Pagkatapos nang pagkikita sina Rafael at Aarush ay agad pinuntahan ni Rafael ang bahay ni Bhie. Malakas ang kutob ng binata na may alam si Bhie tungkol kay Lorabelle, hindi alam ni Rafael kung anong dapat maramdaman sa mga oras na ito. Bigla niyang naitanong sa kanyang sarili kung nasaan na kaya ang pinagbubuntis nito. Agad naikuyom ni Rafael ang kanyang mga kamo, paano nangyari na biglang lumiit ang tiyan ni Lorabelle? Nakunan ba siya? O may nangyari sa bata?” “Fvck! Noo.. please huwag naman sana magkatotoo ang hinala ko.” Napamura si Rafael parang gusto na niyang paliparin ang kanyang kotse, nang sa ganun ay maitanong niya sa nobya nito kung nasaan na ba si Lorabelle ngayon. Nakaramdam ng galit si Rafael kay Lora lalo na ng makita niya itong nagtatrabaho ito sa isang sikat na club sa

