Isabella Point of View Para akong may tinataguang tao dahil lingon-likod ako kada lalakad. Pakiramdam ko kasi ay tinutusok ako ng kutsilyo sa buong katawan ko sa mga tingin pa lamang ng mga tao. Pasalamat na lamang ako at hindi ako nasaktan ng pisikal dahil sa mga tingin nila. Halos mapatalon ako sa sobrang kaba ng biglang may humawak sa bewang ko. Kung di lang ako nagpigil ay baka nahampas ko na siya ng dala kong libro. “Bakit ba nangbibigla ka gusto mo bang hampas ko sa’yo itong hawak ko?” tanong ko ng palihim. Kinuha niya ang mga libro ko n’ung una ay ayaw ko at hinahatak ko pero hindi ako nanalo sa kanya kaya pinabayaan ko na lamang. “Let’s go,” nakangiting sabi niya. Nakahawak pa siya sa bewang ko habang dala niya ang mga libro ko. “Bruhilda na iyan, talag

