Sabado ng umaga. Tahimik ang paligid sa kanto ng bahay nina Sophia maliban sa tugtog ng karaoke ni Aling Camille na Ayayay pag-ibig ni Ara Mina at hiyawan ng mga batang naglalaro ng tumbang preso sa kalye. Hindi niya inasahan na ang araw na ito ay magiging kakaiba—dahil sa biglaang pagdating ni Laddicus. Kakagaling lang ni Sophia sa taekwondo training. Pawisan, inaantok, at medyo gutom pa siya. Pagpasok niya sa gate, dala-dala ang gym bag at tuwalya, ay halos mabitawan niya ang mga gamit nang makita ang isang pamilyar na binata na nakatayo sa may sala ng bahay nila. “L-Laddicus?” halos pasigaw niyang wika, nanlalaki ang mata. Hindi siya makapaniwala. Hindi ba’t dalawang linggo pa lang mula nang huli silang magkita? At bakit naman siya narito ngayon, sa mismong bahay niya? Nagmamadaling n

