Chapter 4

2186 Words
"Uy, Liana! Sorry na!" Tumakbo ako at mabilis na hinablot ng bahagya ang maliit na braso ng kaibigang nagtatampo. Hinawi niya ang kamay ko ngunit wala naman siyang pwersa kaya halos wala ring nagbago. "Magtatanim ulit ako ng pechay sa taniman mo pamalit sa nasira ko kanina." Halos mapaatras at atakihin ako sa puso ng isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. "Anong nasira? Sinira mo, hindi nasira!" "Eh, hindi ko naman sinasadya kaya sorry na." Halos maging purong puti ang mata niya sa pag-ikot ng mga ito kasabay ng masungit niyang pagtalikod sa akin. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makalapit siya sa poso. Pinanood ko siyang maghugas ng kamay at pagkatapos niya ay nakigaya na rin ako dahil napansin kong may kakaunting dumi rin ako sa kamay. Marahil ay dahil sa paghawak ko sa pechay kanina. "Ganyan ka pala magalit? Achievement 'to kasi madalas wala kang emosyong ipinapakita. Bakit nga ba ganoon ka?" Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papunta naman ngayon sa room namin. Kinuha ko ang mga gamit ko bago pa ako maiwan ng tumatakbong si Liana. Hindi ko napansin na nasa tabing pintuan lang ang bag niya samantalang ang sa akin ay nasa dulo pa ng room kaya nagawa niya ako iwan! Hingal na hingal ako nang maabutan ko siyang kausap ang isang tingin ko ay kasing-edad lamang ng kapatid kong si Kelly. "Hindi ko sinasadya, bata. Ibibili na lang kita ng bago!" Tila naiirita na si Liana. Umiling ako at mabilis na lumuhod sa harapan ng batang babae na walang tigil sa pag-iyak. Lagot kami kung maabutan kami ng sundo nito na nasa ganitong sitwasyon. Baka akalain pang inaaway namin itong bata. "Anong nangyari?" Malambing kong tanong dito. Itinuro niya ang lollipop na nasa sahig. "Tinapon ni Ate!" Sigaw niya kasabay ng malakas niyang pag-iyak. "Tinapon niya! Tinapon niya kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya!" Humihikbi-hikbi pa siya. Ang sarap maging bata, ano? Tamang iyak lang dahil sa natapon na lollipop o kaya ay sa tuwing hindi mo nakukuha ang gusto mo, maaari mong idaan sa iyak hindi gaya tuwing matanda na, kailangan ng mas maging responsable. Pinatahan ko ang bata at malambing na pinilit para bumili na lang ng bagong lollipop. Noong una ay umaayaw pa siya at pinipilit na kuhanin iyong nahulog kaso, sinabi kong may uod na iyon kaya hindi na pwede. Ayaw pa niyang maniwala kaya naman sinabi ko sa kaniya ang madalas na sinasabi ni Kelly sa tuwing nahuhulugan siya ng pagkain. "Isipin mo na lang, binibigyan mo ng pagkain ang mga langgam para mabusog sila. O 'di ba, nakatulong ka sa mga langgam? Isa kang mabait na bata." Ipinakita ko ang pinakamalawak at pinakamaganda kong ngiti sa kaniya. Hindi ko naman inaasahan na tatanggapin niya ang sinabi ko kaya ikinagulat ko ang pag-aaya niya sa amin palapit sa canteen. Proud kong nilingon si Liana na nakanganga habang nakatingin sa akin. Ano ka ngayon? Hindi ba niya alam na hindi umuubra ang pagsusungit sa bata. "What kind of sorcery is that?" Singhal niya nang maihatid na namin ang bata sa sundo nito. Bakas pa ang pagtataka sa sumundo marahil ay dahil kasama niya kaming mga nasa higher grade kaya ang sinabi ko na lamang ay nakita namin itong