Sa wakas nairaos rin ang proposal ni Gavin ang matagal na hinihintay ng binata ay natapos din. Walang tigil na tawanan at halakhakan ang maririnig sa buong Isla. Mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang narito kaya naman masaya ang lahat para kay Gavin at Lora. “Love hindi pa ba natulog si baby Angel?” Ungot ni Rafael habang nasa likod ito ni Bhie at sinisilip niya si baby. “Ang kulit mo talaga huwag ka kasi maingay diyan dahil pumipikit na siya. Lumayo ka nga ng kunti hindi tuloy ako makahinga sa’yo eh?” Ang kulit kasi itong si Rafael gusto yata siya ang aalagaan ko. “Patulogin mo na kasi para ako naman ang asekasohin mo naging abala ka na kay baby eh. Paano naman ako wala ka ng oras sa akin? Akala ko pa naman magkakaroon na tayo ng magandang pagkakataon dahil nandito tayo s

