Nakaupo lang si Kristina sa couch ng living room at hinihintay na bumaba ang kaniyang asawa. Aalis na sila maya-maya para magsimba. Napatayo siya nang bumukas ang elevator at nginitian si Iker. Wala naman itong reaction at nilapitan lang siya. “Let’s go,” he stated. Tumango naman si Kristina at umalis na sila. Silang dalawa lang. Ilang minuto lang naman at nakarating na sila sa isang simbahan. Pumasok na sila at pumuwesto sa gitna. Pansin niya ang tingin ng mga tao sa kanila. “Magandang gabi, mayor. Mabuti naman po at kasama niyo na ang girlfriend niyo,” nakangiting sambit ng matandang lalaki. Kasama nito ang asawa nito at nakangiti sa kanila. Natigilan naman si Kristina at nginitian lamang ang mag-asawa pabalik. “She’s my wife, Mr. Lorenzo,” sagot ng asawa niya. Kita niyang tila n