umiiyak dahil nahulog ang lollipop. Hindi namin sinabing nabangga siya ni Liana dahil baka magalit. Marami sa mga nanay ng bawat mag-aaral dito ay ayaw na ayaw nasasaktan ang mga anak nila na akala mo ay hindi iyon parte ng buhay. Kung alam lang nila na ako, halos araw-araw nasasaktan lalo na sa mga salita pa ng sarili kong tatay. "Sorcery? Pinagsasabi mo. Hindi ka lang marunong umalo ng bata kaya imbes na patahanin mo eh mas lalo mo pang pinapaiyak at tinatakot." She just shrugged her shoulder. Nakaupo kami ngayon sa kubo, pinapanood ang mga batang naglalaro habang naghihintay ng kanilang mga sundo. Kasama roon si Kelly na nakikipaglaro ng habulan sa mga kaklase niya. Kung gugustuhin namin, pwede na kaming umuwing dalawa ang kaso, bilin ni Kuya na siya ang susundo rito kaya naman hindi kami pwedeng umalis na lang basta. "Pwede akong magpunta ulit ngayon sa inyo?" Sumimangot ako ng umiling ang katabi hindi pa man natatapos ang sinasabi ko. "Daya. Makikipaglaro lang naman saka papatulong na rin sa math. Napansin kong magaling ka sa math, eh. Ako, ganda lang ambag ko sa school na 'to." Nakataas ang kilay niya nang lingunin ako. Her eyes are pretty. Malaki ngunit maganda. Naaalala ko 'yung isang cartoon na napanood ko dahil may hawig ang mga mata noon sa mga matang nakatingin sa akin ngayon. 'Yung labi niya, maganda rin, nakakainggit. Maging ang buhok niyang aakalain mong sinasalamin ang alon sa dagat ay nakakainggit. Sana may mahaba rin akong buhok gaya niya. 'Yung madaling ayusan at ipitan. "Hindi ako magaling sa math. Pinipilit ko lang intindihin dahil kailangan kaya ganoon din ang gawin mo." "Sinusubukan ko naman kaso, hirap talaga ako. Madalas ay hindi ko maintindihan ang mga formula kaya naman tinitigilan ko at mas pinipiling manood na lang ng mga dance videos sa social media." Kahit anong pilit ko, hindi talaga kami magkasundo ng math. Madalas nga akong inaabot ng ilang oras sa pag-aaral lalo na kung nakaharap si papa. Mapapagalitan ako kung hindi niya ako makikitang nag-aaral ng lessons araw-araw. "Kuya, let's go. Kuya Don is already here!" Matinis na boses ng kapatid kong si Kelly ang umalingawngaw sa tainga ko. Pawis na pawis siya habang hatak-hatak ang bag niyang may gulong at may disenyo ni Queen Elsa of Arendelle. "Is she your girlfriend?" Walang gana siyang tinitigan ni Liana kaya mabilis kong hinatak palayo ang kapatid. Baka mamaya ay paiyakin ito ni Liana, mahirap na. Nilapitan namin si Kuya na nakatayo sa may gate habang nasa gilid niya ang motor niya. "Kuya, hindi po ako sasabay pauwi. Gagawa po kami ng assignment ng kaibigan ko sa kanila sandali..." sabay naming nilingon ni Kuya Donald ang tulalang si Liana. "I don't think she's just Kuya Ronald's classmate. I think they are in a relationship like Prince Hans and Princess Anna of Arendelle." "Stop it. You're too young to know stuffs like that. Gigil mo ako." Todo pigil ako sa sarili para lang hindi masapito itong madaldal kong kapatid. Sa sobrang kadaldalan ay kung ano-ano na ang pinagsasasabi at halos wala namang katuturan ang lahat. "Make sure na uuwi ka bago mag-six kung hindi ay malalagot ka na naman kay Papa. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya basta siguraduhin mong assignment talaga 'yang gagawin mo, huh?" Mataman niya akong tinitigan pagkatapos ay ibinaling naman niya iyon kay Liana na nagsisimula ng maglakad ng mabagal palapit sa kung nasaan kami. "Oo sige po, Kuya. Ingat kayo!" Kinawayan ko sila. Malaking ginahawa ang naramdaman ko nang makalayo na sila bago pa tuluyang makalapit sa pwesto ko si Liana na kunot ang noong nakatitig sa akin. "Bakit hindi ka sumabay sa kanila?" Ang pinakamganda kong ngiti ang ipinakita ko sa kaniya at walang sabing isinukbit ang braso ko sa braso niya. "Syempre, pupunta ako sa inyo at tuturuan mo ako ng math." "What?" Tumango-tango pa ako para lang makita niyang seryoso ako at wala na siyang magagawa pa. "Saka, pwedeng manghingi ng isang barbie doll? Pero hindi ko iuuwi kasi baka makita ni papa at mapalayas ako ng wala sa oras." "Hindi ba't sinabi ko namang hindi ka pupunta sa amin ngayon? At hindi rin ako magaling sa math!" "O, sige. Hindi ka magaling pero marunong ka kaya tara na bago pa tayo gabihin. Huwag kang mag-alala dahil hanggang alas sais lang ako pwede. Gustuhin ko mang makikain sa inyo ng hapunan, hindi pwede kaya sa susunod ko na lang gagawin iyon. Tara na." Panay ang reklamo niya habang naglalakad kami palabas ng gate ng school. Nakasalubong pa namin ang kaklase naming bumalik dahil nakalimutan daw niya ang baunan niya at napagalitan siya sa nanay niya. Bakit kasi hindi agad ilagay sa bag ang baunan pagkatapos hugasan. Kinailangan pa naming sumakay ng tricycle para makarating kina Liana. Pwede namang lakarin kaso kung gagawin namin iyon, baka ilang minuto lang ang itatagal ko sa kanila bago mag alas sais. Ang kulay pula nilang gate ang bumungad sa amin. Ako na ang nagbayad sa tricycle dahil iniwan ako ng makapal na mukhang si Liana. Joke lang. Ako pala ang makapal ang mukha dahil nagpumilit akong mag punta rito. Mabilis akong lumapit sa nanay niya na napalingon sa akin habang abala sa pagdidilig ng halaman sa gilid ng bakod nila. "Magandang hapon po, Tita!" Nagmano ako at bumeso na ikinagulat niya yata dahil biglang nanigas ang katawan niya at halos mabitawan pa ang hose na hawak. "Kaibigan po ako ni Liana, papatulong po sana sa math kaya nag punta po ako rito." "Ganoon ba?" Kapansin-pansin ang pagkakahawig ni Liana sa nanay niya. Hindi naman sila parang pinagbiyak na buko pero kung tititigan, mapapansin ang pagkakatulad nila lalo na sa mata at labi. "Sigurado ka bang kaibigan lang?" "Ay opo!" Gulantang na usal ko. It took me a while before I could properly process what she just said at nang tuluyan na ngang naintindihan, hindi ko na napigilan ang sariling hindi matawa ng napakalakas. "Siguradong-sigurado po dahil babae pa po akong kumilos kaysa sa anak ninyo..." bulong ko rito. This time, siya naman ngayon ang halos mamatay na sa sobrang tawa. Namula rin ang mukha niya at nay kasama pang paghampas kaya umatras ako ng bahagya. Mahirap na at baka mahampas niya ang maganda kong skin, 'no. "O siya, sige. Pasok ka na sa loob. Halika." Mabilis niyang iniligpit ang hose na hawak at sinabayan ako sa paglalakad papasok sa bahay nila. "Mag miryenda muna kayo bago kayo magsimulang mag-aral. O, ikaw, Liana!"nag angat ng tingin si Liana na nakaupo na sa sala nila kaharap ang mga notebook noya. Nakapagpalit na irn siya ng pambahay niya. Nabaling sa akin ang tingin niya at halos lumuwa ang malalaki niyang mata sa gulat. Bakit siya magugulat kung sabay naman kaming nagpunta rito? "Bakit iniwan mo ang kaibigan mo sa labas? Itigil mo muna iyan at sabayan mo ang kaibigan mong mag miryenda." "Ah, hindi na po, Tita." Hinawakan ko ang braso ng mama ni Liana. "Mag-aaral na po kami dahil hindi rin po akonpwedeng abutin ng alas sais." "Ganoon ba?" Tumango ako at naupo sa harapan ni Liana. Iniusog ko ang mga notebook niya para magkaroon ng espasyo ang mga notebook ko. "O, sige. Kumain na lang kayo habang nag-aaral. Pwede naman iyon. Sandalinat ihahanda ko ang pagkain." "Salamat po!" Inilabas ko ang math notebook ko at hinanap ang math notebook ni Liana. Wala pa siyang sagot sa assignment namin kaya iniharap ko iyon sa kaniya kaso, nang makita ko kung gaano kasama ang tingin niya, parang gusto ko na lang umuwi. Kung nakakamatay sigro ang tingin baka magulat ang nanay niya na nakabulagta na ako rito at wala ng buhay. "Bakit ka pa nandito? Dapat umuwi ka na. Hindi kita tuturuan sa math." It's a prank. Ang sinabi niyang hindi niya ako tuturuan ay hindi nagkatotoo dahil ngayon ay hindi na niya naasikaso ang ibang assignments namin kakaturo sa akin. "Sabi sa iyo, kahinaan ko ang math." "Kaya nga mag focus ka at huwag puro pagkain. Ma! Paalis po nitong pagkain at hindi nakikinig si Ronaldo!" Ako naman ngayon ang masama ang tingin sa kaniya. "Pwede huwag Ronaldo ang itawag mo sa akin?" Taka niya akong tinignan at bakas sa mukha niya ang kalituhan. "Bakit? Iyon naman ang totoo mong pangalan, hindi ba?" "Oo pero huwag Ronaldo. Ronald na lang o kahit ano huwag lang Ronaldo." "Okay." Ipinagpatuloy namin ang pag-aaral hanggang sa magkusa na kaming huminto nang biglang nanood ng movie ang ate niya na nagustuhan ko rin kaya mas lalong nainis si Liana dahil nahirapan siyang kuhanin ang atensyon ko. May dunating na bisita ang nanay niya at nang tignan ko ay si Aling Carol pala, ang sikat na chismosa sa lugar namin. "Bakit kilala ng mama mo si Aling Carol?" Bulong ko sa katabi kong si Liana habang kumakain kami ng sopas na iniluto ng nanay niya kanina. "Chismosa 'yan eh. Chinismis niya na 'yung isang anak ng kapitbahay namin na katutuntong lang sa kolehiyo eh nabuntis agad. Ngayon ay malapit na yatang manganak." "Kumare ni Mama iyan. At hindi ka naiiba sa kaniya. Chismosa ka rin, eh." Aniya ng hindi nababaling sa akin ang tingin. "At least hindi ako 'yung nabuhay lang para chumismis 'no. Nabuhay ako para magkalat ng ganda." Nagulat ako nang hatakin niya ang mangkok ko at ang hawak kong kutsara. "Sa susunod mo na ituloy ang pagkain mo. Alas sais na, lagot ka." Oh my ghas! Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at nagpaalam sa kanila. Yari na naman ako kay papa nito. Huwag sana akong masermon ng bongga dahil kawawa ang beauty ko. Stress na nga sa pag-aaral, stress pa sa buhay. Ano na lang mangyayari sa gandang taglay ko? At saka bakit ba kasi ang sarap dito sa bahay nila? Walang judgement at malaya mong magagawa ang mga gusto mo. Ayan tuloy at nakalimutan kong hindi pala ako rito nakatira!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD