Lorabelle’s P.O.V. Dahil kakauwi lang ni baby Angel sa bahay ay naghanda ng kunting salo-salo si Bhie. Sinabi ko naman sa kanya na hindi na kailangan kaya lang mapilit siya .At pagbigyan ko na raw dahil isa raw itong bleesing ang magkaroon ng baby sa bahay. Hindi na ako tumutol dahil ayaw ko naman magtampo ang kaibigan kong ito kaya pagbibigyan ko siya. Mga malalapit na kaibigan ni Bhie ang inimbita niya, samantalang ako ay tanging si Clark at Emily lang. Nakasuot ako ngayon ng color pink na off shoulder dress si baby angel naman naka-pink rin. Hinanda ko muna ang mga gamit ni baby pinatong ko sa ibabaw ng kama mamaya babalikan ko o ipapakuha ko kay Manang Eva. Napangiti ako dahil sobrang cute talaga ni baby dahan-dahan ko siyang binuhat at lumabas na kami ng silid. Nasa hagdan pa lang ka

