Una

2105 Words
Isabella Point of View   KRIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGG!   " Oh my! Oh my god !   Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ko ang orasan. Alas nueve na ng umaga at patay na naman late na ako sa first subject ko.   "Pesteng alarm clock ka bakit mali yang pagtunog mo? " kinuha ko ang orasan at ibinato sa pader. At saka tumayo at dumiretso sa banyo.                                                       Dali dali akong naligo wisik-wisik *sabon * shampoo *banlaw   at dyaran tapos na! Nag bihis lang ako ng uniform ko. Sa daan na ako nagsuklay at take note no make-up. As if naman meron talga kahit polbo wala din. Tumakbo ako palabas at isinarado lang yung pinto at pumara na ng jeep hingal na hingal akong sumakay dito. Pinag tinginan tuloy ako .    " Mga teh bakit? Maganda ba ako? " as if naman nasabi ko yun diba?  teka bakit nga ba sila tingin ng tingin? Naiingit siguro sila sa akin? hayst iba talga ang maganda kanina pa din akong tingin ng tingin 30 minutes na lang mag uumpisa na yung second subject ko. Ang bagal pa nitong jeep na nasakyan ko kung pwede lang lagyan ko sya ng nitro para bumilis isa pang problema itong traffic.   Konting push na lang at malapit na ako sa school ko sa NRMU hindi naman talga ako sa mismong tapat ng school nag papababa dahil may lalakarin pa rin papasok  alam nyo na sosyal kaya itong school ko puro mayayaman ang pumapasok .   Hindi na ako mapakali sa pwesto ko kaya naman pumara na lamang ako at bumaba na.   “Mama baba na ho ako,” sabi ko dahil usad pagong ang jeep na ito dahil sa matinding traffic. Kung ako lang si Moises aba eh di hinati ko na ang daan pinagtataboy ko na yung mga sasakyan para maka daan lang kami. Oh diba bible lang ang peg ganito lang ako pero may alam naman ako sa bible.   Bumaba na ako ng jeep at lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating dahil talgang late na naman ako.   “Shocks mapapagalitan na naman ako neto” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad  at pag dating sa campus swipe ko agad yung id ko sa entrance wala naman si lady guard para mag ispeksyon kaya ayun takbo ulit ako. pumunta ako sa elevator pero hindi yata gumagana. Kaya no choice kundi mag stairs wala ng gaanong estudyante dito dahil karamihan ay nasa room na nila.   Sobrang hingal na ako sa pag akyat nasa second floor na ako ng biglang   * BOOOOOGGGGSSSSSHHHHHHHH*   " Aray!" hinimas ko ang balakang ko papaano ba naman na pa upo ako sa sahig pero ayos na ito kaysa naman mahulog ako sa hagdan sa taas  nyan baka tegok na ako.   " s**t!  Look what you've done? Stupid!"   teka hindi lang ako ang naka upo sa sahig . may katabi ako ay hindi lang katabi, katabing katabi there's an angel beside me . ~iling iling ~     devil pala stupid daw ako e.   Nag ka memory gap ata ako papaanong nagkalalaki sa tabi ko? ang pag kakatanda ko ay patakbong umakyat at bigla akong nabunggo!  Oo tama nabuggo ako ng lalaking ito.   " Hoy teka kung maka stupid ka akala mo hindi ikaw ang  bumanga sa akin  kasalan mo ito "   sabi ko sa kanya medyo malakas ang boses ko who cares wala naman kasing makakarinig sa amin wala kasi gumagamit ng hagdan gaano sino bang gustong mahirapan diba?   " Kung hindi ka tatanga-tanga na tumatakbo paakyat ng hagdan at higit sa lahat ay hindi pa marunong tumingin kung may tao bang madadaanan! nawala tuloy ang peace of mind ko" I just rolled my eyes on him.   “Alam mo naman palang may dadaan, bakit hindi ka umiwas?   "Stupid!" sabi niya and then he walk-out.   "Madapa ka sana! Mayabang!" sigaw ko tapos dinampot ko na nag mga libro at gamit ko . tiningnan ko at masama din ang tingin na binibigay niya sa akin kaya naman dinilaan ko na lamang s’ya bago ako ulit ako umkyat ng hagdan.   ~SHOOOOOOOOOOOOSSSSSSSSSHHHHHH~   kumaripas ako ng takbo pataas ng hagdan hanggang sa makarating ako ng fourth floor. Hingal na gingal akong tumigil sa may puno ng hagdan grabe exercise ang ginawa ko kanina pa ako takbo ng takbo > tiningnan ko ang relo ko OMG! 45 minutes na akong late sa second subject ano bang kamalasan ang nangayar sa akin.   Humakbang ako sa may pinto ng room sarado iyon kaya di nila ako kita. Inhale Exhale silip > tago . Inhale > exhale > silip > tago . para lang akong tanga pinakalma ko lang ang sarili ko tapos uupo ako upuan kaagad para hindi ako mapansin ni Ms. De Guzman terror kaya iyon.   Sakto bubuksan ko na ang pintuan dito sa may bandang hulihan ng room dalawa kasi ang pintuan ng room namin.   " Ms. Santiago!  You’re late again!" sabi ng teacher naming sabi na ngang terror e. Ngumiti ako sa kanya baka sa kaling madaan sa ngiti   give her sweet smile Isabella sabi nga ni inay ako daw ang may pinaka sweet na smile sa buong mundo .   " Ms. De Guzman, goodmorning po! Nandiyan na po pala kayo ngayon lang po ba kayo,” sabi ko sa kanya at saka umupo sa upuan ko tuloy-tuloy. At walang nangyari ang pag-smile ko at ayon pati mga classmates ko ay nakatingin sa akin 20 lang kasi kami dito sa block namin.   " Our class is already done and you just arrive just now.Report on my office on your break,"  pag kasabi noon nanlambot ako tinginan ko lang sya palayo . patay na naman ako neto . sabon na naman ang abot ko.   " Bella, anong nangyari sayo? Bakit pawis na pawis ka? " doon lang ako natauhan ng mag salita si Stacey. Tiningnan ko ang mga kaklase ko nakatingin lang sila sa akin at pinagtatawanan nila ako.   Well ayos lang sa akin alam n’yo kung bakit? sanay na kasi akong laging tinatawanan ng mga iyan. Araw -araw ba naman. hindi ka ba masasanay doon .     "Hoy anong tinitingnan nyo? Naiingit na naman ba kayo sa beauty ko?” sigaw ko sa kanila lalo naman sila nag tawanan.     "Bella what happened to you, late ka na naman bang nagising? " napatitig ako sa kanya ang ganda nya sweet niya talagang magsalita. Alam mo iyon parang di makabasag ng pinggan.   " My god Bella  hindi mo ba in-alarm yung orasan na ibinigay ko sayo? " who's talking?  You know my other bestfriend pero laging nakasalungat sa akin.   " Trisha, yung pesteng alarm clock na binigay mo iba ang oras. Mali ang alarm kaya ako nagising dahil sa pesteng iyon," hinihingal kong sabi sa kanya .   " My dear Bella, how many times ko bang sasabihin sa’yo na its ringing twice every 30 minutes sa time na inilagay mo," teka ?oo nga noh ng gumising ako 30 minutes na akong late na pa   pout na lang ako .     "Bella iniisip mo na naman ba ang friend mo? Sa tingin ko ay dapat mo ng kalimutan ang pangako ng batang iyon,” sabi ni Stacey.   “Tinatanong pa ba iyan Stacey? Kung dito nga sa school nag da-daydream na babalik pa yung friend nya eh sa bahay pa kaya?” mapanirang moment naman tlaaga itong si Trisha.   " Haba naman ng Speach mo Trish lahat magaganda friend talga kita," lalo pa sya tumawa.   “Syempre naman mahal ka kaya naming,” sabi ni Trishia.   " Maiba lang ako Bella Did you take a bath?  " napatingin akong lalo sa kanya na pinipigilan ang matawa. Pero malakas ang pag kakasabi ni Trish kaya napatingin din sa amin mga kaklase namin. Pinanlakihan ko ng mata si Trisha pero parang wala siyang nakita at tumawa pa lalo.   " Class quiet! " napahinga ako ng malalim Mabuti na lang at save by the bell dumating na Si Mrs. Batino our teacher in English Literature.   Speakin gof tawanan . Teka bakit nga ba nila ako tinawanan eh naligo naman ako kahit mabilis lang hmmmmm. Inamoy ko ng palihim sarili ko at yikes totoo nga mabantot ako tumakbo ng apala ako kanina. Kasi naman late na ako kanina.   Natapos din ang ang subject  namin alam nyo ba kung ano ang natutunan ko? hulaan nyo!   "Hoy Bella kain na tayo need ko ng kumain sa dami ng assignment natin sa Math sobrang hirap feeling," sabi ni Trisha. Nakatingin lamang ako sa kanila.                                              "Bella are you okay?" it's Stacey   " May assignment ba, "  tanong ko.   " Nkatulog ako eh? "  sabi ko na lang .   " My God Bella how could you do that? Scholar ka pa naman tapos ganyan ka?"  iiling-iling na lang na nasabi ni Trisha.   "Don't worry papa kopayhin na lamang kita ng mga assignment natin , for now let's go to the canteen kasi gutom na rin ako"   " O em gee! Kaya mahal kita eh salamat Salamat,"   nilayakap ko pa sya .   " at ako hindi? " nakataas ang kilay nya nung sinabi nya iyon.   " Syempre mahal kita kung ililibre mo ako " sabi ko sa kanya. Pina-ikutan lang  niya ako ng mata.   Inaayos ko na ang mga gamit ko pero bago ko pa iyon maayos tumingin ako sa orasan . Tumingin ako kina Trishia at Stacey.   " Ahhh eh eh kayo na lang muna ang kumain? " sabi ko sa kanila.   " Why?" ang sweeet na tanong yan ni Stacey sa aming mag kakaibigan sya lang  talaga ang pina ka sweet sa amin .   " Ah kasi  may kailangan pa akong gawin eh," sabay tayo at beso beso sa kanilang dalawa  papalabas na ako ng pinto .   " Hoy bella saan ka na naman ba pupunta ? " tanong ni Trishia .   "Susunod na lamang ako kapag natapos na ako," kumaway pa ako at mabilis na naglakad sa hallway.   Heto ako ngayon tinatahak ang elevator papunta sa ground floor nandoon kasi ang office ni Ms. De Guzman. Matanda na kasi kaya ayaw niya sa mataas na floor. At habang papunta ako doon ay hindi ako mapakali ano naman kaya ipapagawa ni Ms. De Guzman?   Nakakain yata kasi ng maasim na sampalok iyon kaya palaging maasim ang mukha. Hayst Isabella  kalma lang give her your sweet smile.   Magiging ayos din yan late ka lang naman eh. Si Ms. De Guzman ay Math Teacher namin. Teka wala naman akong naaalala na bagsak ako sa grades, pati sa mga projects wala naman akong palya liban na lang sa pagiging late ko.   Di ko namalayan na malapit na ako sa office ni Ms. De Guzman isang kanto na lang ng biglang - - - - - - -   Blaaaaagggg!     "Ouch! sakit ng tuhod ko "   mapapaiyak na ako sa hapti pashete naman oh napakamalas naman talaga kanina pa akong nadadapa. Betchaby Golly wow! Thank you Lord for the best day of my life.   Suki yata ako ng floor ngayon at puro kamalasan ang dala sa akin.   "Tsk stupid talaga" teka may narinig akong lalaki na nagsalita sa pag kaka alam ko eh bawal ang student dito maliban na lamang kung may pinapatawag. May kasabay ba akong pinatawag niya?   Teka nga kumikirot ang tuhod ko kaya tiningnan ko ang tuhod ko and waaaaaaah may sugat, masakit!   “Oh my ang makinis kong balat nasugatan, ang malas naman oh!” reklamo ko at maiiyak na talaga ako.   "Para ka namang tanga dyan konting sugat iiyakan mo "  nanlaki ang mga mata ko may lalaking naka upo sa may likoran ko as in nakaupo talaga yung paa nya nakaharang sa daan ng pasilyo tapos nakaupo sya sa sahig.   "Ikaw na naman? Sinadya mo ito ano? saka alam mo bang bawal ang estudyante dito gusto mo bang ma-guidance?” tanong ko sa kanya.   "Tsss" aba at sa haba ng paliwanag ko yun lang ang sinabi niya.   Pakkk !!   "Aww! What the hell did you do that? " galit na tanong niya sa akin.   Oi wag kayong ewan diyan hindi ko sya sinampal ahh binatukan ko lang sya medyo napalakas lang at napa-evil smile ako nung nasaktan sya hahahha but inga sa kanya.   "Bagay lang sayo yan dahil sa ginawa mo sa akin mayabang na lalaki!" tapos tumalikod na ako nag lakad. Akala ba niya ay siya lamang ang pwedeng mag walk-out?   "Stupid Girl!" napatigil ako at tiningnan ko sya ng nakakalisik na tingin while him? Ayun smirk lang arrrghhh nakakainit ng ulo  ahhhh sumosobra na sya .   Ngumisi ako at saka kinuha ang isang sapatos ko at ibinato iyon sa kanya and yess tinamaan siya.   “what the----” nginitian ko siya ng makitang inis na inis na siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD