Lorabelle’s P.O.V. MUNTIK na akong mapasigaw ng hilahin ako ni Bhie papasok sa kusina sabay takip nang aking bibig. Nagtataka akong napatingin dito hindi ko kasi alam kong anong nangyayari. “Bakit nandito pa rin si Rafael? Hindi ba siya uuwi?” Nagtataka kong tanong dito. Huminga si Bhie nang malalim at malungkot itong napatingin sa akin. “Masama ang pakiramdam ni Rafael kaya dumito raw muna siya naawa naman ako dahil alam ko walang mag-aasekaso sa kanya doon sa condo niya kaysa ako ang pupunta don sa condo ni Rafael kina-usap ko na lang na mas okay na dito sa bahay ko. At sabi ko sa kanya wala kasing magbabantay kay baby Angel dahil may trabaho ang ka at si Clark naman ay may pinuntahan kaya iniwan nila ang bata sa akin. Alam ko nag-alala ka, I’m sorry gusto kasi hawakan ni Rafael si bab

