Lorabelle’s P.O.V. “Good morning little one masarap ba ang tulog ng baby namin?” Kausap ko kay baby Angel panay naman ang ngiti nito sa akin. Habang lumilipas ang araw at buwan ay nakikita ko ang pagbabago ni baby Angel. Masigla, malusog, at higit sa lahat masayahing bata ito, inabot ko ang kamay niya at hinalikan. “Maliligo na ang baby namin!” Masaya sabi ko dito, katulad ng pangako ni Gavin ay kasama na namin ngayon si baby Angel. Nakasout ito ng swimsuit na pang baby, Angel now is eight months old kaya maingay na ito. Nakatampisaw ang kanyang maliit na paa sa tubig habang hawak ito ni Bhie. “Nasaan ba si Rafael? Hindi ko siya nakikita?” Tanong ko kay Bhie habang nilalaro niya ang paa ni baby Angel. “Hindi ko alam? Actually kagabi ko pa siya hindi nakikita galit yata ‘yon sa akin.”

