Lorabelle’s P.O.V. “Love, bakit mo na naman ako hinahanap? Diba nag-paalam naman ako sa’yo? Halika ka dito, ikaw talaga para kang bata.” Rinig ko pang sabi ni Bhie sa likod ko, gusto kong tumawa ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Natatawa ako sa mga sinasabi ni Bhie, napapansin ko na mas lalo silang naging malambing ni Rafael sa isa’t isa. Hindi na ako lumingon dahil alam kong makikilala ako ni Rafael kapag ginawa ko ‘yon. Nakahinga ako ng maluwang dahil sa biglang paglabas ni Bhie galing sa kanyang silid. “Love, wala ka bang napapansin na tao dito sa taas? Parang may nakikita kasi akong anino banda roon.” Sabi pa ni Rafael na ikinakaba ko, ibig sabihin ako talaga ang sadya niya kanina mabuti na lang talaga. “Love, gusto mo yatang sundan ang sinasabi mong anino, ayaw mo bang pumasok

