Kinabukasan, parang iba ang ihip ng hangin sa hallway ng university. Kahit saan magpunta si Sophia, ramdam niya ang mga matang nakatitig at mga bulungan na pilit itinatago pero sapat para makarating sa tenga niya. “Ayan siya oh…” “Ang kapal ng mukha. Kung sino pa guilty, siya pa ang nagmamaganda.” “Baka naman kaya siya laging nasa tabi ni Sir Laddicus…” sabay may halakhak na nakakasulasok. Napakagat siya ng labi, pinipigilan ang sarili. Pero nang makarating siya sa CR, hindi na siya nakatiis. Dalawang estudyanteng babae ang abala sa pagkukwento tungkol sa kanya habang nag-aayos ng buhok. “Grabe ‘no? Feelingera talaga siya. Kesyo daw asawa siya ni Sir? Eh impossible naman. Look at her, ordinary lang. Ano ba nakita ni Sir sa kanya?” Dumilim ang paningin ni Sophia. Hindi na niya nakayan

