Isabella Point of View Masayang-masaya akong kumakain ng ice cream unlimited na libre pa! Sino ang hindi matutuwa ‘nun diba? Pero alam ko naman na hindi ko ito mauubos. Sana palagi siyang ganito hindi yung mukha siyang devil palagi. “Manong bigyan po natin ang mga batang nandito!” nakangiting sabi ko. “Ano? Ipapamigay mo lang ‘yan?” di makapaniwalang tanong niya. “Binayaran mo naman na ito di’ba? Tanong ko sa kanya na nakangiti. “Oo” sagot niya. “Madami naman ito at may kasabihan tayo na share your blessings!” sabi ko at nag thumbs up pa kay Manong Sorbetero. Walang nagawa si Blake kaya naman tinawag ko na ang mga bata at agad naman silang nagsipuntahan. Nang maubos na ang mga ice cream ay masayang umalis na din si manong. “Thank you talaga, nabawi mo ang

