Nagmamadaling naglalakd siya papasok ng gate at malapit na siyang ma-late. Wala na siyang oras para magsullay kanina at ilang ataw siyang hindi makatulog dahil sa titig ni Laddicus. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong niya ang isang mukha na ayaw na ayaw na sana niyang makita. “Sophia..” anito. “Ritchie?” mahina niyang bulong, halos hindi makapaniwala. Sira na naman ang araw niya ngayon. Nakasuot ito ng varsity jacket, mukhang fresh pa rin, at dala-dala ang dating ng isang campus heartthrob. Pero sa halip na kilig, inis ang agad na naramdaman ni Sophia. Hindi niya talaga makalimutan ang mga sinabi nito nu’ng mga nakaraan. Gusto niya itong bigyan ng isang upper cut. “Kumusta ka na,Sophia? Naalala mo iyong usapan natin noon? Handa na ako. Pwede na ring maging tayo. I d

