Maingay na naman ang campus. Iyong tipong parang walang nangyaring sembreak, parang hindi umalis ang mga estudyante at hindi nagbakasyon. Balik sa normal ang lahat—except kay Sophia, kasi sa loob-loob niya, nothing feels normal anymore. Iba na ang kaba niya ngayon. May halong excitement na. “Hoy, Sophia!” Malakas na tawag ng boses na pamilyar sa kanya, sabay tapik sa balikat niya. Si Madonna—ang bestfriend niyang parang may built-in megaphone ang bibig. Napairap si Sophia, pero hindi rin maitago ang ngiti. “Ano na naman, bruha ka? Akala ko ba absent ka sa first day?” “Hello? First day back after sembreak tapos absent ako? Hindi ako tanga. May mas importanteng gawin ako.” Napakindat pa si Madonna. “Like, for example… makibalita kung ano ang nangyari sa honeymoon niyo ni mister.” Ha

