Chapter 3

2609 Words
Napatayo si Kristina nang makita ang asawa niyang naglalakad papasok. Nagulantang pa ang mukha niya. Lumapit ito sa kaniya at tinikwasan siya ng kilay. “What? Iniisip mo ba na sana lumpo na lang ako habang-buhay?” asik nito. Kristina just bit her lower lip and look away. Umupo naman si Iker sa couch kaya mabilis na nilapitan ito ni Kristina at tinanggal ang suot na sapatos. Maingat ding inilagay iyon sa gilid at ipinasuot ang tsinelas. Tinulungan niya rin itong hubarin ang suot na coat at neck tie. Hindi niya ito matingnan dahil ramdam na ramdam niya ang nakasunod na titig nito sa kaniya. “You knew that you don’t have to do this do you?” anito. Tumango naman siya. “Ba’t ayaw mo akong tingnan? It’s rude,” wika nito. Mabilis na tiningnan naman ito ni Kristina. Iker was stunned seeing her bare faced. Ni hindi mo makitaan ng kahit anong make-up products. Makinis ang mukha, pormado ang kilay, at parang naiiyak ang mga mata nito. He was amazed but then came back to his own reverie. “I know that you’re doing this para sa pera. I already signed the check. You can bring it there personally if you want,” sambit nito. Umiling naman si Kristina. “What?” tanong ni Iker. “H-Hindi ko kailangan ang pera mo. Sapat na sa ‘kin na may libre akong tirahan at pagkain. Huwag kang mag-aalala tutulong ako sa mga gawain dito. Gusto ko lang sanang sabihin sa ‘yo na kung pwede ay uuwi lang ako rito sa Biyernes ng hapon hanggang linggo,” saad niya. Kumunot naman ang noo ng asawa niya. “For?” “M-May naiwan kasi akong trabaho sa pabrika. Nag-sick leave lang ako,” aniya rito. Lalo lamang kumunot ang noo ni Iker. “And?” “Bukas balik trabaho na ako. Mahihirapan ako kung sakaling dito ako mag-i-stay,” sagot niya. Dumekwatro naman si Iker at tinitigan siya. “How much do you earn there?” tanong nito. “Nasa walong libo rin po ang kinsena,” sagot niya. “That’s five hundred a day,” anito. Tumango naman si Kristina. “How about I’ll give you hundred times of that a day?” ani Iker. “Ha?” Gulat na gulat siya sa sinabi nito. Hinawakan ni Iker ang baba niya kaya napalunok siya. Nakatingin ito nang deritso sa kaniya at wala man lang siyang makitang pag-aalala sa mukha nito bagkus puro iyon kalamigan. Tila inaaral pa ang kaniyang mukha. Iker swallowed hard when he saw her lips. It was luscious and naturally red. “Huwag mo akong ipahiya, Kristina. I’m a mayor and a businessman. Hindi matutuwa ang mga magulang ko kapag nalaman nilang nagtatrabaho ka pa rin sa pabrikang iyon. It will affect my image. Kapag nalaman nilang hinayaan kong magtrabaho ang asawa ko sa maruming pabrikang iyon, ano sa tingin mo ang magiging tingin sa akin ng mga tao?” seryosong wika nito. Hindi naman makapagsalita si Kristina. “Hindi ka naman bobo kahit hindi ka tumungtong ng college. I’d be glad kung sasabihin mong gusto mong mag-aral kaysa magtrabaho. Sa ganoon man lang, puwede kitang maipagmalaki in the future,” anito at basta na lang na binitiwan ang baba niya. Tumayo ito at dumeritso na sa kusina. Naiwan naman siyang hindi makapaniwala sa narinig. Parang may kumudlit sa puso niya at masakit iyon. Ang baba nga talaga ng tingin nito sa kaniya. Nakagat niya ang kaniyang labi para pigilan ang sarili na maiyak. Huminga siya nang malalim at tumayo. “Hindi puwedeng tatahimik na lang ako,” aniya at pumunta na sa kusina. Tahimik lang silang kumakain at nasa gilid lang ang dalawa--si Angela at Pharsa. Tila nagmamasid lang kung ano ang kailangan ng amo nila. Hindi rin nagsasalita si Iker kaya tensiyonado ang paligid. “Why aren’t you eating?” tanong nito. Mabilis na kumain naman siya. Kakaiba ang boses ng asawa niya. Kababakasan ang otoridad. Ayaw na rin niyang makipagsagutan pa rito at parang nauubos ang lakas niya. Sobrang draining ng energy nito. “Pag-isipan mo ang sinabi ko kanina, Kristina. Magtatrabaho ka o mag-aaral ulit?” sambit nito saka pinunasan ang gilid ng labi. Tumango naman si Kristina. “Pag-iisipan ko po,” sagot niya rito. Kumunot naman ang noo ng asawa niya kaya nataranta siya. “Po? From what I know halos magkaedad lang tayong dalawa,” anito at napailing. Tumayo naman ito at umalis na. Nang makita nilang tumaas na ang elevator ay pareho silang tatlo na nakahinga nang maluwag. “Grabe! Bilang na bilang ko ang hininga niyo kanina,” ani Angela. “Mukhang wala sa mood ang senyorito. Ayaw ko na ring magsalita dahil paniguradong sisinghalan lang ako,” wika ni Pharsa. “Ganoon ba talaga kasama ang ugali niya?” tanong niya sa dalawa. “Hindi masama ang ugali niya, masama lang siyang magalit,” ani Pharsa. Tumango naman si Kristina at napainom ng tubig. Ngayon niya lang napansin na nanginginig pala siya kanina pa. “Inaway ka ba niya? Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Angela sa kaniya. “Okay lang ako. Ang sakit lang ng mga salita niya. Pakiramdam ko hinihiwa ang puso ko eh,” sagot niya. “Ganiyan talaga ‘yan siya. Kaya kapag galit iyan hinahayaan na namin.” Napatingin naman si Kristina sa elevator at napailing. Kumain na rin sila. Tumulong na siya sa gawain at nang matapos ay pumunta na sa kaniyang kuwarto. Habang nakatitig nga sa kisame ay napaisip siya. Magandang oportunidad din naman na makapag-aral siya ulit. Baka nga ito talaga ang para sa kaniya. Kung lalawakan niya ang kaniyang isipan ay hindi naman siya minamaliit ng asawa. Mukhang tinutulungan pa nga siya nito. Napangiti siya kahit papano. Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang mahinang katok doon. Bumangon siya at inayos ang suot na pajama at nakangiting binuksan iyon. Natigilan siya nang makita ang asawa. Hanggang ngayon ay gulat pa rin siya na makitang hindi talaga ito lumpo. “A-Ano ang ginagawa mo rito?” usisa niya. May iniabot itong paper bag. “Ano ‘to?” usisa niya. “Open it,” sagot ng asawa niya. Kunot ang noong binuksan naman niya iyon at napasinghap. Cellphone na mamahalin at cards. “Para sa ‘kin ‘to?” nahihiyang tanong niya. “Isn’t it obvious? Ibibigay ko ba sa ’yo kung hindi para sa ‘yo?” sagot nito. Mukhang inis na rin. Nauna pa itong pumasok sa loob ng kwarto niya. “Ahm...” Nakapamulsang tiningnan siya nito. “Umalis ka bukas, I’ll hire someone para samahan ka. Isang kilalang stylist. She’ll handle your clothes and jewelries. Lahat ng kailangan mo. I don’t want to see you wearing your worn-out clothes again. Nakakaawa ka masiyado,” wika nito. Nahihiyang nakagat naman ni Kristina ang kaniyang lower lip. “P-Pasensiya na,” aniya. “You’re working pero hindi mo maibili ang sarili mo ng bagong damit?” asik nito. “I-Inuuna ko kasi ang tuition ng kapatid ko. Mahal doon at hindi kaya ng papa ko ang gastusin,” aniya. Napakunot-noo naman si Iker. Hindi ito nagsalita pero halatang mas pinili na lang na huwag magbigay ng reaksyon. “About my offer, siguro naman nakapag-isip ka na,” wika nito. “O-Oo, gusto kong mag-aral ulit. Ayaw ko ng bumalik sa pabrika,” aniya. Ngumiti naman si Iker at hinawakan ang kaniyang ulo. Natigilan naman si Kristina sa ginawa nito. “Good decision. I already saved my number in your phone. Chat mo ako if ever na may naisip ka ng pag-aralan. Check your download files at nandoon na ang mga school na puwede mong aralan. It’s the best school’s here in town. And also, sa susunod na araw maghanda ka. You’ll come with me sa party ni, Governor Chua,” sambit nito. Tumango naman siya rito. Walang lingong-likod na umalis na ito at naiwan naman siyang nakabusangot. “Sala sa init sala sa lamig. Kung ganito kami palagi paniguradong pati ako maaapektuhan ang mood,” aniya sa sarili at naupo sa kama. Kinuha niya ang cellphone at napangiti. Connected na iyon sa wifi at kaagad naman siyang gumawa ng fishbook account niya. In-add naman siya kaagad ng mga kakilala niya. Binuksan niya ang messages nang makitang may message si Sophia. Ilang saglit nga ay nag-video call na. Sinagot niya iyon at hindi ipinakita ang kaniyang mukha. Sinigurado niyang naka-off ang video. “Hello? Ba’t ayaw mong ipakita ang mukha mo? Nahihiya ka ba? Bakit? Pinatulog ka ba ng asawa mo sa garahe? Hahaha sabi na eh. Puwede bang sbaihan mo na iyong asawa mo tungkol sa pera? Pumunta kami kahapon sa mansiyon ng mga Montejo pero wala kayo roon. Wala rin ang parents niya, nasaan ba kayo?” asik ng kaniyang kapatid. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone at binuksan ang camera saka ito galit na pinagsalitaan. “Ilang beses ko ba talagang dapat sabihin sa inyo na huwag niyo akong ipapahiya sa kanila? Nasa malayo na ako kasama ang asawa ko. Wala kayong perang matatanggap mula kanino man. Magpagod kayo, magtrabaho ka,” aniya. Natawa naman nang pagak si Sophia. “Baka nakakalimutan mong hindi mo matatamasa ang sitwasyong iyan ngayon kung hindi ki—” “Baka nakakalimutan mo ring dahil sa ‘yo kaya napilitan akong magpakasal sa taong hindi ko kilala. Huwag na huwag mo akong sumbatan sa bagay na ‘yan dahil wala kang karapatan. Huwga na kayong umasang makakatanggap ng pera mula sa kaniya. Oo nga’t nasa kasunduan iyon na may matatanggap nap era pagkatapos ng kasal, pero huwag na huwag niyong kalimutang nasa akin pa rin ang huling desisyon. Mas gugustuhin ko pang ibigay iyon sa ampunan kaysa inyo. Huwag ka ng tumawag pa ulit,” matigas niyang wika at akmang papatayin na iyon nang sumigaw si Sophia. “Sige! Ipapahiya kita rito sa luar natin. Tingnan mo lang. Aaraw-arawin namin ang mansiyon ng asawa mo hanggang sa lumabas ka,” anito. “Gawin mo! Walang pumipigil sa ‘yo. Sa tingin mo sa ‘kin ang kahihiyan ng gagawin niyo? Sino ba ang nagmumukhang desperada at kaawa-awa sa tingin ng mga tao? Ako ba?” sagot niya. “Walang hiya ka talaga!” Rinig niyang siga wng kaniyang ina-ina na nasa tabi lang pala ni Sophia at nakikinig. “Nakaalis ka lang dito akala mo kung sino ka na kung umasta. Nakalimutan mo na kaagad ang pamilya mo? Maghintay ka lang. Pagkatapos kang itapon ng asawa mo na parang basura sa tingin mo makakabalik ka pa rito ha?” galit nitong sambit. “Kung darating man ang araw na ‘yan, hindi ako ang aalis kung hindi kayo. Baka nakakalimutan niyong akin ang bahay na ‘yan. Sa mama ko ‘yan at hindi sa inyo,” singhal niya pabalik at pinatay na ang tawag. Nanginginig na napahilamos siya sa kaniyang mukha. Heto nga at nasa malayo na siya pero hindi pa rin siya tinitigilan ng mga ito. Napahiga siya sa kama at napapikit. Iniisip niya ang dapat na gawin. Sa katunayan ay nasa kaniya na ang cheque. Naibigay na ng asawa niya kanina. Nasa loob ng paper bag. Kung bibiyan man niya ang pamilya niya iyon ay kukuha na lang siya sa kaniyang ipon. Mababawi naman niya iyon pagdating ng panahon kapag nagkatrabaho siya ulit. Hindi niya kayang pakinabangan ang perang hindi naman siya ang naghirap. Hindi mataas ang ego niya, pero may konsensiya siya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at dumeritso agad sa kusina para tulungan si Angela. “Magandang umaga,” bati niya rito. “Aga mo naman,” anito habang nakangiti. “Hindi ako sanay na gumising nang matagal,” sagot niya at tumulong na rito. Nang maihain nga ay lumabas na siya at kinuha ang mahabang hose saka diniligan ang mga halaman. Pinagbubunot niya rin ang mga damo. Pokus na pokus siya roon at hindi man lang napansin ang asawanag nakatitig lang pala sa kaniya. “Siya rin naghanda ng agahan mo, Senyorito. Napakabait niya no. Ang galing niyo pong pumili,” komento ni Angela. “Hayaan mo lang siya sa gusto niyang gawin. I am still not convinced with her goodness. Sigurado akong nagpapanggap lang siya. Sigurado akong may balak siya in the future,” wika nito. Napangiwi naman si Angela. Umalis na ito at naiwan naman si Angela na umiiling. “Hindi yata marunong kumilatis ang senyorito ah. Malalaman mo naman kaagad kung mapagpanggap o hindi eh. Kung gahaman pa ito sa pera paniguradong magpapakabuhay mayaman na ito kaagad. Kaso hindi, hindi nga yata sanay na walang ginagawa. Sino bang tanga ang magpapanggap at magpapakahirap nang ganito kung sobrang yaman ang asawa?” aniya at napabuga ng hangin. “Lalim ng iniisip mo ah,” sambit ni Pharsa. “Tiya, tingnan mo nga si Kristina. Sa tingin mo nagpapanggap iyan para sa pera?” tanong niya sa matanda. “Sa tingin ko hindi, magpapa-impress sana ‘yan at gagalaw lang iyan kapag nandito ang senyorito kaso hindi. Talagang sanay magbanat nang buto si Kristina,” sagot nito. “See? Kaso iba yata ang pananaw ng amo natin,” ani Angela. “Hayaan mo na, mare-realize niya rin ‘yan pagdating ng panahon,” anito. Nagkibit-balikat naman si Angela. “Tawagin mo na at mag-agahan na rin tayo,” wika ni Pharsa. Tumango naman siya. “Kristina! Halika na, kain na tayo!” Napalingon naman siya at napangiti. “Sandali lang, tapusin ko lang ‘to,” sagot niya at tinumpok na ang mga damo. Nahugas na siya ng kamay at pumasok sa loob ng kusina. “Kain na tayo,” aya sa kaniya ni Angela. Tumango naman siya. “Nandito na pala ang stylist na kinuha ni, Senyorito Gael,” wika ni Pharsa. “Po?” “Naghihintay na sa ‘yo. Kami na ang bahala sa mga gawain dito. Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyon eh,” wika ni Pharsa. Ngumiti lamang si Kristina. “Ayan na naman tayo eh,” aniya at inilingan na ito. Tumayo siya at lumabas ng kusina saka nilapitan ang babaeng mukhang kaedad niya lang. “Hello po, ako po si Kristina. Kumain na po ba kayo? Sumabay na po kayo sa amin,” nakangiting aniya. “Hello, Senyorita. Ako nga pala si Miya. Ako po ang personal stylist niyo. Huwag na po kayong mag-abala sa ‘kin at tapos na po akong kumain. Maraming salamat,” anito. “S-Sige, sandali lang ha,” aniya rito. “Take your time po,” sagot nito. Bumalik naman si Kristina sa kusina at kumuha ng puwedeng i-snacks nito. “Ako na,” wika ni Angela. “Salamat,” aniya at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ay naligo na siya at nag-ayos. Ilang minuto nga lang iyon. Kita niya pa na tila nagulat pa si Miya. “Tara na?” aniya rito. Tumango naman ito. Pansin niyang tila alanganin ito sa kaniyang suot. Napangiti na lamang siya dahil talagang baduy siya. Baduy kung baduy. Nasa labas na rin si Argus at naghihintay sa kanila. Pumasok na sila sa sasakyan at umalis na rin. Nakatingin lang siya sa labas at kinakabisa ang daan. Napakaganda ng paligid at malinis. Pagkarating nila sa city proper ay lalo siyang natuwa. Mas produktibo at mas maunlad kaysa roon sa kanila. Bumaba sila sa isang kilalang store. Nauna na si Miya at sumunod naman siya nang pigilan siya ng guwardiya. “Bakit po?” tanong niya rito. Napalingon naman si Miya at dali-daling nilapitan sila. “Asawa ‘yan ni, mayor. Umayos ka,” asik nito. “Pasensiya na po ma’am,” wika ng guwardiya at pinatuloy na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD