Pangalawa

2294 Words
Isabella point of view Kumatok ako sa pinto ng at may nag salita naman kaagad kaya naman pumasok na ako kung kanina naiinis ako aaminin ko nawala yung kaba ko kanina dahil sa lalaking nakasalubong ko pero ngayon bumalik na naman sya naririnig ko na yung dagundong ng puso ko ahahahha may ganun ba?   Nagtunghay si Ms. De  Guzman  nung makita nya ako  well her facial expression is still the same. Maganda naman si MS. De Guzman may pag ka terror nga lang kaya siguro wala pang asawa o boyfriend man lang. Oo tama yun nga siguro ang dahilan kung bakit wala syang boyfriend mabigyan nga ng payo o kung gusto nya i re-reto ko pa sya sa mga kakilala ko. Napapatawa tuloy ako sa iniisip ko   "Why are you smiling Ms. Santiago?"  nakataas na naman po ang kilay niya konting kalma lang Ms. De Guzman medyo i-ayos nyo yang kilay nyo wag masyadong itaas at baka hindi na bumalik sa dati kayo rin.   " Ah eh kasi po ma'am ang ganda nyo po, ahm oo yun nga nagandahan po ako sa inyo kaya napapa-smile ako " shocks pero hindi na sya nag salita at  ibinaba na rin nya yung kilay nya hay buti naman hirap kaya ibalik yung kilay kapag nag stock sya.   "Mag smile po kasi kayo Ma'am palage para po lalo kayong gumanda , teka ma'am may boyfriend na po ba ka - -  " nahinto ako sa pag sasalita kasi tiningnan nya ako ng masama,hala ka Bella bakit mo sinabi iyon napatakip tuloy ako ng bibig.   " ah eh ma'am sabi ko po bakit nyo po ako pinatawag dito are we going to stare at each other or - - - "   bitin na naman ako syetnes kasi iyang bibig mo bella itikom mo muna napapikit na lang ako.   "Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa  Ms. Santiago , you are a full time scholar here in Nuestra " syempre alam ko iyan hindi naman ako makakapag-aral dito kung hindi ako scholar noh. Mahal kaya tuition fee dito bakit ba kasi iba-iba pa ang paaralan iisa lang naman din ang itinuturo eh. Mga kurakot siguro ang mga teachers dito kaya mataas ang singil nila . Hay naku thank god at matalino ako.   " Yes ma'am ! " matipid kong sagot lang kasi baka hindi ko na naman mapigil ang bibig ko sa kakadaldal.   " Ayos naman lahat ng mga grades mo you even join in the activities so wala naman problem " napa smile na lang ako   " Eh ayon naman pala eh so anong pong problem at pinatawag nyo ako dito?"  oohhh haluh ito na naman ang bibig kong walang tigil sa pag dadak ng kung anu-ano .   " Thats my point Ms . Santiago dahil diyan sa dila mo hindi mo ba alam kung sino ang kausap mo?"   haluh sa papaanong paraan hindi ko sya kilala, hindi ko naman maalala na naumpog ako oo totoong nadapa ako pero hindi ako nauntog para makalimutan sya, teka nga.   “Nagka-amnesia na po ba kayo at hindi n’yo na maalala pangalan n’yo?” ibinagsak niya ang kamay niya sa lamesa at parang nagpipigil ilabas ang apoy sa dila niya. Kaya nag peace sign ako sa kanya.   " Kilala ko naman po kayo Ma'am eh kayo po si Ms. Shirley De Guzman our teacher," nakangiti ko pang sabi with twinkles ng eyes.   " And what else? " tanong nya  teka ano pa nga ba ? Ay pashete nag-smile ako at konting pa cute   " DEAN! "   " Finally! What happened to you Ms. Santiago gusto mo bang mawala ang scholarship mo ? "   owmhen ito na nga ba ang sinasabi ko ko eh, mga santa,santita , Diyos na mahabagin , Niño , bathala , fairy god mother  , Budha  tulungan nyo po ako dito tatanggalin daw po nila scholarship ko eh kung mangyari iyon eh di mawawala na ang isang dyosa na katulad ko dito sa NRMU  Hello,kulang na sa Unversity halleeerr .      Engot eh pwede naman pumasok  dito eh yun nga lang magbabayad na ako napa-iling ako sa naisip ko na iyon ang taas at hindi kaya ng budget ng aking Mamu at Papu.   “Siyempre ayaw kong mawala iyon,” sabi ko sa kanya.   “Then matuto kang umayos para kang hindi palaging wala sa top 1 at dahil diyan sa mga pinagsasabi mo ay gusto ko ng tanggalin ang scholarship mo,” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.   " Waaahhh Ms, De Guzman wag naman po sayang naman oh maawa na kayo sa akin hindi na po mauulit,Promise mag bi-behave na po ako. kahit ako na rin po ang taga shine ng sapatos nyoo kaya ako mag papakain ng alaga nyong aso  o pusa kahit ahas ako rin mag aalaga may tiger din po ba dun, huwag naman na sana? "   o h oh oh stop that rapid tongue Bella you are in trouble.   " Stop it Ms. Santiago lalo mo lang pinapa-init ang ulo ko what I mean is you are always late at my class minsan namimiss mo pa iyon kahit na ba nababawi mo sya sa mga activities at sa mga test hindi pa rin ako kumbinsido dahil gusto ko lagi kang present sa klase, ngayon pa na you are always in the top of the class. Every year nandyan ka pero Ms. Santiago you are now graduating grown up with that childish attitude." Aw concern lang pala si Ms. Santiago sa akin nakaka-touch nama.   Wow huh haba ng hair haba din ng  speach nya sa tuwing ganyan sya hala ipupusta ko daliri ko wala akong naiintindihan.   " Gusto ko lang tanggalin mo sa habbit mo yang paggiging late mo at dahil late ka na naman  kanina sa class ko I want you to write a sorry letter in 10 sheet  of paper "  halooh bakit naman kaya ang dami ano ang kaya ang gagawin niya sa mga isusulat ko?   " ahm Ma'am bakit po ang dami ? pwede ko po bang ipa-photo copy na lang ?,”   Tumingin sa akin si Ms. De Guzman kaya naman ayon natahimik na naman ako   " Sabi ko nga po magsusulat ako ng hand written,” sunod kong sabi.   " Ma'am De Guzman eh how about my scholarship? what do you mean about that? "   heto na gusto ko ng malaman , abah syempre para hindi na ako mag hirappang pumasok mamaya hindi na pala ako scholar eh di nag papakahirap pa akong  pumasok at mag compute ng kung anu ano at gumawa ng project Mabuti na iyong nagkaka intindihan kami.   Dugudodg dugodog dugodog nadidinig ko na ang kaba ng dibdib ko.   "About that and it’s because you are always late aside from writing a sorry letter I also want to punish you, I want you to join in - - - - -  "   hanla nag isip pa si Ms. Santiago.   Light bulb !   " Ay ma'am wag nyo na po akong bigyan ng Scholarship! "tumaas naman ang kilay ni Ms. De Guzman .   " And why?"    tanong nya sa akin hanla why pa daw hindi ba nya alam? na delikado ang gusto nyang ipa-gawa sa akin.   "Eh kasi po Ma'am mahal ko pa po buhay ko ayaw ko po yung masira ,kaya po ms gusto ko pang matanggal ang scholar ko,"  nakatungo kong sabi sa kanya.   Malulungngkot ako mami-miss ko itong school na ito, ang mga kaibigan ko, sina Trishia at Stacey. At ang isa pa malulungkot ang mga classmate ko kasi mawawala din ang  pinaka magandang babae dito sa NRMU.   "What are you trying to say Ms. Santiago? "naku nabobo na ba si Ma'am hellow or maybe naging slow na sya ? Ayts,sige na nga papaliwanag ko na nga.   " Eh diba po Ma'am  sabi nyo dahil sa late ako palage you want me to punish at yun ay gusto nyo akong sumali sa Sorrority? eh masama yun noh gusto ko pang mabuhay maging masaya mga bad witch kaya yung mga yun "   paliwanag ko eh totoo naman eh diba? tiningnan ko si Ms. De Guzman napa-facepalm naman sya agad .   " Ibig sabihin kayo po ang leader ng sorrority? "  hehe malay mo hindi nya ako ganu pahirapan tiningnan niya ako ng masama hanla nag liliyab ata ang mga mata nya.   " GET OUT MS. SANTIAGO! "    .   .   .   .   .   .    Good bye World!    .   .   . Detention I’m on my  way!     BIGTI NA BA AKO! ! ! ! ! ! !                                           Canteen . . . . . .   "Hoy Ano nangyari sayo? Para kang nalugi dyan sa itsura mo? saka kanina pa ako kwento ng kwento sayo hindi ka naman nakikinig?" sabi ni Trish weh? di nga? kanina pa ba sya nag kukwento tungkol saan naman kaya? " What happened to you Bella? it seems like you’re spacing out. Ano ba iniisip mo diyan?"  tanong ni Stacey. (Laglag panga) Alam nyo ba iyong feeling na sa tuwing mag sasalita s’ya ganun ang epekto nito sa akin, napaka hinay ng boses di makabasag pinggan unlike Trish na laging mataas ang energy lalo na sa pang iinis sa akin, but still mahal ko iyang mga yan. Tumingin ako sa kanila,tingin din sa katabing table kung may mga studyante ba, and last tingin sa buong canteen. Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh  bakit lahat sila nakatingin sa akin? Ganu’n na ba ako kaganda? Campus beauty na ba ako? Well talaga naman kasing maganda ako.   " Can I ask a question?" tanong ko sa kanila?   " What is it? "   Taas kilay na sabi ni Trishia. "Bakit ba sila mga nakatingin sa akin kanina pang umaga pag alais ko sa apartment, lahat napaptingin sa akin? Ganoon na ba ako kaganda? huh? sabihin nyo nga at baka mamaya may mga fans na ako mamaya dyan di ko pa alam at bigla na lang akong dumugin pag labas ko," seryoso kong sabi ko sa kanila. Sa sinabi ko naman na iyon tanging tawa lamang ang narinig ko sa dalawang ito mga kaibigan ko talaga sila pag katapos tumawa tumitingin sa akin tapos mag titinginan silang dalawa at tatawa na naman. Ano naman  kayang mali sa sinabi ko?   " My dear Bella mayroon ka bang salamin sa bahay?" tanong ni Stacey? Wow iba sya ngayon ahh na turn off ako . Anti Bella Beauty ba sya?     " yes" tipid kong sagot.   "Alam mo bella you look missirable , at yang buhok mo pwede nang makahuli ng isda dahil sa sabit sabit na iyan . Do you want me to buy a brush for you? " OMG tama ba narinig ko misirable ba ang itsura ko. kinuha ko sa bag ko ang mini mirror ko.   Nagulat din ako sa itsura ko pero teka nag suklay naman ako kanina eh.   "Did you take a bath before you go to school? " tanong nya yun kanina ahh . .   " Aba uy ! Trish sumosobra ka na ah! Sabihin mo ng Misirable at parang dinaanan ng pison ang itsura ko. at parang inikot sa washing machine itong buhok ko, kahit pa sabihin mong sinabunutan ako ng unggoy. Hindi naman makatuwiran iyang sinasabi mo dahil kahit late na eh naliligo pa rin naman," wow haba ng speach hahahaha                                                            " Eh ano bang nagyari sayo kanina at ganyan itsura mo? " tanong naman ni Trish. "Eh kasi ikaw ba naman tumakbo ng ilang kanto dahil nga sa traffic. At dahil sa walang elevator kanina at maintainance ikaw kaya tumakbo ako ng paakyat gamit ang hangdan and take note from the ground to fourt floor ang inakyat ko muntik pa nga akong malaglag ,"  mahabang paliwanag ko.   Naaalala ko tuloy ang lalaking maangas daig pa ang mount mayon sa taas ng kayabangan .Infairness gwapo . Ay letche  kahit gwapo sya na turn off ako sa kayabangan nya .   " Uyy ! !  , ano na naman bang probblema mo? naayos mo na sarili mo ahh ?  tanoong ni Stacey   " wag mong sabihin na talagang iniisip mo na yung mga fans mo dito sa school ? wake up girl , hindi ka diyosa ng Nuestra Regina Mediatrix University "   sabi ni Trishia kita mo tong tao na ito parang hindi kaibigan.   " Kaibigan ba talaga kita? Sabihin mo yung totoo," tanong ko.   " Yes, thats why I want you to know the truth," sabi ni Trish sabay smirked.   "Malaki ang problema k,” after kong sabihin iyan back to emo na talaga ako .   " Ha ano ba kasi talaga nangyari sayo nawala ka kanina tapos  pagbalik mo ganyan ka na,” sabi ni Stacey.   Nalungkot ang mukha ko at saka umiyak ng malakas..   Shetness ano bang nagyayari sa akin pag ganyan ang nagsasalita nai-starstruck ako eh. Kainis naman eh  bakit ba parang nagigiging pusong mamon sa lambot ang puso ko tuwing magsasalita ka stacey.   Okay Moment ko muna ito . . . Walang tatawa okay  .   one   two   three   " Waaaaaaaahhhhhh ! Ayaw kong iwan kayo, alam nyo bang mahal na mahal ko kayo tapos bigla ko na lamang kayong iiwanan? Unfair iyon di ba? pero kailangan eh. Alam nyo yun kasi feeling ko huling araw ko na dito sa mundong ibabaw at bukas nasa hell na ako,"   *sniff * sniff* sniff *   " Sana sa heaven naman para masaya kasi  si Isabella Kairin Santiago ay isang batang mabait masunurin at mapag mahal na anak at ang pinaka mahalaga sa lahat kaya dapat akong tanggapin doon ay ako ay maganda .   " Pfffffffffffffffff,hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahah hahahaha hahahah hahahaha "   “Girl! Malala na ang tama mo,” natatawang sabi ni Trishia at saka nagtayuan at umalis. Nakakalungkot isipin na kahit umalis ako dito ay hindi lang sila ang malulungkot kundi ang buong University.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD