Chapter 2

2195 Words
Gretch's "Welcome home Captain Mika Reyes." nakangiting kong bati sa aking minamahal at inayos ang kwelyo niya. She pouted. "I missed you." sambit niya at hinapit ang bewang ko kaya napatili ako nang impit saka tumawa. "How's your flight?" tanong ko sa kanya as I look at her. "Boring ofcourse, hindi naman ako kinakausap ng co-pilot ko." nagmamaktol niyang sagot kaya natawa ako. "Sabi ko sayo magf-flight attendant na lang ako para lagi tayong magkasama." biro ko kaya natawa siya bago humalik sa labi ko. I missed this. I missed her. "As much as I wanted that to happen, mas gusto ko pa ring tuparin mo ang pangarap mo." sagot ni Mika at hinawakan na ang kamay ko. I smiled and answered what really my dream is. "And that is to be the best wife for you." natatawang sabi ko sabay kinindatan siya. Napailing na lang si Mika at natawa. I know nagpipigil nanaman ng kilig itong kasama ko, her cheeks are turning red na rin kasi kaya pinanggigilan ko na rin ang mga iyon. "Guess what?" tanong ko sa kanya habang nakangisi nang malaki. "What?" nakangiting tanong ni Mika. "I cooked your favorite!" "Edi lahat niluto mo?" natatawang niyang sagot kaya medyo napailing ako. "Yeah, lahat naman favorite mo, pero alam ko namang ako pa rin ang pinaka favorite mo." I smirked that made her whole face red kaya natawa na lang ako ulit, napakacute niya. "Ahh! Shh!" the way she reacted to hush me is the most adorable thing I have seen this week. My love sure is lovely. "Ang cute cute mo." sabay pisil ko sa pisngi niya sa sobrang tuwa ko sa kanya. Nagtungo na kami sa dining and talked about the past few days na hindi kami magkasama. A week isn't that long for some, but for me, it felt like forever without Mika sa tabi ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kong gusto niya yung trabaho niya, and her being happy is the thing I want the most. Whatever it is, susuportahan ko lang siya. "Mahal, paano pag may kasama na tayong mga bata? Ganito pa rin kaya tayo?" tanong ko bigla sa kanya. "Absolutely not. We can't make out anywhere na, you know." natatawang sagot niya. "I mean, sana masaya pa rin tayo." "I promise we will, mas sasaya tayo pag may inaalagaan na tayo." hinawakan naman ni Mika ang kamay ko at pinisil nang bahagya. "You really are good at making a girl's heart flutter noh, captain Reyes." natatawa kong sambit before smiling like I have won the lottery, maswerte ako that I have Mika. "I love you." I blurted out that made her smile. "I love you more, Gretch." ***** We were on our way sa favorite restau ko since she wanted to date me pero hinarang kami ng isang gray na van. We both know it was her father's men kaya hindi kami nagpanic. "What do you want?" tanong niya sa mga lalaki. She had to go out of our car dahil may chineck din siya. "Mam pinapasundo po kayo ng papa niyo." wika nung isa. "I have a date, susunod na lang ako." sagot ni Mika at akmang papasok na muli nang pigilan siya ng mga ito. "Mam, importante po ang taong kausap ng papa niyo. Pasensya na po utos lang." sagot muli at dinala na nila si Mika sa van. Wala naman akong magagawa na kaya napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyari. Lumipat ako sa driver's seat at nagmaneho na lang papunta sa nearest mall para bumili ng ingredients. Magluluto na lang ako sa unit ko. In good terms naman kami ng family niya, yun nga lang, nainis sila dahil nang malaman ni lolo ang tungkol sa amin ni Mika, he was really against it kaya nasaktan din ang pamilya niya. I know protective si tito sa mga anak niya, but I am fighting for Mika naman. Mahal ko e. Almost three hours and a half passed nang bumukas ang pinto ng unit, tamang tama at kakatapos ko lang din magluto ng Carbonara kaso she was really in a foul mood. She stormed her way papasok ng unit ko and immediately buried her face on my neck at yumakap sa akin nang mahigpit kaya alam kong may problema. "Love, what happened?" tanong ko while returning her hug. "I'm sorry." then I felt her kiss my neck once. "It's okay love." I kissed her temple at iniharap siya sa akin, cupping her fluffy cheeks. "Tell me what happened." "It was so absurd! My dad wanted to fulfill my grandma's wish." "And what was that?" "Marriage between our family and my lola's bestfriend." sagot niya at yumuko. Agad ko namang naintindihan ang sitwasyon. She is the only available person sa kanilang magkakapatid, meaning to say, she's off to marry someone else. "Love, wag ka pumayag please. Wag mo ako ipapamigay." she frowned kaya I poked her nose. "Sino nagsabing ipapamigay kita? Ilalaban kita nang patayan." natatawa kong sabi. "You know naman how much I love you diba?" tanong niya and I nodded in response. "I'd do everything just to fix this mess. Please bare with me." "Ofcourse, love." I gave her an assuring kiss and we cuddled all night. Her mood is a little too off kaya naman I tried my best para bawasan yung stress niya. Hinilot ko ang ulo niya and even gave her a massage. My girlfriend sure is loving this dahil mukhang nakatulog na. She's the cutest thing ever and she's a person worth fighting for. ***** Rachel's "La, sigurado ka po ba sa gusto niyo?" malungkot kong tanong kay Lala. "Sigurado ako, apo." nakangiti nitong tugon sa akin. I pouted. "Pero La, masaya naman kami ni Sophie." "Maiintindihan din ni Sophie ito, apo." she pat my head at nagtungo na sa kwarto niya. I groaned at nasabunutan na lamang ang sarili ko in frustration. I crossed my arms na rin sa sobrang inis. Alam ko nagkamali ako noon, but forcing a fix marriage is just too much! Thinking of it, sabi niya she was on a date yesterday, meaning to say may girlfriend yung tao tapos ganito? Masasaktan lang silang dalawa at hindi ko pinangarap maging ganito ang buhay ko, nakakainis. Kung hindi lang ako tumatanaw ng utang na loob kay Lala sa pagkupkop niya sa akin ay baka nilayasan ko na siya pero mahal ko si Lala e. Haaay. ***** Papunta na ako sa dining nang makita ko si mr. Reyes na kausap si Lala sa may salas, napailing na lang ako at kumain na ng umagahan. "Apo, umuwi ka nang maaga mamaya ha." nakangiting wika ni Lala nang paalis na ako. "Goodmorning, La" humalik naman ako kay Lala "Goodmorning mr. Reyes." tinanguan naman ako nito. "Sige po, aalis na din po ako." Agad akong nagtungo sa venue ng photoshoot namin for today, nagmodel lang ako ng ilang damit tapos kinita ko na si Dennise, isa sa mga matalik kong kaibigan. "Gurl, I can see your wrinkles!" bati sa akin ni Den nang makarating ako sa harap niya. "Den, kasi naman si Lala." I sighed at napangalumbaba. "She is very persuasive sa fix marriage with her bestfriend's grandchild." nailagay ko na lang ang palad ko sa noo ko. Nakaka-stress kasi talaga si Lala. "Eh paano si Sophie?" tanong ni Den at sumubo na nang kinakain niya. "Hindi ko alam, Den. Hindi ko alam." Napailing na lang ako. "Hindi pa nga siya nakakauwi mula sa bakasyon niya e. Miss ko na siya." "Sus, konting tiis na lang naman na. Maiba tayo, kumusta pala yung ipapakasal sayo ng Lala mo?" excited niyang tanong. Sakalin ko kaya itong babaeng 'to? Napataas man ang kilay ko ay inalala ko siya. Hmmm, wala naman akong masasabing hindi maganda except well, sa ugali niya. I know she's frustrated pero respeto na lang din sa pagkain nung gabing iyon diba. "She's tall, maikli ang buhok, she was wearing a gray contacts and yes, she's good looking." salaysay ko. "Pakilala mo naman ako! Tapos sabihin mo kay Lala ako na lang i-reto."  Napakunot ang noo ko at tinuktok ang papel na nakarolyo sa noo niya. Isa't kalahating malandi din talaga 'tong kaibigan ko. "Ikaw! Isusumbong talaga kita kay Ara." banta ko at tumawa lang siya. "Sumbong mo, samahan pa kita." Umismid naman siya kaya napa-irap na lamang ako. "Alam naman niya na kahit madami akong crush sa kanya at sa kanya lang ako." Sabay tawa niya. "Loko loko ka pa rin." Iiling-iling kong sabi. "May girlfriend siya, Den." Dagdag ko. "Ano naman? Di pa naman sila kasal." hirit niya kaya napailing na lang ako sa logic ng babaeng to. "Ewan ko sayo." I took a sip sa inumin ko at kumain na din. "Kung naririnig ni Sophie mga sinasabi mo, tiyak yun magagalit nanaman sayo." "Ah she really hates me noh?" I nodded kaya tumawa lang siya.  6 pm daw ay may dinner nanaman kami, ayoko na makitang mag-amok yung anak ni mr. Reyes dahil honestly, nakakatakot siya and ayokong makabangga ang mga short-tempered na tao. They are too hard to handle, way too hard. ***** Gretch's "Nakabusangot ka nanaman dyan." wika ko at tinabihan siya. "Love, may dinner nanaman kami." she frowned kaya inihilig ko siya sa balikat ko. She's tall yet she acts like a 5 year old kid sometimes. "Gusto mo bang samahan kita?" "Talaga? Okay lang sayo?" tanong niya. I nodded at agad naman siyang yumakap sa akin. "You the best, love. You the best." she gave me a peck at nagpaalam na maliligo na. Gusto kong samahan siya. Hindi man ako welcome sa dinner na iyon ay kailangan ko ipakilala ko ang sarili ko na ako ang girlfriend ni Mika, na akin siya and I'm not someone who'll just give her up because of a non-sense arrangement. Nang matapos siya ay ako naman ang naligo, nakakahiya kung hindi ako fresh pupunta doon. Nang makarating kami sa bahay na pinagdalhan sa kanya kahapon ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at nginitian ako. "Never let my hand go." it was more of a statement so I smiled and held her hand tighter. "I won't, love." sagot ko at nginitian siya. Tumigil siya saglit at tiningnan ako. "If you're not comfy, tell me. I could turn this dinner down and runaway with you." That made me smile. "Edi nagalit naman sa akin parents mo. I know I broke their heart a little about lolo, wala naman na akong planong dagdagan pa yun." "Whatever, Love. Basta stay with me." "I will, love. I will." We walked hand-in-hand and all eyes are on us pagkadating namin sa dining room. Biglang nanlamig ang kamay ko nang tingnan ako ng isang matandang babae. She wasn't even glaring but it sends me chills. Ngunit sa halip na magalit dahil may unwanted guest siya ay pinaupo niya ako sa tabi ni Mika, na nasa tabi rin niya. "Why did you bring her here?" tanong ni tito. "To let granny know na I'm already commited." tugon ni Mika. "Wala ka talagang respeto!" sabi ni tito, tiningnan niya lang ako kaya napayuko ako. "Bakit niyo ba kasi ako pinipilit? Ayoko nga diba? Sabihin mo kay kuya magpa-annul sila ng asawa niya." inis na sagot ni Mika kaya tiningnan ko lang siya. "Aba't!" pinigilan naman si tito ni tita kaya nanahimik na lang siya. "La, please let's stop this." wika ng isang babae, malamang siya ang ipapakasal kay Mika. So they are open in this kind of relationship ha? Or wala na silang pakialam matupad lang ang gusto nila? "Mika, gusto ko muna sanang kilalanin mo ang apo ko na si Rachel." nakangiting sabi ng matanda. "Mawalang galang na ho pero hindi ako susunod sa gusto niyo. Kung gusto ituloy ng apo niyo, siya na lang magpakasal mag-isa." nakurot ko naman si Mika sa tagiliran dahil hindi masyadong nag-iisip sa sinasabi niya. "Mika! Sumusobra ka na ha!" sigaw ni tito. "Ano ba?! Hindi niyo ba nakikita? Ayoko nga e! Masaya ako! Wag niyo naman ipagkait sa akin yung tanging tao na nagpasaya sakin! Buong buhay ko sinunod ko ang gusto niyo! Ako naman ngayon, kasi buhay ko 'to!" Napatayo na si Mika sa inis. M Nakita kong napailing si Rachel. I can see na hindi rin siya agree at mukhang napipilitan lang din but kept quiet about it. "Let's just peacefully eat, pwede ba yun?" Tanong ng matandang babae. Mika sat down. "Sorry." "For once, let's eat nang hindi nagsisigawan." Dagdag pa nito. "I'm really sorry." Sagot din ni tito. The old woman smiled and we started eating. Nakakabingi ang katahimikan, and that didn't stop the tension from rising sa mag-ama. Halos kakatapos lang rin namin kumain nang tumunog ang phone ni tita. "Hello?" bungad niya. "What? Si mama?!" Nagkatinginan naman kami ni Mika. I know kahit masama loob ni Mika sa nangyayari, she still have that soft spot for her grandma. Afterall, she grew up in her grandma. She's a grandma's girl din. "Inatake daw si mama." wika ni tita at maiyak-iyak na. "Mauuna na po muna kami." sabi ni tito sa matanda. "Sige, susunod kami doon." Sagot nito.  They rushed their way on the hospital. Hindi na ako magtataka if after nito ay pumayag na si Mika. Hindi ako natatakot, I know malulusutan din naman namin ito. We just have to hold.  "Love." panimula niya nang nasa kotse na kami papunta sa hospital. "She'll make it, love." sabay hawak ko sa kamay niya. "What if ano. Wh-what if." I hushed her using my index and held her face to help her calm down. "Magtiwala ka. She'll make it and we'll also make it." She hugged me and cry. I know she's afraid right now. "I'm here, love. Hold my hand if you can't take what the world is giving you right now. I'll be your strength." I kissed her forehead and she nodded like a child. I'll hold on to us. Whatever happens. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD