Kabanata 1

2644 Words
“Kristina?” Napalingon ang dalaga at nakita ang kasamahan niya sa trabaho na si Emir. “Bakit?” sagot niya rito. “Sabay na tayo, hatid na kita sa inyo,” nakangiting saad nito. “Sure ka?” paninigurado niya rito. Tumango naman ito. “Oo, saka pagabi na rin. Delikado na para ma-isa kang umuwi.” Ngumiti naman nang tipid si Kristina. “S-Sige,” sagot niya. Hindi naman mapuknit sa labi ng binata sa pag-oo ni Kristina. Kinuha na nito ang motor niya at maingat na nagmamaneho. “Balita ko mag-aasawa na si Pia ah, at mayaman daw ang mapapangasawa,” sambit nito. “Saan mo nalaman?” “Kay mama, nasabi niya kagabi. Pinangangalandakan daw kasi ng step-mother mo. Sinabi niya na sa mga kapit-bahay,” sagot nito. Natawa naman nang pagak si Kristina. “Eh, ikaw ba? Waka ka bang balak mag-asawa? Nasa tamang edad na tayo ngayon,” wika nito. “Sino ba aasawahin ko?” aniya rito. Napakamot naman si Emir sa kaniyang ulo. “Ano pala ang gusto mo sa lalaki?” usisa nito. “Ba’t mo tinatanong?” sagot niya rito. Natawa naman ito. “Pasensiya ka na. Nagtatanong lang eh. Ang ganda mo kasi pero wala akong narinig na may jowa ka,” saad nito. “Wala namang nanliligaw,” aniya. Kamuntik pa siyang humalik sa likod nito nang bigla itong nag-brake. “Bakit? Ano ang nangyari?” tarantang tanong niya. “Sorry, ano kasi, may dumaang pusa. Kamuntik ko ng masagasaan,” sagot nito. Ang boses ay hidi mawari kung ano ang nangyari. “Hindi mo ba nasagasaan?” usisa niya rito. “Hindi, naiwasan ko,” sagot nito. Nakahinga naman nang maluwag si Kristina. “Buti naman, dahil kung nasagasaan mo na’t namatay isa ka ng murderer,” aniya rito. “Huh?” “Huwag na huwag kang mananakit ng mga hayop. Masama ‘yan, may karma,” dagdag ni Kristina. Lalo namang humanga ang binata. “Hindi ko gagawin ‘yan, mahal ko ang mga pusa at aso,” wika nito. “Ganiyan nga, mahalin mo lang sarili mo,” wika ni Emir. “Ha? Mukha ba akong hayop sa ‘yo?” mahinahong tanong nito. Natawa naman si Kristina. “Ano ka ba? Niloloko lang kita,” bawi niya. Nakahinga naman nang maluwag si Emir. Pagdating nga nila sa labas ng bahay nila ay napakunot-noo siya. Mukhang nandito na naman ang pamilyang Montejo. “Ang gaganda ng sasakyan, balang araw makakabili rin ako niyan,” wika ni Emir. Kitang-kita ang paghanga sa mata nito. “Sige, salamat ha. Magkano ba?” tanong ni Kristina dito. “Ha?” Tila hindi naiintindihan ang nais ng dalaga. “Pamasahe ko, magkano ba? Hindi iyon libre no, mahal na ang gasolina,” sambit nito. “Ha? Huwag na uy. Ano ka ba? Para ka namang others,” saad nito. “Sure ka? Baka sa susunod na araw ipagsasabi mo ha na may utang na loob ako sa ’yo. Ayaw ko ng ganoon,” wika ni Kristina. Natawa naman ang binata. “Sige na, uwi na ako,” sambit nito at pinaandar na ang motor. Nakatayo lang si Kristina habang nakatingin kay Emir na papalayo na. “At least nakatipid,” aniya at pumasok na sa loob ng bahay nila. Natigilan siya nang makita ang mga bisita nila. “Ayan na pala siya. Kristina anak, halika rito,” tawag sa kaniya ng ama. “Po?” Nilapitan na siya nito at ipinakilala sa tatlong matanda. Sa gilid ay ang tahimik lang na binatang nakaupo sa wheel chair. “Anak, ito si Don Enriquez Montejo. Ito ang nag-iisa niyang anak na si Don George at ang asawa niyang si Donya Laurita. Sila ang pamilya ni, Senyorito Gael. Ito naman ang mabait kong anak, si Maria Kristina,” wika ng ama niya. Nakangiti ang mga ito sa kaniya kaya nagmano na siya at kahit marami pa ring tanong ay hinayaan na lamang. Napalingon siya at nakita ang binatang malami na nakatingin lang sa kaniya. “Upo ka muna at may pag-uusapan kayo,” wika ng tiya niya at pinatabi pa sa magiging asawa niya. H Hindi siya mapakali at hindi niya akyang tingnan ang katabi. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon at kalamian nito. Wala pa nga itong nasasabi pero kinakbahan na siya. Ang lalim ng tingin at halatang hindi niya ito magiging kasundo kaagad. “Napag-uspaan namin kanina na kung puwede ay maikasal na kayo nitong anak ko sa lalong madaling panahon, hija. Iyon ay kung papayag ka,” wika ng ginang. Malumanay ang boses at nakangiti sa kaniya. Napakaganda at halatang mabait. “Po?” “Gaya ng napagkasunduan namin ng lolo mo noon, susundin ko lahat ng kondisyon. Kapalit nu’n ay ang pamamalagi mo sa amin. You don’t have to worry about anything. Lahat-lahat ibibigay namin sa ‘yo. Hindi ka namin pababayaan,” wika ng Don Enriquez. Napalunok naman si Kristina. Napalingon siya kay Iker na tahimik lang. “M-Masiyado naman po yatang mabilis,” mahinang aniya at alanganing napangiti. “Kung patatagalin pa, wala namang magbabago,” sabat ng binata. Natigilan naman si Kristina. Totoo naman. Kung madalian o tagalan ay wala namang pinagkaiba dahil pareho nilang ayaw. “Shock lang po itong step-daughter ko, payag po siya sigurado ako,” sabat ng tiya niya. Naikuyom naman niya ang kaniyang kamao. Pabida talaga itong ina-ina niya. “Don’t worry sa gastos, Kristina. Kami na ang bahala sa lahat,” saad naman ng ginang. Naghihintay ang mga ito sa sagot niya. Hindi niya naman alam kung paano magreklamo. Paniguradong magagalit ang papa niya kung sakali. Huminga siya nang malalim at tumango. “S-Sige po,” aniya. “Ayan naman pala eh, pinakaba mo pa kami ng papa mo ah,” wika ng tiya niya at masayang-masaya ito. Alam niya dahil may matatanggap silang pera. Ayaw na niyang tingnan ulit ang binata at para siyang kinakain sa klase ng tingin nito. “Anak, dalhin mo muna sa labas si Senyorito Gael para naman makapag-usap kayo. Makalanghap din siya ng sariwang hangin,” wika ng ama niya. “H-Ha?” “Buti pa nga,” nakangiting sabat ng Ginang Laurita. Napatingin naman si Kristina sa binata na tahimik lang sa tabi niya. “S-Sige po,” aniya at maingat na itinulak ang wheelchair papunta sa labas. Dinala niya ito sa gilid ng bahay kung saan matatanaw ang malawak na lupain ng sakahan. Sa kapit-bahay nila iyon. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. “Kung ayaw mong magpakasal sa ‘kin, puwede ka namang humindi,” malamig na saad ng binata. Napalunok naman ng laway niya si Kristina at nilingon ito. Malayo ang tingin at kunot na kunot ang noo. “W-Wala naman po akong sinabing ganiyan,” sagot niya rito. Lumingon ito sa kaniya at nakataas ang kaliwang kilay. “I know that you don’t have any choice. Napipilitan ka lang na gawin ‘to dahil sa kapatid mo ‘di ba? You are forced to marry me dahil umayaw siya,” rektang sambit nito. Hindi naman nakaimik si Kristina. “My parents will understand, kung aayaw ka. Isa pa, this is a loveless marriage. I saw that man you are with earlier I don’t want to ruin your relationship with him,” seryosong wika nito. “H-Hindi ko po siya boyfriend. Isa pa, totoong wala akong pagpipilian. Kailangan kong gawin ‘to para sa pamilya ko,” mahinahong aniya. Iker just scoffed at her. “Ganoon na ba kayo kadaling paamuhin ng pera?” tanong nito. Kumunot naman ang noo ni Kristina sa sinabi nito. Wala siyang maisagot dahil may tama na naman ito. Iniwas na lang niya ang tingin dito. Huminga nang malalim si Iker at nagsalita. “Don’t worry, after ng kasal natin, I’ll make sure that you’re paid enough. Marami akong pera, you can buy anything you want. Lahat ng gusto mo, at sisiguradohin din ng pamilya ko na magiging maayos ang buhay ng pamilya mo,” matigas nitong sambit. Hindi naman mahanap ni Kristina ang tamang salita na sasabihin. Ang totoo ay nainsulto siya. Pero ayaw niyang makipagtalo rito. Ayaw niyang bigyan ito ng satisfaction. Kitang-kita rin naman sa mukha nito na ganoon kababa ang tingin sa kaniya kaya tumahimik na lang siya. “Okay,” tipid niyang sagot. Iker just looked at her amused. Nang makaalis na nga ang mga ito ay tahimik lang siyang nakaupo sa upuan nila sa loob. Tuwang-tuwa ang step-mother niya. May pakanta-kanta pa. Habang siya ay hindi pa maisip nang maayos ang nangyayari. “Kristina, sa susunod na buwan ay ikakasal ka na sa pamilya nila. Hindi mo na kailangang magtrabaho pa kapag naikasal na kayo. Sobrang yaman ng pamilya nila. Naahon mo kami sa kahirapan,” nakangiting sambit nito. Natawa naman siya nang pagak sa sinabi nito. “Ganoon lang ba talaga ang tingin niyo sa ‘kin? Masiyado ba akong walang kuwenta sa inyo para gawin niyong huthutan? Wala akong pera at kahit ikasal pa ako sa pamilyang ‘yon, magtatrabaho pa rin ako. Hindi ako ang tipo ng babaeng mag-aasawa ng mayaman para umalwan. Hindi niyo ako collateral. Mahiya naman kayo,” inis niyang saad. “K-Kristina, hindi naman ganoon,” sambit nito. Huminga siya nang malalim. “Alam niyo ba kung ano ang tingin sa ‘kin ng lalaking ‘yon? Mukhang pera. Ni minsan hindi ako alipin ng pera. Nagtatrabaho ako nang maayos para sa pamilya natin. Kumikita ako nang disente at naaayon sa kapasidad ko. Ang sakit makarinig ng ganoon. Huwag niyo namang masiyadong ipahalata ang pagkagahaman niyo sa salapi. Magtira kayo kahit kaunting hiya man lang,” dagdag niya. Tahimik lang ang ama niya sa gilid. “Eh ‘di kung ayaw mo sana umayaw ka na lang kanina. Ba’t ka pa um-oo?” galit na singhal sa kaniya ng step-mother niya. “Ikaw arte mo rin eh. Ikaw na nga ‘tong hahayahay ang buhay ang dami mo pang reklamo. Kung bata-bata lang ako, ako na ang magpapakasal du’n,” dugtong nito. Natawa naman si Kristina. “Bakit? Binigyan niyo ba ako ng pagkakataon na humindi? Ikaw naman ang may gusto nitong lahat eh. Sana ikaw na nga lang ang nagpakasal. Ikaw ‘tong nagmamagaling.” “Kristina!” galit na singhal ng ama niya. Natigilan siya at tiningnan ang ama. Puno ng pagkadismaya ang kaniyang mukha habang tinitingnan ito saka pumasok na sa kaniyang kuwarto. Napaupo siya sa kama at mabilis na pinahiran ang tumakas na luha. Kinuha niya ang picture frame ng ina at niyakap iyon. “Kung sana lang nandito ka, siguro hindi ko mararanasan ‘to. Siguro hindi ka papayag. Gusto kong humindi, pero parang may kung anong puwersa ang pumipigil sa ‘kin. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kung sakaling tatakas ako, malaking kahihiyan naman iyon kay, papa. Kaya lang naman ako nagtitiis dahil mahal ko si papa. Hindi ko kayang iwan siya. Siya na lang ang pamilyang meron ako. Tumatanda na rin siya,” aniya rito. Suminghot siya at mabilis na ibinalik ang picture frame sa gilid saka pinunasan ang mata nang makitang pumasok ang kaniyang ama. Napakalungkot ng mukha nito. “Ba’t po kayo nandito?” tanong niya. “Anak, puwede ba kitang makausap?” Napakurap-kurap naman si Kristina at huminga nang malalim saka tumango. “Pasensiya ka na anak kung napunta ka sa ganitong sitwasyon. Hindi naman sana tayo umabot sa ganito kung hindi lang dahil sa kapatid mo. Pasensiya ka na,” mahinahon nitong wika. “Kakausapin ko ulit si Don Enriquez habang pinaplano pa ang kasal niyo. Habang maaga pa, alam kong maiintindihan niya,” dagdag nito. Hindi naman umiimik si Kristina. “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na bata ka pa lang, ipinagkasundo ka na ng lolo mo sa apo ni, Don Enriquez. Hindi naman namin alam na magiging baldado ang apo niya. Kaya lang naman na napasok si Sophia dahil iyon sa kagustuhan ng tiya mo. Nu’ng una ay ayaw ko rin, pero pumayag na lang ako dahil iniisip ko na ayaw mo sa ganoon. Ayaw mo na pinapakialaman ang buhay mo. Saka nakita ko rin kasi na advantage iyon sa kapatid mo dahil sa inyong dalawa, si Sophia ang hirap sa buhay at walang alam. Hindi niya kayang mabuhay nang siya lang. Alam mo kung gaano siya ka-spoiled ng tiya mo. Ayaw ko na ring makipagtalo sa tiya mo at kilala mo naman siya,” paliwanag nito. “Ganoon naman Pa eh. Kahit noon pa, lagi naman akong option kapag ayaw ng anak niyo. Nasanay na ako, napapalagpas ko pa. Pero ito ang nahihirapan ako. Pakiramdam ko basta niyo na lang akong pinamigay. Hindi niyo man lang ako binigyan ng pagkakataon na humindi,” aniya rito. Napatungo na lamang ang kaniyang ama. “Paensiya ka na anak,” mahinang sambit nito. Huminga lamang nang malalim si Kristina. “Isa lang ang hihilingin ko sa inyo. Pagkatapos nito, sana naman ay huwag niyong bigyan ng sakit ng ulo ang pamilya ng mga Montejo. Huwag niyong gawing kaban, lalo na si tiya. Pagsabihan niyo po at nakakahiya. Oo nga at mayaman sila, pero wala tayong karapatan sa yamang iyon. Pagtrabahuin niyo si Sophia nang matuto naman. Huwag niyo silang hayaang maging ganiyan na lang palagi,” wika niya sa ama. Tumango naman ito. “Makakaasa ka anak,” anito. “Pa, hindi ko ‘to sinasabi dahil galit ako o ano. Ayaw ko lang makarinig ng pang-iinsulto ulit. Masakit sa ‘kin ‘yon,” aniya. Tumango naman ito at hinawakan ang kaniyang kamay. “Alam kong mabait kang bata, manang-mana ka sa ina mo. Maprinsipyo at may paninindigan. Pagsasabihan ko ang tiya mo. Salamat anak, sigurado akong tuwang-tuwa ang lolo mo ngayon,” saad nito. “Sige na po, magpapahinga na ako,” aniya rito. Tumango naman ito. Kita niyang tila gusto pa siyang yakapain nito pero tumalikod na siya. May tampo pa rin siya sa ama. Kinabukasan ay wala siyang trabaho. Day off niya kaya naglinis na lamang siya sa buong bahay at naglaba. Pagkatapos ay kumain na sa kusina, siya namang pagdating ni Sophia. Mukhang galing pa sa gala. “Uy! Sulitin mo ‘yan at kapag naikasal ka na sa lumpong ‘yon hayahay na ang buhay mo. Hindi ka na maglalaba dahil may katulong ka na. Swerte mo kahit papaano. Mayaman ka na kaagad,” anito at umupo sa upuan ng sala nila. Hindi naman ito pinansin ni Kristina. “Grabe no? Ako sana nasa kinatatayuan mo ngayon pero no thanks. wapo nga at mayaman pero wala namang silbi. Alam niya kaya kung paano ka paliligayahin? Baka nga iyong alaga niya pang-ihi na lang ang silbi,” sambit nito. Natigilan naman si Kristina at binitiwan ang hawak na kutsara. “Ganiyan ka na ba ka bastos? Ang bata-bata mo pa pero alam mo na ang mga ganiyang gawain. Hindi ka ba nahihiya? Kababae mong tao ganiyan karumi ang lumalabas sa bibig mo?” asik niya rito. Napikot naman ni Sophia ang mata niya. “Hello? Wala bang s*x education sa eskwelahan niyo? Ay! Oo nga pala, hindi ka pala nakapag-college. Hanggang high school ka lang pala no, sorry,” anito at halatang nang-uuyam pa. “Ano nga ba naman ang alam mo sa ganoon eh wala ka ngang naging boyprend ni isa hahaha. Hay naku! Kawawa ka naman,” anito at napailing-iling. “Ako? Kawawa? Baka nakakalimutan mong ako ang nagbabayad ng tuition mo. Baka nakakalimutan mong kaya ako nagpakapagod magtrabaho sa pabrika para makapag-aral ka lang. Hindi ako kawawa. Oo nga’t high school lang ako pero hindi ko ikinakahiya iyon. High school nga lang ako pero nakaya kong pag-aralin ka sa university na pinapasukan mo,” inis niyang wika. “Sumbatera!” sigaw nito at galit na lumabas ng bahay. Naiwan naman si Kristina na kinakalma ang sarili na huwag sabunutan ang kapatid. Napakamaldita talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD