng opisina ni Laddicus, hawak ang seradura, nagdadalawang-isip kung papasok ba siya o hindi. Kanina pa niya napapansin ang pag-iwas ng binata. Hindi ito makatingin nang diretso, hindi rin kasing-init ng dati ang mga ngiti. At nang mapadaan siya sa opisina nito, nakabukas nang bahagya ang pinto. Doon niya nakita ang bagay na bumura sa ngiti niya. Isang lumang sobre. At mula roon, isang litrato ng babae—maganda, maamo, at halatang minahal ni Laddicus nang totoo. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Sophia. Ramdam niya ang pagsikip ng dibdib, na para bang niloloko lang siya nitong lahat. At ngayon, hindi na niya kaya a

