Chapter 2

2631 Words
Isang simpleng kasalan ang naganap sa mansiyon ng mga Montejo. Iilan lang ang nandoon. Ni hindi niya kilala ang mga bisita maliban sa pamilya niya. Nang matapos nga ang seremonya ay kaagad silang nag-picture taking. “Welcome to the family, Kristina,” nakangiting wika ng ina ng asawa niya. Kita sa mata nito ang tuwa at halatang hindi siya pinepeke o ano pa man. Talagang masaya ito. “Salamat po—” “Mama, tawagin mo na akong mama,” sabat nito. Napangiti naman siya at niyakap ito pabalik. Ganoon din ang asawa nito. Napakabait at talagang welcome na welcome siya. “Family of the bride naman,” wika ng photographer. Tumabi naman kaagad sa kaniya si Sophia at ang ina nito. Sa kabila ay ang ama niya. “Ang cheap naman ng design ng gown mo. Tinitipid ka yata ng pamilya ng asawa mo. Nakakalungkot naman,” sambit nito at nakasimangot pa sa kaniya. Napaikot na lamang niya ang kaniyang mata at pinilit ang sarili na ngumiti. “Mamaya na ‘yang bangayan niyo. Smile muna, nakakahiya sa mga bisita kapag nakita nila kayong nag-aaway,” sambit ng ina-ina niya. Hindi na rin siya sumagot pa at naiinis na naman siya. Nang matapos ay hinawakan nito ang kaniyang kamay. “Kristina, baka makalimutan mo ha. Hindi pa kasi naibigay ng asawa mo ang cheque. Baka naman puwede mo siyang i-remind,” nakangiting sambit ng step-mother niya. Kaagad niyang binawi ang kamay niyang hawak nito at tinalikuran. Pumunta na siya sa table nila at nilagok ang tubig sa baso. Hirap na hirap siyang pigilan ang emosyon niya. “Nagsisisi ka na ba?” Napalingon siya at nakita si Iker na kararating lang. Nagpasalamat pa ito sa pinsan nitong siyang tumutulak sa wheelchair. “Hindi,” tipid niyang sagot at iniwas ang tingin dito. “Aalis tayo mamaya,” sambit nito. “Ha? Saan?” “Sa bahay ko,” sagot nito. “H-Hindi ba ito ang bahay niyo?” tanong niya rito. Umiling naman ito. “Bahay ‘to ng parents ko, hindi sa ‘kin.” “S-Sige, pero puwede bang daan muna tayo sa bahay namin? Nandoon pa kasi ang mga gamit ko,” aniya rito. “No need, ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo sa helpers ko. Marami pa akong gagawin. I’d be busy and I’m so tired right now. Gusto ko ng magpahinga,” litanya nito. Alanganing napatango naman si Kristina. “Okay.” “You can smile more often, baka isipin ng mga bisita napipilitan ka lang. Huwag mong masiyadong ipahalata,” wika nito. “Sorry,” mabilis niyang saad. Iker just looked at her amused. Pagsapit nga ng alas-diyes ng gabi ay nagsiuwian na ang mga bisita nila. Nilapitan naman si Kristina ng ama niya at niyakap. “Mag-iingat ka anak. Salamat at pasensiya ka na. Alam kong naipit ka sa sitwasyong ito. Kung sakaling hindi ka niya tratuhin nang tama, huwag kang magdalawang-isip na magsabi sa ‘kin. Kukunin kita, at palaging bukas ang pinto ng bahay natin para sa ‘yo,” naiiyak na wika nito. Napangiti naman si Kristina. Ang totoo ay parang tutulo na rin ang luha niya sa lungkot. Wala namang mas matimbang sa kaniya kung hindi ang ama eh. Ito na lang ang pamilya niya. Lumapit naman ang step-mother niya at kapatid. “Bye sissy, sana maging masaya ka tonight. Iyon ay kung sasaya ka nga. Sa nakikita ko mukhang habang-buhay mo ng pagsisisihang pinakasalan mo pa ang lumpong ‘yan eh,” saad nito at tinawanan pa siya. “Sana kung ikaw naman ay mag-aasawa na rin, makatagpo ka ng lalaking mapera talaga. Iyong lalaking hindi ka iiwan kahit pa ganiyan kasama ang ugali mo. Kahit ang sama ng tabas ng dila mo, umaasa pa rin akong magiging maganda ang buhay mo. Hindi mo na problema kung ano man ang sitwasyon ng naging asawa ko. Buhay mo ang ayusin mo,” sagot niya rito at nginitian ito. “Iniinsulto mo ba ako? Sinasabi mo bang hindi maayos ang buhay ko ha?” inis nitong tanong. “Kapag na-realtalk ka talaga, malamang insulto ang dating nu’n. Pero kung nasa ayos ang utak mo at marunong kang mag-analisa ng mga bagay-bagay ay paniguradong may reyalisasyon ka pagkatapos. Kaso sa kapasidad ng utak mo, alam kong ikagagalit mo pa ang sinasabi ko kaya bahala ka na. Malaki ka na,” aniya rito at inilingan na lang ito. “Sige na, aalis pa kami,” aniya at nagpaalam na. Hindi naman makapaniwala si Sophia sa sinabi niya at napapadyak pa sa inis. Pinipigilan lang ito ng ina niya dahil nakatingin pa sa kanila ang ibang mga bisita. Pagod na pumasok si Kristina sa sasakyan nu’ng makapagpaalam sa pamilya ng asawa niya. Tahimik lang siya at napalunok nang pumasok na rin ang asawa at umupo sa tabi niya. Hindi niya yata kayang huminga nang maayos habnag kasama ito. Halos mabingi siya sa sobrang katahimikan. Tahimik lang din kasi ang driver. “Puwede kang matulog kung gusto mo. Malayo pa ang lugar ko,” wika nito. Nilingon lang ito ni Kristina at tinanguhan. Nakatingin lang siya sa labas at sa sobrang pagod ay hindi na namalayang nakatulog siya. Nagising siya nang maramdaman ang mahinang tapik sa kaniyang mukha. Naalimpungatan pa siya at napalayo kaya tumama ang ulo niya sa roof ng sasakyan. “Awake now?” tanong ng asawa niya at inis na bumaba ng kotse. Natigilan naman si Kristina at nakagat ang sariling labi sa sobrang kahihiyan. Napahawak siya sa kaniyang mukha at nakahinga nang maluwag. “Buti na lang hindi ako naglaway,” aniya at bumaba na rin. Napasinghap siya nang makita ang napakalaking bahay sa kaniyang harapan. Three story house iyon at sobrang ganda. Napatingin siya sa relos niya at madaling araw na pala. Halos dalawang oras din pala ang binyahe nila. Napatingin siya sa paligid at tanging puno lang ang kaniyang nakikita at malaking lawn. Kaagad siyang nginitian ng babaeng sa tingin niya ay kaedad niya lang at iginiya papasok sa loob. “Welcome home madam,” anito at todo ang ngiti. Nahihiyang ngumiti naman siya rito pabalik. Nakaupo na si Iker sa sofa at nakatingin sa kaniya. Kumaway ito para lumapit siya kaya nilapitan niya ito. Nagtinginan pa silang dalawa dahil wala naman siyang ideya. “Help me with my shoes,” sambit nito at mukhang inis pa. Hindi niya naman kasi na-gets kaagad ang gusto nitong ipahiwatig. “Ah, sorry,” aniya at lumuhod saka tinanggal ang suot nitong sapatos. Maingat niya rin iyong nilagay sa gilid at kinuha ang tsinelas na hawak ng katulong saka ipinasuot sa asawa. Nakatitig lang sa kaniya si Iker. Tumayo na rin siya pakatapos. “This is Angela, one of my trusted maids. Iyong driver kanina, that was Argus. May mayordoma rin ako rito, si Pharsa,” sambit nito. Natigilan naman si Kristina at tumango na lang. “Angela, ikaw na ang bahala sa kaniya bukas. I have a lot of things to do tomorrow,” wika nito. Tumango naman si Angela at nginitian ang amo. “Masusunod po senyorito,” sagot nito at nilapitan si Kristina. “K-Kailangan mo ba ng tulong papunta sa taas?” tanong niya rito. “No need,” sambit nito at tumalikod na. Automatic naman ang wheelchair nito. Nakasundo lang ang tingin ni Kristina sa asawa at napasinghap nang makitang may elevator naman pala sa gilid. Napalunok siya nang mag-abot saglit ang tingin nila. Napaubo naman si Angela at makahulugang nginitian siya. Napakamot naman siya sa kaniyang batok at nahihiyang nginitian ito. “Tara?” aya nito sa kaniya. Tumango naman siya rito at sumunod na. Napatingin siya sa paligid habang naglalakad sila ni Angela paakyat sa ikalawang palapag. “Dito ang kuwarto mo, ang kay senyorito ay nasa itaas. Nasabi na niya sa ‘min ang tungkol sa biglaan ninyong pagpapakasal. Para na rin hindi ma-awkward o ano pa man ay minabuti na niyang dito ka,” sambit nito. Napangiti naman si Kristina kahit papaano. Dahil ayaw niya ring makatabi ito. Kahit pa sabihing asawa na niya ito ay ayaw naman niyang makipagsiping. “Salamat, Angela. Ako na ang bahala rito. Sige na, magpahinga ka na rin. Pasensiya ka na sa abala ha. Inabot ka rin tuloy ng madaling araw,” aniya rito. “Ano ka ba? Walang problema iyon. Excited din talaga ako na ma-meet ka. Ang boring kasi rito sa mansion. Hindi ko pa masiyadong kasundo si Tiya Pharsa dahil matanda na. Magkaiba na kami ng humor sa life,” anito at nakabusangot pa. Napangiti naman si Kristina. “Sige, see you bukas?” Tumango naman ito at nakangiting umalis. Isinara na rin ni Kristina ang pinto at napatingin sa malaking kama sa kaniyang harapan. Nayakap niya pa ang sarili dahil sa lamig ng air conditioner. Nakangiting binuksan niya ang walk in closet sa unahan at napangiti. Kinuha niya ang pares ng pajama na gawa sa silk at pumasok sa banyo. “Wow!” Mabilis na pumasok siya at tuwang-tuwa na hinawakan ang napakaling salamin at bath tub. “Ang yaman-yaman niya,” saad niya at lumapit sa bowl. Napakunot noo siya nang makita ang hose na maliit sa gilid ng bowl. “Ano ‘to? Paano ba maghugas if ever, eh walang tabo at timba,” aniya sa sarili. Hinawakan niya ang bidet at aksidenteng nabuksan iyon kaya dumeritso sa kaniyang mukha. Napahiyaw pa siya sa sobrang gulat. “Ay!” Kinakabahang binitiwan niya iyon at napalunok. Ilang sandali pa bago niya na-realize ang sariling katangahan. Napaupo siya sa bowl at tawan-tawa sa sarili. Napahawak siya sa kaniyang noo at napailing. “Ano ka ba Kristina?” saway niya sa sarili at natawa na naman. Napatingin siya sa sarili niya at nag-half bath na lamang. Nang matapos ay nagbihis na at humiga sa sobrang lambot na kama. Nakangiting napatingin siya sa napakagandang ceiling. “Masarap nga talaga ang buhay kapag mapera ang asawa mo. Kahit papaano ay sobra pa sa komportable ang magiging buhay ko araw-araw,” aniya at huminga nang malalim. “Wala naman sigurong masama kung enjoy-in ko ang privilege ng pagiging asawa ng isang Iker Montejo,” aniya at ipinikit na ang kaniyang mata. Malamig ang paligid kaya mabilis lang siyang dinalaw ng antok. Kinabukasan ay binuksan niya ang bintana at napapikit. Napakasarap ng simoy ng hangin at sobrang sarap ng kaniyang tulog. Uminat-inat pa siya at napatingin sa oras. Nanlaki ang matang tumakbo na siya pababa at dumeritso sa kusina nang makitang nakangiting mukha ni Angela ang bumungad sa kaniya. “Good morning, Senyorita Kristina. Halika na mag-agahan ka na,” wika nito. “P-Pasensiya ka na ha, tinanghali ako nang gising,” nahihiyang wika niya rito. “Ano ka ba? Kahit pa umagahin ka pa ng gising walang problema,” sagot nito. “Nakakahiya kas—” “Ba’t ka naman mahihiya? Ikaw ang amo namin dito. Kaya ikaw ang masusunod sa lahat. Susundin lang namin kung ano ang iuutos mo,” saad ni Angela. Alas-onse na siya nagising. “Nagising na ba si Iker?” tanong niya rito. “Ah si Senyorito? Naku! Kanina pa umalis. May trabaho kasi iyon,” wika nito. “Ahm, ano ang trabaho niya?” Natigilan naman ito sa pagsalin ng juice sa baso. “Hindi mo pala alam?” Umiling naman siya rito. “Mayor siya rito sa Las Palmas,” sagot nito. “Ha?” Ngumiti naman si Angela. “Matagal na siyang Mayor dito. Magaling na politician at magaling ding businessman,” wika nito. Napatango-tango naman si Kristina. “Angela?” Napalingon naman silang dalawa sa pinto at nakita ang matandang may istriktang mukha. “T-Tiya,” ani Angela. Tumayo naman si Kristina at nahihiyang binati ito. “H-Hello po, magandang tanghali,” bati niya rito. Nilapitan siya nito at tinitigan. “Ikaw ba si Kristina? Ang asawa ni, Senyorito Iker?” tanong nito. Tumango naman siya. “Opo, kain po tayo,” aya niya rito. Natigilan naman ito. “Gusto mo? Okay lang sa ‘yo?” paninigurado nito. “Oo naman po, kain po tayo,” aniya rito. Kita niyang napangiti ito sa kaniya. “Sige,” sagot nito at umupo sa tabi niya. “Kain ka na rin, Angela,” aniya rito. Tumango naman ito at nagkuwentuhan na sila. “Akala ko ay isang bitchesa ang naging asawa ng senyorito. Mabuti naman at hindi,” komento ng matanda. “N-Naku! Hindi po, huwag po kayong mahihiya sa ‘kin. Ako pa nga po ang dapat na mahiya sa inyo lalo pa at mukhang dadagdag pa yata ako sa magiging alagain niyo,” aniya rito. “Hoy! Hindi ah, matagal na kaya namin gustong ma-meet ka,” ani Angela. “Akala nga namin hindi na mag-aasawa ang senyorito. Mabuti naman at may nauwi na rin at mukhang mabait pa,” ani Pharsa. Nahiya naman si Kristina. “May ugali rin po ako, hindi po ako mabait na mabait,” sabat niya. “Sus! Lahat naman tayo, sino ba ang hindi?” ani Pharsa. Natuwa naman siya at nakangiti na ito. Hindi na kagaya kanina na sobrang istrikta ng tabas ng mukha. “Ahm, sobrang aga po bang umalis ni, Iker?” usisa niya sa dalawa. Sabay na tumango naman ang mga ito. “Mga alas-siyete treinta, aalis na siya,” ani Pharsa. “Bakit?” tanong ni Angela. Kumikindat-kindat pa ito sa kaniya na tila ba may pinapahiwatig. “K-Kasi, gusto ko sanang magluto. Tutulong ako sa inyo sa mga gagawin dito sa bahay. Hindi kasi ako sanay na walan ginagawa. Saka may trabaho rin po ako sa pabrika. Tatlong araw lang kasi ang sick leave na gamit ko. Para kahit papaano ay mapalitan ko naman ang pag-i-stay ko rito,” aniya. Nagtinginan naman si Angela at Pharsa. “Ano ka ba? Ano ba ang silbi namin kung sakali? Saka ikaw na ang senyorita ng mansiyong ito. Hindi mo kailangang magpakapagod. Simula nang ikasal ka sa amo namin, amo ka na rin namin no,” sagot ni Angela. “Oo nga, Kristina. Saka, huwa kang mahihiyang magsabi sa min kung ano ang gusto mo. Kbailin-bilinan sa amin ng senyorito na pagsilbihan ka kagya ang pagsisilbi namin sa kaniya,” ani Pharsa. Napakamot naman si Kristina sa kaniyang batok. “Hayaan niyo na po akong tumulong sa inyo. Talagang inumaga na ako kanina sa paggising dahil sa pagod. Pero promise po, sanay ako sa gawaing bahay. Kung magagalit man si Iker, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya. Maibsan man lang ang hiya ko sa pakikitira rito. Alam kong alam niyo ang totoong sitwasyon namin. Kaya sana maintindihan niyo rin ako,” malumanay niyang saad. “Bata ka talaga! Oh sige, pero huwag mong masiyadong pagurin ang sarili mo. Kakausapin ko ang senyorito mamaya,” ani Pharsa. Napangiti naman nang malapad si Kristina at nagpatuloy na sila sa pagkain. “Oo nga po pala, mga anong oras po umuuwi si Iker?” tanong niya. “Hmm, minsan maaga, minsan madaling araw na rin. Depende sa trabaho niya. Pero madalas siyang alas-siyete na umuuwi sa gabi. Mas pokus kasi siya sa munisipyo kaysa negosyo niya. Okay na okay na kasi ang negosyo niya,” saot ni Pharsa. “Salamat po,” aniya at ngumiti rito. Pagsapit nga ng hapon ay tumulong na siya sa paglilinis at pagluluto. Natigilan silang tatlo nang tumunog ang telepono. “Ako na po,” ani Kristina at lumabas ng kusina. “Hello?” sagot niya rito. “I’ll be back later for dinner. Sabihin mo kay, Manang Pharsa na kakain ako riyan,” malamig nitong wika. “O-Okay,” sagot niya at ibinaba na ang tawag. “Sino iyon?” usisa ng matanda. “Si Iker, dito raw siya kakain,” sagot niya. “Ay! Tamang-tama at naghahanda na tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD