Chapter 4

2718 Words
Napakamot naman sa ulo niya si Kristina. Hindi nga naman kagandahan ang suot niya. Para nga lang siyang pupunta ng palengke eh. “Halika, dito tayo,” wika ni Miya. Umupo sila sa isang pahabang couch. “Wait ka lang dito ha, puntahan ko muna ang kaibigan ko rito. May access siya sa lahat ng limited editions dito saka manager siya,” saad nito. Tumango naman siya at nakangiting naghintay lang. Ilang saglit pa ay pumasok ang dalawang magagandang babae. Nakasunod ang tingin ni Kristina sa kanila dahil halatang mayayaman ang mga ito. Maganda manamit at mamahalin ang mga bag na dala-dala. Kumunot ang noo ng babae at umupo sa kabilang side ng couch at pasimple pang tinakpan ang ilong. “Ang baho naman, ba’t kayo nagpapasok ng aso rito?” reklamo nito at sinamaan siya nang tingin. Napasinghot naman si Kristina sa sarili niya at hindi naman. Masasama pala ang ugali. Dinumog naman ng staff ng store ang dalawa at pinag-o-offer ng kung ano-ano. “Kilala niyo ba ‘yan? Akala ko ba high-end itong store niyo? Ba’t niyo pinapasok ‘yan?” reklamo ng isa pa nitong kasama. Sinamaan din siya ng tingin ng isang sales representative. Nilapitan siya nito at padabog na pinatayo. “Sino ba ang nagpapasok sa ‘yo rito? Kahit aircon lang dito hindi mo afford. Huwag kang makunwaring kung sinong mayaman,” asik nito at padaskol siyang hinila. “Sandali lang. K-Kasama ko si Miya,” aniya rito. “Huwag ka ng magsinungaling. Kilala namin si Miya at halos lahat ng kilyente niya mayayaman. Gagamitin mo pa ang pangalan niya sa kakapalan ng mukha mo,” anito. Nagtawanan naman sila. Ramdam niya ang hiya sa pangmamaliit ng mga ito sa kaniya. Inis na inalis naman niya ang hawak nito sa kaniyang kamay. “Aba!” “Marunong akong maglakad mag-isa,” aniya at tumalikod na nang siya namang paglabas ni Miya kasama ang manager at sunod-sunod na staff na dala-dala ang mga damit, sapatos, bag at kung anu-ano pa. “Kristina!” Kunot ang noong lumapit naman ito sa kanila. “What do you think you’re doing?” galit nitong tanong sa staff. “Ma’am Miya, pinapaalis ko na po at nakakaistorbo siya sa ibang customers. Nagsinungaling po kasi na kilala niyo siya,” sambit nito. Inis na nasampal naman ito ni Miya kaya nagulat si Kristina. “Sa tingin mo makakapasok siya rito basta-basta? Eh sa mapanglait niyo pa lang na guard kung nagsisinungaling siya hindi na siya makakaapak dito sa loob,” galit nitong saad. Lumapit naman ang manager at sinamaan ito ng tingin. “Guard! Paalisin ang babaeng ito. Miss Reyes, you’re fired!” wika ng manager. Nanlaki naman ang mata nito sa narinig. “P-Pero...” Hinila na ito ng guard paalis. Umiiyak pa ito at nagmamakaawa kaya nakaramdam naman ng awa si Kristina. “Miya,” aniya sa stylist. Umiling naman ito at nginitian siya. “Hindi lang iyan ang aabutin niya kapag nalaman ni, mayor ang ginawa sa ‘yo,” saad nito. She doubted it. Wala namang pakialam sa kaniya ang asawa. Bumalik na sila sa couch at kita niya ang gulat sa mukha ng staff at sa dalawang babae. “Hindi niyo ba nakita kanina na may nakaupo na rito sa VVIP section? And who the hell gave you the authority to let them touch these limited editions?” galit na sambit ng manager. Tumahimik naman ang mga staff. “Bakit? Hindi na ba kami puwedeng bumili nito?” sabat ng babae kanina. Napahawak naman sa ulo niya ang manager. “My goodness! Miss Te, malapit na ang due date ng installment mo sa LV mong bag. Hirap ka ngang mag-cash tapos ngayon papangarapin mo pa ang limited edition products na ‘to? Come on,” saad ng manager at sinenyasan na ang staff na paalisin ang mga ito. “Pero...” “Isa ka pa, Miss Young. Tumawag na rito ang mommy mo dahil maxed out mo na ang credit card niya. Nandito lang naman kayo para mag-selfie at kung anu-ano pa. I have an important client here kaya please lang,” pakiusap ng manager. “Itong dugyot na ‘to? VVIP?” asik nu’ng singkit. “Ayusin mo ‘yang bibig mo at hindi mo siya kilala,” sabat ni Miya. Tahimik lang si Kristina sa gilid at hindi naman siya maka-relate sa bangayan ng mga ito. Away ito ng mga mapepera. Nang makaalis na nga ang dalawa ay isinara na ang store at hinayaan na siyang pumili lahat ng gusto niya. Sinigurado naman ni Miya na maganda iyon sa kaniya. Nagbago na rin ang pakikitungo sa kaniya ng mga staff. Nanibago tuloy siya. Ilang oras din nilang ginawa iyon hanggang sa makaramdam siya ng pagod. Sobrang dami ng binili nila at halos mapuno na ang sasakyan. Tuwang-tuwa naman ang staff kanina na nilapitan ni Miya. Iyon lang yata ang nakita niyang mabait. “Nag-enjoy ka ba?” tanong ni Miya sa kaniya. Alanganing tumango naman siya dahil ang totoo ay pagod na pagod siya. “Kain muna tayo gusto mo?” aya nito sa kaniya. Tumango naman siya. Paglabas nga nila ay dumeritso sila sa isang restaurant. Hirap pa siyang um-order dahil hindi niya mabasa nang maayos dahil foreign menu’s iyon. “Ano ang sa ‘yo?” tanong ni Miya sa kaniya. “Ang bestseller nila,” sagot niya. “Okay, good choice ha,” anito at nag-order na. Ilang sandali nga lang ay dumating na ang order nila. Panaka-naka niya ring inaayos ang suot na off shoulder dress dahil hindi siya komportable. “Masasanay ka rin,” ani Miya habang nakangiti. “Pasensiya ka na ha, nahirapan ka ba sa ‘kin? Bago kasi sa ‘kin ang ganito. Laking bundok kasi ako at ang pagsa-shopping ay ginagawa lang ng mga may maraming pera. Ukay lang kasi sapat na sa akin,” nahihiyang wika niya. “Ano ka ba? Ako rin naman eh nagsusuot din ng ukay,” anito. “Talaga? Hindi ka pala maselan sa damit?” tanong niya rito. Tumango naman ito. “Nasa magkano rin siguro ang nabayaran kanina no? Ang dami-dami nu’n at mahal ang brand na pinuntahan natin kanina,” wika niya. “Sakto lang, ang sabi ni, Mayor ay dagdagan pa raw. Pero mukhang pagod na po kayo kaya sa susunod na ulit,” sambit ni Miya. “Ha? Kulang pa ba ‘yon sa kaniya? Baka umabot na ng isang daang libo ang nagastos natin,” aniya rito. Natawa naman si Miya at itinaas ang kamay. “Six?” aniya rito. Tumango naman ito. “Six million almost,” sagot nito. Halos lumuwa naman ang kaniyang mata sa sinabi nito. “Huh? Seryoso ka riyan?” Gulat na gulat siya kaya lalo lamang natawa si Miya. “Oo, actually nasa ten M ang budget mo,” dagdag nito. Nasamid tuloy siya sa sariling laway sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito. “Hindi nga?” Tumango-tango naman ito at tila ba aliw na aliw sa kaniya. “Bakit? Hindi mo ba kilala ang asawa mo? Mr. Montejo is a known politician and a billionaire businessman. Your husband is not an ordinary man, Kristina. Kaya huwag kang manghinayang sa gastos dahil he just wants the best for you. T’saka this is the bad reality in today’s world. Pansin mo kanina? Hindi ka nirespito and even bullied you dahil sa pananamit mo. You’re beautiful, Kristina. Actually, kunting bihis nga lang sa ‘yo you’re presentable enough minus the make-up pa ‘yan. You have to learn to dress extra and elegant, dahil asawa ka ng isang Montejo. His image is reflected to yours and vice versa. Isa pa, damit lang iyan, mga bagay lang na naluluma. What’s more important is you yourself. How you carry yourself, and how you respect other people. You’re perfect, Kristina in that aspect,” sambit nito. Nahihiyang napangiti lamang si Kristina. “Tinataas mo ba ang confidence ko? Totoo man iyan o hindi tatangapin ko na,” nakangiting wika niya kay Miya. Natawa naman ito at inilingan siya. “Totoo lahat ‘yon no. As much as you’re lucky to have married the wealthiest man in town, mas maswerte pa rin siya sa ‘yo dahil mabait ka, maganda, at hindi mukhang pera. Trust me, I’ve known a lot. Ikaw pa lang ang kauna-unahan kong client na hindi mareklamo. Hindi nagagalit at open na open sa lahat ng suggestions ko. Most of them hire me to impress the people in their circle. Even gossiped their peers trying to fit in with other circles na puro rin naman mga sosyalerang bagsak sa GMRC. Mind you, walang-wala sila sa yaman ng asawa mo. Ordinary lang kung susumahin but they act like the gods of all,” sambit nito. Natawa naman si Kristina. “Buti natagalan mo ang ganitong klase ng trabaho,” aniya. “No choice, kapag passion mo na kasi ang isang bagay mahihirapan kang bitiwan iyon. Hahanapin iyon ng katawan at utak mo araw-araw. Isa pa, malaki ang kita ko. I love to dress people too. Sa ganitong klase ng trabaho puwede kang makinig pero hindi ka puwede mag-rant. Para makaiwas sa problema, dapat mo na lang aralin kung paano maging bingi,” anito at napailing-iling. Bandang hapon na nga ay umuwi na sila. Inihatid pa siya ni Miya sa loob ng bahay bago nagpaalam. Inihatid din naman ni Pharsa at Angela ang mga binili kanina kasama pa si Argus papunta sa kaniyang silid at inayos kaagad sa kaniyang closet. Tumutulong siya sa pagtanggal sa mga paper bags nang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Iker. “I-Iker,” aniya. Umiling naman ito at mukhang hindi na sila aabalahin pa at umalis na rin ito. Sumunod naman si Kristina rito. “S-Sandali lang,” tawag niya rito. Huminto naman ito sa paglalakad at hinarap siya. “Anything else?” tanong nito. “I-Iyong gastos kanina,” aniya rito. “Miya told me na hindi naubos iyong allowance na ibinigay ko para sa mga gamit mo. Marami ka pang kailangang bilhin. Ubosin mo na agad,” wika nito. Nahihiyang napalunok naman si Kristina. “H-Hindi ko alam kung paano ko mababayaran iyon. Sobrang laki ng perang nagastos. Wala akong kakayahang bayaran iyon kahit in the future pa. Maraming salamat,” saad niya. Nakapamulsang tiningnan lamang siya ng asawa. “Alam kong ginagawa mo lang ‘to para hindi ka mapahiya. Para maging presentable ako sa harap ng mga tao. Pero salamat pa rin, pangako, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ka mapahiya. Someday, I’ll make you proud in return,” wika niya. Nakatitig lang sa kaniya si Iker at nagkibit-balikat. “Kung may idea ka paano gawin ‘yan, then do it now,” sambit nito. Tumango naman siya rito. “Gusto kong mag-aral ng pottery,” aniya. Natigilan naman si Iker. “Pottery?” Tumango naman siya. “Nu’ng bata ako gumagawa ang pamilya ng mama ko ng mga handmaid plates. May knowledge ako sa paggawa kahit papaano. Gusto kong pag-aralan iyon at hasain pa,” sagot niya. “That’s pretty interesting. I’ll take care of that,” wika nito. “Salamat,” aniya. Nilapitan naman siya ni Iker kaya nayelo siya sa kaniyang kinatatayuan. Napalunok siya nang sobrang lapit na nito sa kaniya. Kamuntik pa siyang mapapiksi nang hawakan nito ang iilang hibla ng buhok saka inipit iyon sa kaniyang taenga. Napalunok siya nang mag-abot ang kanilang paningin. “Only I don’t accept a simple thank you, Maria.” Parang may kung anong malamig na dumaan naman sa kaibuturan ni Kristina nang marinig ang sinabi nito. He even called her by her first name. His stares were deep na para bang may pinapahiwatig na kakaiba. “P-Paano?” tanong niya rito. Iker sighed and stared at her neck. Napahawak naman kaagad siya roon at nagtaasan ang balahibo niya sa batok. “Soon, you’ll know. Sa ngayon, utang mo muna sa ‘kin,” he said with his hoarse voice. Nakagat ni Kristina ang labi niya nang maramdaman ang labi nito sa kaniyang leeg. Malamig ang labi nito at magaan ang pagdampi. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. “Good night,” wika nito at umalis na. Hanggang sa tumaas ang elevator ay hindi pa rin makagalaw si Kristina. Ni hindi niya napansing higit-higit niya na pala ang kaniyang hininga kanina pa. “Kristina? Okay ka lang ba riyan?” Napahawak siya sa kaniyang leeg at nilingon si Angela na nakangiti lang sa kaniya. “O-Oo, okay lang ako,” sagot niya at nginitian ito nang tipid. Pumasok na siya sa loob ng kaniyang kuwarto at napaupo sa gilid. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang labi nito sa kaniyang leeg. “Ano ‘yon?” aniya at napahilamos. Hindi siya galit o ano pa man. Bagkus nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. “Tapos na, baba na kami ha. Good night,” wika ni Angela. Ngumiti naman siya sa mga ito. “Maraming salamat, Pharsa, Angela, Argus,” aniya sa tatlo. Nakangiti lamang ang mga ito at umalis na. Napahiga na siya sa kama at tiningnan ang napakalaking closet niya. Punong-puno na iyon. Huminga siya nang malalim at pinakiramdaman ang sarili. Ipinikit niya ang kaniyang mata at kaagad na nakita ang napakaguwapong mukha ng kaniyang asawa. “Ano ba?” saway niya sa kaniyang sarili at ilang beses na huminga nang malalim. “Tumigil ka!” kastigo niya sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang cheque sa bag niya at tinitigan iyon. Tumataginting na milyones. “Hindi naman siguro ako masamang anak kung hindi ko ibibigay ang pera na ‘to. Babawi ako at susuportahan ko pa rin naman kayo kapag may pera ako. Hindi ko kayang tanggapin ‘to,” aniya. Natulog na rin siya at maaga pa siya bukas. Kinabukasan nga ay maaga siyang naligo at nagbihis saka bumaba papunta sa kusina. Hindi pa gising si Pharsa at Angela o baka nag-aayos na rin para magtrabaho. Nilinis na niya muna ang kusina at hinanda ang mga lulutoin. “Good morning, Kristina. Aga mo naman masiyado. Hindi ka ba nakatulog kagabi? Huwag mong kakalimutang kami ang katulong at ikaw ang amo namin,” pupungas-pungas na wika ni Angela at humikab pa. Ngumiti naman si Kristina sa kaniya. “Okay lang, gusto ko lang ipagluto ang asaw ako. Pa-thank you na rin sa kaniya, sa mga ibinigay niya sa ‘kin,” aniya rito. Umiling-iling naman si Angela. “Mukhang nagkakasundo naman kayong dalawa ni, Senyorito eh. Ba’t ‘di pa kayo magtabi?” tanong nito. Natigilan naman si Kristina at nilapitan ito. “Shh, boses mo. Baka marinig niya ma-misinterpret niya pa,” saad niya. “Sorry,” bulong nito at nagtali na ng buhok saka tinulungan na siya. Magaan talaga ang loob niya kay Angela. Para niya itong kapatid na. Nang makapaghain na nga ay siya namang pagpasok ni Iker. “Good morning, kain ka na,” ani Kristina. Inisptan lamang siya ng tingin ng asawa niya at umupo na. Nilagyan niya ng pagkain ang plato nito at hinayaan lang naman siya hanggang sa matapos ito. “You have something else to say? I still have spare minutes to listen,” sambit nito. “Ahm, oo nga pala...” Kinuha niya ang cheque sa bulsa at ibinigay iyon sa asawa. Kumunot naman ang noo nito. “Hindi ko ‘yan matatanggap. Malaking halaga iyan para sa pamilya ko. Oo nga’t malaking tulong pero lalo lang ‘yan magpapasama sa kanila,” aniya. “What do you mean?” “Mas gugustuhin ko pang ibigay iyan sa mga foundation kaysa kanila. Mahirap ang buhay namin, at hindi makakatulong ang pera para mapabuti sila lalo na ang kapatid ko at step-mother,” wika niya. “That won’t do, isa pa, hindi pa man natin nalalaman ang arrangement may pera na ring involved diyan. Sa klase ng pamilyang meron ka, I’m sure they won’t let you live in peace. How about this? I’ll keep that for you and only give them twenty percent of the total amount,” sambit nito. “S-Sige, pero huwag mo na akong alalahanin. Ibigay mo sa foundation ang sobra,” aniya at tinalikuran na ito. Naiwan naman ang asawa niyang natawa na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD