Isabella Point of View Maaga pa sa maaga ay nakagayak na akong pumasok mahirap nang malate. Kahit na late na akong nakatulog ay ang aga ko pa din nagising. Parang ang gaan sa pakiramdam. Naka-smile pa akong naglalakad papasok ng campus and everything is fine. Nakita ko pa si Stacey na papasok na din tumakbo ako papalapit sa kanya, “Good morning, Cey!” masayang bati ko sa kanya pero parang di niya ako nakikita. “Stacey? Okay ka lang?” sabi ko sa kanya at pinigilan siya sa paglalakad. “Bella, ikaw pala?” sabi niya tiningnan ko siya parang may iba? “May problema ba?” tanong ko ulit. “Wala noh! Ikaw talaga baka kasi nag i-imagine lamang ako kasi ang aga mo,” sabi niya. Napangiti ako kasi ang aga ko naman talaga. “Sabay!” nakangiti kong sabi. “Sige, m

