CHAPTER 14

1608 Words
CHAPTER 14 “Anong nginingisi-ngisi mo d’yan? Ha?” tanong ko kay Brenda. Nakakainis kasi ‘yung mukha niya. Tahimik na nakatingin sa ‘kin at ‘di ko malaman kung ano’ng laman ng utak. Katatapos ko lang pumirma doon sa mga papel na inabot niya sa ‘kin tapos ngingisian niya ‘ko. Ano ‘yun? Anong meron? “Wala,” sagot niya saka hinubad ‘yung suot niyang jacket at ipinasuot sa ‘kin. “Tara na,” sabi pa niya, tapos hinawakan niya ‘ko sa braso at hinila ako palabas habang si Cherry naman nakasunod lang sa ‘min. Inabot pa niya sa ‘kin ‘yung folder at sinabing ipantakip ko sa mukha ko, para hindi ako makuhanan ng camera ng media na nandoon pa rin sa loob ng prisinto. Ang bilis ng lakad naming dalawa kaya nakarating kami agad sa labas, sa tapat ng sasakyan niya. “Uy, teka, aalis na tayo agad? Ayos na ba lahat? Itong pinirmahan ko, hindi ba ibabalik sa kanila?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya, habang nakaturo pa ‘yung hawak kong folder sa prisinto. Kasi para sa kalayaan ko raw ‘tong pinirmahan ko, eh ‘di dapat ibalik sa mga pulis. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay-bagay. Aba, first time ko lang naman mapunta sa presinto. Malay ko ba sa proseso rito. Hindi ako pinapansin ni Brenda dahil kausap niya ‘yung abogado. “Thank Attorney.” Nakipag-shakehands pa siya bago sumakay sa kotse niya ‘yung abogado at umalis. Pagkaalis ng abogado, tinignan ako ni Brenda. “Nope. That’s mine,” sagot niya ‘tsaka kinuha ‘yung folder galing sa kamay ko. Balik na naman siya sa dati niyang boses. Boses bakla. Malamya. Teka, anong sabi niya? Sa kanya? Bakit dapat nasa kanya ‘yung files na dapat nasa mga pulis? Pero bago pa ‘ko makapagtanong, nakasakay na siya sa sasakyan, kaya ako, napilitan na ring sumakay ng sasakyan sa tabi niya. “Anong ibig mong sabihin na sa ‘yo ‘yan? Ginagago mo ba ‘ko Brenda? Ano ba ‘yang pinirmahan ko? Akin na nga ‘yan!” akma kong kukunin ‘yung folder na nakapatong sa hita niya, pero mabilis ‘yung kamay niya at nakuha niya agad para ilayo sa ‘kin. “Wait lang Honey!” Binuksan niya ‘yung folder saka kinuha ‘yung isa sa mga papel na pinirmahan ko kanina. “Ayan, copy mo ‘yan Honey. Tig-isa tayo.” Kinuha ko naman agad ‘yung papel na iniabot niya sa ’kin at sinimulang basahin. “Grabe, Beshy. Ang gwapo pala ng boses mo ‘pag lalaki ka. Hindi ba pwedeng lagi ka na lang ganon? Kakain-love kasi!” sabi ni Cherry, na nakasakay na pala sa likuran ng sasakyan. Napatingin ako sa kanila at napailing na lang ako sa sinabi ni Cherry. Nag-boses lalaki lang ikina-gwapo na? Saan ang gwapo? Saan banda? “Ewness Beshy! Hindi tayo talo, pareho tayong girl! Ito alcohol, magmumog ka.” Napatingin na naman ako sa kanila, at kitang-kita ko ‘yung pandidiri ni Brenda sa sinabi ni Cherry. Nakakairita, ang arte! Hawak pa niya ‘yung bote ng alcohol na inaabot niya kay Cherry. “Kung anu-anong lumalabas d’yan sa bibig mo. Hirap na hirap nga ako kanina palakihin ‘yung voice ko. Labag sa kalooban ko ‘yung ginawa ko kanina ha. Kailangan ko lang talaga magpaka best actress dahil may media. Baka makunan ako ng video, at makita ng aking beloved father. Majombag pa ako. Masakit kaya majombag. Sayang naman ang kagandahan ko,” sabi niya sabay tingin sa salamin at inayos-ayos ‘yung buhok niya. “Sa laki mong ‘yan. Nabubugbog ka pa ng tatay mo? Bakulaw..” inis na sabi ko, saka ko siya inirapan.  “You’re so mean Honey. Hurt ako ha.. Hmp!” “Kawawa ka naman pala Beshy. Najombag ka talaga ng tatay mo?” nakiramay naman po ‘tong si Cherry. “Yes Beshy. Kaya ikaw Honey, be nice to me,” kumapit pa siya sa braso ko at saka pilit na inihilig ‘yung ulo sa balikat ko. “Tigilan mo nga ako!” inilayo ko ‘yung braso ko sa kanya, nakakairita kasi. Kung makayapos sobra. “Babasahin ko pa ‘to, kaya huwag kang magulo d’yan.” Inumpisahan ko na basahin ‘yung nakasulat sa papel at nang matapos ko, ‘di ko ata ma-absorb. Ang laking katangahan ng nagawa ko dahil pumirma ako agad-agad nang hindi man lang binasa kung ano’ng nakasulat sa papel. “Ano’ng ibig sabihin nito?! Anong kalokohan ‘to?” malakas ang boses ko nang tanungin ko si Brenda. Medyo nakataas pa ‘yung isang kamay ko kung saan hawak-hawak ko ‘yung papel. “Kontrata natin Honey,” nakangiti pa niyang sagot. “Ano ba ‘yan?” singit naman ni Cherry sa ‘min, saka niya kinuha sa ‘kin ‘yung papel. “Alam kong kontrata! Hindi ako tanga at marunong akong magbasa! Pero bakit kailangan may ganun pa? Ano ba talaga gusto mo ha?! Suntukan na lang oh! Nakaka-gago ka eh!” sigaw ko kay Brenda at naka-akma na talaga ‘yung kamay ko para suntukin siya. Napasandal naman siya sa may bintana ng sasakyan. Habang si Cherry biglang napatayo sa pagkakaupo sa likuran ng sasakyan, para umawat at humarang sa ‘ming dalawa. “Stop! Please! Huwag naman kayong mag-away!” “Paanong ‘di ko aawayin ‘yang baklang ‘yan, masyado akong pinangungunahan! Binayaran niya lahat ng bill ni Nanay sa ospital at ikinuha pa niya ng private nurse, tapos ang kapalit sa kanya ako magtratrabaho. Nakalagay pa d’yan sa kontrata na sa kanya lang ako pwedeng mag-trabaho. Tapos ni hindi nakalagay kung anong klaseng trabaho ba ‘yun, basta kung anong gusto niya at iutos niya dapat sundin ko. Tang’ama lang! At kung gusto kong putulin ‘yang kontrata naming dalawa kailangan ko bayaran ng buo agad-agad lahat ng ibinayad niya sa ospital? Paano ‘yun ‘di ba? Eh ‘di wala rin akong takas! Kailangan kong sundin ‘yung laman ng kontratang ‘yan! Tang’ama lang talaga, pasapak lang kahit isa!” akma ko na namang susuntukin si Brenda, pero humarang pa rin si Cherry. “Bes, wait lang.. Kung sasapakin mo siya, sapakin mo na rin ako, kasi nakapirma rin ako d’yan sa kontrata. Ako witness niyong dalawa. Pumirma ako kanina bago ka namin puntahan sa presinto.” Dahil sa sinabi ni Cherry, tinignan ko uli ‘yung papel na hawak ko at totoo ‘yung sinasabi niya, nakapirma nga siya as witness. Ang galing lang. “Cherry naman! Bakit?” “Kasi need mo ng tulong,” umiiyak na sagot ni Cherry. “Honey, para sa ‘yo rin naman ‘yang kontrata na ‘yan,” sabi ni Brenda. “We only want what’s best for you.” “Anong sa ‘kin? Para sa ‘yo kamo! Ano bang magandang maidudulot sa ‘kin niyan? Eh matatali ako sa ‘yo! Tinanggalan mo ‘ko ng karapatan mag-desisyon!” “Bes huwag ka nang magalit. Para naman talaga sa ‘yo ‘to.” “Ewan ko sa’yo Che! Magsama kayo!” sa galit ko nasigawan ko si Cherry. Lalo tuloy siyang umiyak. Binuksan ko ‘yung pintuan ng sasakyan, kaya kahit pahikbi-hikbi, tinanong ako ni Cherry kung saan ako pupunta. “Kahit saan, ‘yung malayo sa baklang ‘yan!” sagot ko naman. Bumaba na ‘ko ng sasakyan at pabalya ko pang isinarado ‘yung pintuan. “Honey, wait lang!” sigaw ni Brenda. Bumaba pala siya ng saksakyan, pero hindi ko siya pinansin. “Where are you going? Anong oras na, delikado na. Tignan mo pa ‘yang suot mo. Mapapahamak ka niyan.” Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Mas mapapahamak ako kung ikaw ang kasama ko.” Matigas ‘yung pagkakasabi ko. “Pero Honey..” “Tigilan mo na nga ako ng kaka-honey mo, inis na inis na ‘ko sa ‘yo. Hindi mo pa ba nahahalata?! D’yan ka na nga! Bawat segundong kasama kita lalong umiinit ulo ko. Baka putukan na ‘ko ng ugat sa galit ko sa ‘yo.” Pagkasabi ko noon sa kanya mabilis na ‘kong naglakad. Hinabol pa ‘ko ni Cherry pero hindi ako nagpaawat at ‘yung unang jeep na nakita ko pinara ko na at dali-dali akong sumakay. Isa lang naman ang pupuntahan ko. Kay Nanay, sa ospital. **** Nasa jeep pa ‘ko nang makatanggap ako ng text galing sa nurse na naka-duty tuwing gabi na naging kaibigan ko na rin. Sinabihan niya akong pumunta sa ospital dahil may nangyari kay Nanay. Bigla raw kasing nilagnat ng sobrang taas. Pagdating ko sa ospital, bumaba na ‘yung lagnat ni Nanay at natutulog na siya. Buti na lang, para ‘di niya ‘ko makitang umiiyak. Bigla ko namang naisip si Brenda. Mukhang wala na ‘kong choice. Huling baraha ko na siya. Kung para kay Nanay. Sige gagawin ko na. Kinuha ko ‘yung cellphone ko at tinawagan si Brenda. “Honey! Nasaan ka na? Nasa ospital ka ba? I’m so worried. I can’t sleep. Ikaw lang naiisip ko.” Wala akong sinagot ni isa sa tanong niya, ang sinabi ko lang, “Panalo ka na. Susundin ko na ‘yung kontrata.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD