Maagang nagising si Kristina kinabukasan at sasabay siya sa asawa niya mamaya na umalis. “Kristina? Bata ka talaga, kami na rito,” wika ni Pharsa. “Okay lang po, gusto ko lang po talagang asikasuhin ang asawa ko,” sagot niya rito. Napangiti naman ang matanda. “Napakatibay mo talaga. Kahit na hindi mo maintindihan ang ugali ng asawa mo hindi ka pa rin nagsasawang magpagod para lang maasikaso siya,” komento nito. Napangiti naman si Kristina. “Sa ganitong paraan lang po ako makababawi sa kaniya,” sagot niya rito. “Sige, maya-maya ay bababa na iyon. Naayos mo na ba ang mga gamit mo?” usisa nito. “Opo, nasa living room na ang bag ko,” sagot niya rito. Tumango naman si Pharsa at nagpatuloy sa ginagawa nito. Napaangat ng tingin si Kristina nang pumasok ang kaniyang asawa. “M-Magandang uma

