Chapter 1

1077 Words
Rachel's "Rachel apo, halika nga dito." tawag sa akin ni Lala nang makalabas ako ng aking kwarto. "Bakit, La?" tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa dining. Kumuha na ako ng plato at nagsandok nang makakain. "Tingnan mo nga ito." sabay abot niya ng isang envelope. Sa loob ng envelope ay may mga picture na nakapaloob. Well, these are pictures of err-- sino ba itong nasa picture? Pilot siya, yun lang masasabi ko dito sa picture. Ano bang balak ni Lala dito? Binibigyan niya ba ako ng shoot with this human? Sinuri ko naman ang features niya, and as a model myself, wow. Yun ang masasabi ko, yung aura niya, stunning. Kapag ininspect mo din ang mukha niya, damn. What a hottie. "Anong gagawin ko dito, La?" tanong ko nang matapos ko tingnan lahat ng pictures. "What can you say about her?" "Her?" gulat kong tanong, hindi ko napansin dahil sa hairstyle niya plus pilots are mostly guys diba? Lala nodded kaya tiningnan ko muli yung nasa picture. "She looks great." sagot ko. "Good." sagot niya. "Ay kailan ka ba magpapakasal?" tanong niya. Napailing na lang ako bago napaismid. "La, madami pa po akong gustong gawin sa buhay." magalang kong sagot. "Isa pa po, okay naman kami ni Sophie." nakangiting kong dagdag. Just by thinking of Sophie, napapangiti na lang ako bigla. "Gusto ko makasigurado na may kasama ka pagtanda, gusto ko maging masaya ka." sagot nito at ipinagpatuloy na ang pagkain ng kanyang tinapay. "La, don't worry about me. Masaya po kami." nakangiti kong sagot. I really don't want Lala to be bothered by my future. I can handle it naman. "Umuwi ka ng maaga mamaya at may bisita tayo." nakangiting wika nito. "Okay, La. Deretso ako after shoot." sagot ko at tumayo na para magtoothbrush. Nagpaalam na rin ako kay Lala at humalik sa pisngi nito. Tinawag na rin siya ni papa para maghanda sa check up niya. Nagtungo naman ako sa Tagaytay since may photoshoot ako dun. I work as a model kahit graduate ako ng culinary at business management. I handle this business din naman with my friends at masaya ako. Isa pa, nakakasama ko rin si Sophie sa shoot kaya wala naman na akong hihilingin pa sa trabaho kong ito, medyo nakakapagod nga lang paminsan pero kinakaya naman. I was just in time for dinner, pagpasok ko naman ay nakakita ako ng mga taong ngayon ko lang ata nakita sa tanang buhay ko. Nagtataka man kung sino sila ay nagtungo na rin ako sa hapag kainan para samahan sila. "Humihingi na agad ako nang tawad sa kung ano man ang mangyayari, matigas kasi ang ulo ng anak ko." paghingi nang paumanhin ng isang lalaki nasa edad 50 na. "Okay lang, hijo. Masaya ako at nakarating kayo dito." sagot ni Lala. "Hi, La." bati ko at humalik sa pisngi niya. Tiningnan ko naman ang dalawang tao na kasama ni Lala at nginitian. "Magandang gabi po." bati ko. "Apo si mr. and mrs. Reyes nga pala." pakilala ni Lala sa kanila. "Magandang gabi din, hija." sagot ni mrs. Reyes. "Kay ganda ho pala ng apo niyo." nakangiting wika niya. Hindi naman na bago sa akin ang compliment niya pero nahiya pa rin ako. "Ay, thank you po." pasasalamat ko at naupo na sa tabi ni Lala. Bakante ang nasa kabilang tabi ni Lala kaya naman nagtaka ako. Mukha namang wala silang kasama, are they still expecting for a visitor? "Bitawan niyo sabi ako! Ano ba 'to?!" sigaw ng bagong dating kaya napalingon ako sa gawi nito. I guess this is the thing na ipinaghihingi nang paumanhin ni mr. Reyes kanina. "Mika!" sigaw ni mr. Reyes. "Dad, ano bang kalokohan 'to?! Bakit kailangan akong harasin ng mga 'to?" inis niyang sabi. Napatitig na lamang ako, feeling ko nakita ko na siya kaya't pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita or nakasalubong. "Maupo ka muna, anak." wika ng ina niya. "Ma, you ruined my date for this?" sagot nung Mika at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ng mga bodyguards. "Maupo ka muna, Mika." pag-uli ng ama niya. "Tss." Mika hissed at naupo sa tabi ni Lala. "La, ano pong nangyayari?" tanong ko kay Lala at ngumiti naman ito saka tumingin kay mr. Reyes, well that felt uncomfortable kaya napalunok ako ng laway. "You guys are getting married." nakangiting pahayag ng ama ni Mika. Bakas ang gulat sa mukha niya. Wrong timing din ang pag-inom ko ng tubig dahil nasamid ako sa narinig. Kinailangan pang hagurin ni Lala ang likod ko dahil sa sobrang pagkabigla. "What?!" sabay na sabi naming dalawa nang maka-recover ako. Nagkatinginan naman kami nung Mika at kumunot naman ang noo nito. "No way!" muli naming nasambit nang sabay. "If this is some kind of joke, this is not funny." wika ni Mika. "This is not." plain na sabi ni Lala. Nagngingitngit man sa galit ay nanahimik na lamang saglit si Mika habang nag-uusap sila Lala at ang parents niya. I'm shocked. Unang pumasok si Sophie sa isipan ko, alam kong hindi niya magugustuhan ito.  "I'm not up for this." wika ni Mika matapos siyang kumain. "Me either." pagsang-ayon ko dahil ayoko naman talaga. "It's final, it's your grandma's dying wish. You don't want her to haunt you, do you?" wika ni mr. Reyes with authority kaya napa-lean back na lang ako sa aking upuan. "I don't care!" sigaw ni Mika at ibinagsak ang kamay niya sa lamesa saka tumayo. "Where are your manners?" tanong ng mommy niya. "Well, thank you for the dinner. Masarap po ang pagkain pero aalis na ako dito." sarkastiko niyang sabi at naglakad na siya paalis. Papasundan pa ata sana siya ng ama niya pero pinigilan siya ng kanyang asawa kaya't napabuntong hininga na lamang ito at napailing. "I'm really sorry for that." wika ng ama niya. "La, let's not push this please." paki-usap ko. "I love my bestfriend dearly apo, and I would love to fulfill our promise." sagot ni Lala. Napabuntong hininga na lamang ako before excusing myself para makapag-pahangin sa labas. Naupo ako sa may bench sa may pool area and stared at the swimming pool with the moon's reflection on it. I just wish Sophie is here, I don't want this situation I'm stuck in. I can't say no to Lala which makes everything harder for me. And that sucks, really. After ko magpahangin ay nagtungo na rin ako sa kwarto ko. Naupo muna ako sa kama ko at pilit iniisip kung saan ko siya nakita. Pumikit ako saglit at saka naisip na kamukha niya yung pinakita ni Lala kanina kaya dali dali kong kinuha ang bag ko para kunin yung envelope. Siya nga. Ang ganda pa ng comment ko sa kanya, naisahan ako dun ni Lala ah. But still, I don't like this. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD