She pursed her lips when she saw him entering the dining area. “G-Good morning,” alanganing bati niya rito. Tiningnan lamang siya nito saglit at umupo na. Kaagad na pinagsilbihan niya ito at binigyan ng kape. “Breakfast ka na,” aniya rito. Hindi naman ito kumibo at tahimik na sumisimsim ng kape. “Ba’t hindi ka pa kumakain?” tanong nito sa kaniya. “Ha?” Tumikwas ang kilay ng asawa niya kaya napaayos siya nang upo. Buti na lamang at tumunog na ang microwave kaya mabilis na napatayo siya at kinuha ang puto roon. Iker’s jawline moved in annoyance. Iniwas na lang niya ang tingin sa asawa. Bumalik sa pagkakaupo niya si Kristina at tahimik na sumimsim ng kape. “G-Gusto mo?” tanong niya sa asawa. Ino-offer niya ang puto. Lalo lamang nakaramdam ng inis si Iker sa alok nito at padabog na t

