bc

Until I Met You

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
dare to love and hate
drama
campus
small town
like
intro-logo
Blurb

Simula bata pa lang ako pinangarap ko ng makaalis sa lugar na to. Maranasan yung mga bagay na nararanasan ng mga kaedaran ko. Kaya naman nagpursigi ako hanggang sa makamit ko ang pangarap kong iyon kahit na inabutan na ko ng maraming taon. Ngayon malaya na ko, lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa noon magagawa ko na ngayon. Gagawa ako ng bucket list ko. Naiisip ko pa lang ay nae-excite na ko. Pero bakit ganun? Kasama ba sa mga bagay na hindi ko naranasan noon ang umibig ng ganto? At sa isang tao na ilang araw ko pa lang nakikilala?‐--------------Hello! Please give a chance to this liche story of mine. Thank you 😌💜

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Agatha's POV Sa wakas makakaalis na din ako sa lugar na to. Sa halos 14 years naging tirahan ko ang lugar na to. Madami akong alaala rito may masaya pero mukang lamang ang malungkot.Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong andito para tulungan ako. At sana balang araw ay maibalik ko ang kabutihan na ipinakita nila sa akin. 'Ngayong malaya na ko pwede ko ng gawin lahat ng gusto ko.' 'Ah! Oo nga pala, susunduin ako nila mama para dalin sa bago kong titirhan. And this time, susubukan kong maging independent.' Paglabas ko ng kwarto sinalubong ako ng mga taong matagal kong nakasama may bakas ng lungkot sa kanilang mga mata pero malalaki ang mga ngiti nila sa labi. "Magiingat ka Agatha! Wag mong kakalimutan ang mga bilin namin sayo." "Padalhan mo kami ng mga sulat at mga pictures kung sang mga lugar ka pupunta." "Masaya kami para sayo Agatha. Sa wakas matutupad na ang pinakahihintay mo. Magiingat ka palagi." "Salamat sa inyong lahat. Hindi ko kayo makakalimutan at ang bilin nyo kaya wag kayong mag-alala sakin masyado." pinipigilan kong umiyak kahit na masaya akong aalis dito still napamahal at parang pamilya ko na din ang mga taong nag-alaga sakin dito. Pagkatapos kong magpaalam sa lahat ay tinawag na ko ng mama. "Halika na iha. Medyo mahaba ang byahe natin. Ang nakuhang bahay ng papa mo ay sa isang maliit na baryo. Malapit yun sa dagat na sabi mo eh gusto mo. At sabi naman ni Dr. Gonzales eh makakabuti daw sa iyo yun." Yes, ang lugar kung nasan ako ngayon ay isang pribadong hospital para sa mga pasyenteng may cancer. At ako ay isang cancer survivor. Mahaba-habang laban ang pinagdaanan ko bago ko makamit ang kalayaan kong ito. "Okay po. Salamat mama." Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan ang magbalik tanaw sa nakaraan at ngayon andito na ko. Tama! Gagawa ako ng bucket list ng mga bagay na gusto kong gawin. Agatha's Bucket List 1. Magtry magluto ng sarili kong pagkain. 2. Mamalengke 3. Gumala sa mall at magwindow shopping. 4. Magpunta ng park. 5. Maglakad sa dalampasigan. 6. Kumain ng ibat ibang flavor ng ice cream. 7. Maligo sa dagat. 8. Makipagkilala at maghanap ng magiging kaibigan. Habang sinusulat ko to hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang luha ko. Totoo na talaga to malaya na ko. Binasa ko ang mga bagay na naisulat ko na at natawa dahil parang sobrang simple lang ng mga ito pero para sakin malaking bagay to. 'Dadagdagan ko na lang next time tong listahan ko.' Nakatulog ako sa byahe siguro mga 3 hours din yun. Pagmulat ko ng mga mata ko tumambad sa akin ang isang simple pero napakagandang bahay. sa labas ay may ibat ibang klase ng bulaklak, may maliit na teresa, may duyan at may dirty kitchen sa labas. Pagpasok sa loob sasalubong ang maliit na living room area katabi nito ang dining at kitchen area. Sa gawing kanan ay may dalawang pinto, ang master's at guest room, parehas may pribadong banyo ang mga kwarto. Lahat ng gamit ay iisa ang theme color white at wood. May mga halaman din kaya napakaaliwalas ng lugar. Napaperfect nito para sakin. "Ano iha nagustuhan mo ba? Ang mama at ate mo ang namili ng mga gamit para dito." sabi ng papa. "Opo papa! Salamat po sa inyo!" "Magpahinga ka na at kami din ng mama mo ay pagpapahinga sa kabilang kwarto mamaya gigisingin ka namin para pumunta sa palengke at para na din ilibot ka. Bukas ng umaga aalis na kami may kailangan din kasi akong asikasuhin sa shop." "Okay po papa alam ko pagod kayo sa pagdrive." Pagkahiga ko sa kama napatingin ako sa malaking sliding door sa kwarto. Papunta yun sa balcony at tapat na tapat ng dagat. Eto na ang simula ng bagong buhay ko. Naisip ko habang nakangiti bago tuluyang nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook