Nakatingin lang si Kristina sa repleksiyon niya sa salamin at huminga nang malalim. Ang totoo ay sobra siyang kinakabahan. Dadalhin siya ngayon ng asawa niya sa isang party. Hindi niya alam kung anong party pero pinuntahan siya kanina ni Miya at inayusan. Suot nga niya ang isang tube gown na medyo uncomfortable siya dahil halos lalabas na ang kaluluwa niya sa sobrang sikip nito sa kaniyang bandang dibdib. She actually has big boobs.
Her hair was turn into a bun letting some strands flowing beside her beautiful face. Lalo lamang siyang naging maganda tingnan. She was wearing a natural looking make-up. Just enough to emphasize her natural beauty.
Nakatingin lang siya sa mukha niya at napangiti.
“Wow! Parang diwatang bumaba mula sa kaharian,” komento ni Angela.
Nahihiyang napahawak naman siya sa damit niya.
“Halika, akin na phone mo. Kuhanan kita,” wika nito. Tumango naman siya at nagpakuha ng pictures. Nang matapos ay inalalayan na siya nitong makababa.
Pagkababa nga nila ay napalunok siya nang makita ang asawang napakaguwapo sa suot nitong black suit. Malinis na malinis tingnan. Malayo pa man ay nasasamyo na niya ang panlalaking perfume nito. Napakabango, malinis, guwapo, at napaka-respected ng aura. Tiningnan lang siya nito nang ilang segundo at nauna na ring lumabas.
“Nahihiya siguro na makita mong namumula ang taenga niya,” bulong ni Pharsa.
“Ha?”
“Sige na, alis na kayo. Mag-enjoy ka roon ha,” bilin ng dalawa. Tumango naman siya at kumaway na sa mga ito.
Pagkalabas niya ay kaagad na binuksan ni Argus ang pinto at pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Napatingin siya kay Iker na busy sa pagkakalikot nito sa kaniyang cellphone. Umayos lamang sa pagkakaupo niya si Kristina at nakatingin sa labas.
“Don’t stay away from me later, okay?” seryosong wika ni Iker.
Nilingon naman niya ito at tinanguhan.
“You look beautiful tonight,” komento nito. Napalunok naman si Kristina at hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin dahil nahihiya siya rito.
“T-Thank you,” nahihiyang sagot niya at iniwas ang tingin dito.
Ilang sandali pa nga lang ay huminto sila sa isang kilalang hotel. Mabuti na lang at walang media o ano pa man. Kaagad silang win-el-come ng receptionist at iginiya papasok sa loob.
Nakangiting mag-asawa ang lumapit sa kanila at kaagad naman itong binati ng asawa niya.
“I’m glad that you came. Akala ko hindi ka na pupunta dahil busy ka,” wika ng lalaki.
“No way, gov,” sagot naman ng asawa niya at niyakap ito saka tinapik ang balikat. Nahihiyang nakangiti naman si Kristina sa babaeng katabi ng gobernador. Sa tingin niya ay iyon ang asawa.
“And this?”
Lumingon naman si Iker sa kaniya at hinapit siya palapit kaya nagulat siya.
“This is Kristina, my wife,” pagpapakilala niya rito.
Kita niyang tila nagulat ang dalawa.
“Wife agad? How come you didn’t tell me about your marriage?” asik ng gobernador. Mukhang magtatampo pa.
“I’m sorry, Gerard. Hindi ko na nasabi kaagad, it was so sudden,” sagot nito.
“Hi, Kristina. I’m Mayumi, Gerard’s wife,” sambit nito at kinamayan siya. Kaagad niya itong tinanggap at nginitian din.
“Halika, mag-usap tayo roon sa table. Gael, hiramin ko muna ang asawa mo ha. Promise, I will not let anything bad happen to her. Sa table lang kami,” wika ni Mayumi.
Kita niyang tila alanganin pa ang asawa niya at kinakalkula siya bago ito pumayag. Masayang hinila naman siya ni Mayumi at umupo sila sa gilid na table. Lumapit naman kaagad ang usherette at binigyan sila ng pagkain at maiinom.
“Hindi sinabi sa ‘min ni, Gael na nag-asawa na pala siya. But still, I’m glad that he brought you here,” nakangiting sambit ni Mayumi.
Hindi naman mahanap ni Kristina ang salitang sasabihin dito dahil medyo ilang pa siya.
“Naku! naiilang ka ba sa ‘kin? Don’t be, I’m Mayumi Benitez by the way. And yes, I want to be your friend. May friends ka ba? Idagdag mo naman ako oh. I want to be friends with you,” nakangiting saad nito.
Napangiti lamang si Kristina bilang sagot dito at tumango.
“Really?” anito at niyakap pa siya. Natuwa naman siya sa reaksiyon nito. Mahirap sa kaniya na mag-open up agad sa iba but she’s still trying. After all, trust is definitely earned. Hindi niya iyon basta-basta na ibinibigay sa kahit kanino.
“Last time, nagtanong sa ‘kin si Iker tungkol sa pottery. Ikaw ba ang tinutukoy niyang mag-aaral ng pottery?” tanong nito. Tumango naman siya rito bilang sagot.
“Tingnan mo nga naman. Same hobby pa talaga tayo. I’m a pottery instructor student too. Hindi ako kagalingan but I know the basics and the necessary. Earned some awards and certificates too,” nakangiting wika nito.
“Wow! Hindi ka pa kagalingan niyan ha,” biro niya rito. Natawa naman ito.
“Alam mo, kunti lang din ang friends ko. I don’t get along really well with other people dahil wala na akong family. My husband is my only family right now. May pera naman ako kahit papaano pero iba pa rin ang tingin nila sa ‘kin lalo na sa mundo ng asawa ko dahil sino lang ba
ako kung tutuosin,” kuwento nito. She sounds okay but her face says otherwise.
“Pasensiya ka na ha kung masiyado akong madaldal. I just find you so free and lightweight. Ang gaan ng pakiramdam ko sa ‘yo unang kita ko pa lang,” dagdag nito.
“Okay lang, and pasensiya ka na rin kung hindi ako masiyadong makibo. Naninibago lang ako,” sagot niya rito. Napangiti naman ito.
“Since we’re okay now, and magiging magkaklase rin yata tayo sa isang pottery class, I decided to be your best friend. No buts, no why’s, and ifs. Bahala ka na kung ayaw mo, wala kang choice,” anito at nakataas ang kilay sa kaniya.
Natawa naman siya rito at napatango.
“Walang problema sa ‘kin,” sagot niya rito. Napapalakpak naman ito at kinuha ang wine glass saka nag-toss sila. Sumimsim lang si Kristina dahil paniguradong hindi niya magugustuhan ang lasa.
“Ayaw mo riyan? Mas gusto mo ba ng red horse?” tanong nito. Nanlaki naman ang mata niya sa narinig. Natatawang bumulong naman siya.
“Umiinom ka nu’n?” tanong niya rito.
“Oo naman, iyon ang the best,” sagot nito.
Natawa naman siya rito.
“Ako rin,” aniya.
Nakangisi lang sila pareho habang nagkukuwentuhan. Mukhang malayo na nga ang inabot ng usapan nila at inabot din ng oras. Ni hindi nila namalayan ang oras sa sobrang enjoy ang isa’t-isa.
“Let’s go?” tanong ni Iker sa kaniya. Tumango naman si Kristina at tumayo na.
“Mayumi, thank you for tonight,” aniya sa bagong kaibigan.
“Ano ka ba? No problem. Kita na lang tayo next day sa school?” anito.
Nakangiting tumango naman si Kristina at niyakap pa siya ni Mayumi bago umalis ng hotel.
Pagkalabas nila ay natigilan siya saglit nang buksan ni Iker ang pinto ng kotse at inalalayan pa siyang makapasok. Mukhang nag-iba yata ito ngayon.
“S-Salamat,” mahinnag wika niya at itinuon na ang tingin sa labas.
“Did you have a good time with, Mayumi? I saw you laughing with her,” he asked.
Masayang tumango naman si Kristina.
“Ang bait niya at hindi ko man lang naramdaman na ma-bored dahil nandoon siya,” sagot niya rito.
“That’s good! Sa susunod na araw you’ll attend class with her. I’m at ease knowing that you’re not going to be alone,” sambit nito.
Kristina just pused her lips and smiled a little.
“Nasabi nga niya sa akin,” aniya.
“I asked her the other day about pottery. It just so happens that you two have similar hobbies,” wika ni Iker,
“Kaya nga eh, thank you pala. Ang dami kong dapat na ipagpasalamat sa ‘yo,” aniya rito.
Iker just smiled and looked outside.
“I’ll asked it someday when the time’s due,” saad nito. Natigilan naman si Kristina at napangiti.
Pagdating nila ay dumeritso na siya sa kaniyang kuwarto at gusto na niyang matulog. Hinubad na niya ang suot na gown nang marinig ang yapak.
“Kristina I have something to—”
Napalingon naman siya at parehong nanlalaki ang mata nang mag-abot ang kanilang paningin.
“Tumalikod ka!” sigaw niya at mabilis na kinuha ang roba sa gilid at isinuot.
“I-I’m sorry, hindi na ako kumatok dahil bukas ang pinto mo,” saad nito.
Napapikit naman si Kristina at buti na lang may suot siyang boyleg at strapless bra. Buti hindi siya nagsuot ng n****e tape kanina.
“O-Okay lang,” aniya at huminga nang malalim.
“Is it okay to look now?” tanong ng asawa niya.
“O-Oo,” sagot niya.
Tiningnan siya ng asawa niya at pareho pa silang dalawa na nakaramdam ng awkwardness.
“I forgot to give you this,” sambit nito.
Kumunot naman ang noo ni Kristina at napatingin sa hawak ng asawa. Envelope iyon na kulay brown na maliit.
“Ano ‘to? Malayo pa ang Chinese New Year ‘di ba?” biro niya rito.
Iker just smiled at her.
“You’ll need that,” anito.
Binuksan naman iyon ni Kristina at nagulat nang makitang passbook iyon , credit card, at debit card.
“Para saan ‘to?” tanong niya rito.
“That’s for you.”
Halos lumuwa ang mata niya nang makita ang perang nasa loob ng kaniyang passbook. Milyones iyon.
“H-Hindi ko ‘to matatanggap,” aniya at akmang ibabalik nang umiling si Iker.
“Hindi sa lahat ng panahon nandoon ako para sa ‘yo. Sometimes I’ll get busy with my work. Mas mabuti na may sarili kang pera, alam ko rin namang hindi ka hihingi sa ‘kin. So, just take that as my reward for you tonight,” seryosong wika nito.
Napatingin naman si Kristina sa asawa niya at mabilis ding umiwas. Naiiyak siya. Hindi dahil sap era kung hindi dahil sa care na nakikita niya s amga mat anito.
“Thank you,” mahinang aniya. Gusto niya itong yakapin subalit nagbago ang isip niya. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kaniya kung sakali.
“No problem, I’ll sleep now,” anito habang nakatitig s akaniya.
“Hmm, good night,” aniya rito at kumaway pa. Nakangiting umalis din ang asawa niya. Isinara na niya ang pinto at napatingin sa hawak niya.
“Milyonarya na ako kung tutuosin,” aniya at napailing.
Nag-half bath na lang siya at plano niyang bumisita sa kanila bukas. Tumawag na siya sa ama niya para sabihan ito at mukhang excited naman kahit papaano. Sabado kaya walang pasok ang asawa niya.
Maaga pa rin siyang nagising at nais niyang magpaalam dito. Nang makitang papasok na ng dining area ay kaagad na binati niya ito at sabay na silang kumain.
“You have something to say?” tanong nito sa kaniya.
“Ha?” Nagulat pa siya at mukhang nababas anito ang kaniyang utak.
“Spill it,” anito.
“Ahm, uuwi sana ako sa bahay namin. Babalik din ako ng hapon. Gusto ko lang kumustahin si papa,” saad niya.
Tumango naman ito.
“Ihahatid ka na ni, Argus. Susubukan kong makapunta mamaya. Hindi ko sila nakausap nang maayos nu’ng kasal natin,” sambit nito.
Napatango naman si Kristina at nagpatuloy na sa pagkain.
“Okay lang ba kung gagamitin ko iyong pera mo?” tanong niya rito.
Kumunot naman ang noo ni Iker. Hindi yata nagustuhana ng tanong ng asawa kaya nakagat na lamang ni Kristina ang kaniyang labi.
“It’s not my money, it’s yours. You can do whatever you want with it, okay? You don’t have to ask for my permission,” anito.
“Salamat,” tipid niyang sgaot at napangiti nang matamis. Kung ganito palagi ang asawa niya paniguradong magkakaintindihan sila.
Bandang alas-otso nga ay nagpaalam na siya rito at umalis na rin sila ni Argus. Nagpahinto siya saglit sa sentro ng siyudad at bumili ng iilang pas;alubong para s apamilya niya at nag-grocery an rin.
Nang makartaing ay kita niya ang paglabasan ng mga kapit-bahay nila. Parang may baka na ring nakatali s apaa niya at ang bigat ng bawat hakbang pababa. Paniguradong kung ano na namang tsismis ang magagawa sa kaniya.
Pagkababa niya ay siya namang paglabas ng kaniyang ama. Tuwang-tuwa ito nang makita siya. Lumabas na rin ang step-motehr niya at napakalaki ng ngisi nito at pinagkukuha ang mga dala niya.
“Pasok anak,” saad ng ama niya.
Pakapasok niya ay nagbago nga ang kanilang bahay. Sobrang laki ng TV at bago na rin ang sofa. Nakaupo roon si Sophia at nanonood sa Wetflix. Nakataas ang paa sa center table at kumakain ng chips.
Tiningnan lang siya nito at inismiran.
“Ba’t ‘di mo kasama ang lumpo mong asawa?” tanong nito.
Hindi niya na lang ito sinagot. Nakaalis na si Argus at may pupuntahan din siguro dahil umalis din kaagad.
“Halika na kayong dalawa kain na tayo,” tawag ng ama nila.
“Tss,” ani Sophia at tumayo na.
Kahit papaano ay natuwa naman siya sa nakita. Malaki ang pinagbago ng kusina nila. Hindi na dugyot at maraming appliances. bago ang mesa at mga kubyertos.
“Kumusta naman ang buhay mo roon anak? Sa tingin ko’y hindi ka naman pinabayaan ng asawa mo. Halos hindi kita makilala kanina. Ang laki ng pinag-improve mo,” wika ng ama.
Ngumiti lamang nang tipid si Kristina.
“Okay naman po ako roon, mabait po si Iker,” aniya.
“Mabait nga lumpo naman. Dapat lang na tratuhin ka niya nang maayos. Hirap naman nu’n wala na nga siyang silbi tapos masama pa trato niya sa ‘yo. Maswerte pa rin siya dahil ipinangnaka siyang may gintong kutsara,” sabat ni Sophia.
“Malaki yata ang problema mo sa pakakalumpo ng asawa ko. Gusto mor in bang malumpo kagaya niya? Parang gigil na gigil ka eh,” aniya rito.
“Naku! Hayaan mo na, Kristina. Kilala mo naman ‘tong kap[atid mo. Tumahimik ka nga, Sophia!” sabat ng step-motehr niya. Pinaikot naman nito ang kaniyang mata.
“Totoo naman ah?” asik nito.
“Tumahimik ka na. Hinahamak mo iyong taong nagbigay ng malaking tulong sa ‘tin? Huwag mong kakalimutang kung hindi dahil sa kaniya hindi natin matatamasa ang ginhawa ngayon,” matigas na wika ng kaniyang ama.
“Huwag kayong mag-alala, dahil padating ng araw mag-aasawa rin ako ng mayaman. Mas mayaman pa sa Montejo na ‘yan no,” sagot ni Sophia.
“Imbis na pangunahan mo ang bagay na ‘yan, mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo,” sambit ni Kristina. Akmang sasabat pa ito nang sikuhin ito ng ina niya. Napairap na lamang ang maldita.
“Oo nga pala, Kristina. Pakisabi sa asaw amo na salamat ha. Alam mo ba? Pumunta rito ang driver niya at may dalang pera. Cash na isang milyon,” masayang saad ng kaniyang step-mother. Natigilan naman siya. kaya pala malaki ang ipinagbago bng bahay nila. Tumango lamang siya rito.
“Ang lajking pera, pero siurado akon barya lang iyon sa inyo. Alam mo, marami akong tinulungan. An mga kamag-anak ko lumapit kaaagd at hindi ko naman mahindian,” dagdag nito.
Natigil naman siya sa pagnguya.
“Sana magtira kayo nang sapat para sa inyo. Hindi bangko ang asawa ko para hingan niyo nang hingan kapag naubos na ang pera niyo. Gamitin niyo sa maayos at mabuti ang perang binigya ng pamilya niya dahil wala ng ulit,” aniya.
“Oo naman no,. Pero sabi niya magsabi lang kami kung--”
“Tumigil ka na,” sabat ng ama niya sa asawa nito.
Napailing na lamang si Kristina.