Chapter 1

1505 Words
“SIRA ka naman pala eh! Bakit ka pumapayag nang ginaganoon ka ng tiyang mo? Bakit hindi mo isumbong sa tatay mo?” Napatingin si Orange sa kaibigang si Chikki. Kasabay niyon ay ang kaniyang malalim na paghugot ng hininga. “Sa tingin mo ba ay maniniwala si Tatay sa akin? Sa aming dalawa ng Tiyang, nasisiguro kong siya ang papanigan niyon.” Napailing ang kaibigan. “Hay naku, hindi ko alam kung maaawa ako sa’yo o maiinis eh. Matagal ko naman na kasing sinabing iwan mo na ang pamilyang iyan at gumawa ka na ng sarili mong buhay! Wala kang puwang sa kanila kaya kung ako sa’yo, bumukod ka na hanggang may natitira ka pang respeto sa katawan mo! Baka lumaon niyan, hindi lang sinaing ang itapal ng Tiya Rosa mo sa’yo!" “Pag-iisipan ko ang sinabi mo, Beshie, pero sa ngayon…” “Ano? Sa ngayon ay ano?” tanong ng kaibigan nang mainip sa kaniyang ibig tukuyin. “Sa ngayon…errrrr…” Nasundan ni Chikki ng tingin ang direksiyong tinitingnan niya at nahampas nito ang noo sa nakita. “Kaya pala nawala ka sa sarili mo, nariyan pala ang mestisong bangus ng buhay mo!” “Shhh! Huwag ka ngang maingay!” saway niya rito. Si Clifford ang tinutukoy ni Chikki. Isa kasi ito sa marami niyang crush na kapag nakita niya ay nagpapawala sa kaniyang katinuan. “Hindi na ako magtataka kapag nahimatay at nagkikisay ka diyan mamaya, Beshie,” tudyo ni Chikki. Iningusan pa siya nito at saka muling ibinalik ang tingin kay Clifford. Guwapo si Clifford. Isang katangiang gusto ko sa mga lalaki. Maraming babae ang nagsasabi na hindi raw dapat tinitingnan ang panlabas na anyo ng isang taong mamahalin. Hindi ako naniniwala roon. Well, opinyon nila iyon pero ako bilang isang taong tapat at walang halong kahit kaunting ka-plastikan sa katawan ay nagsasabing hindi iyon totoo. Alam ko dahil iyon ang unang pamantayan ko sa pagkakaroon ng crush. Kapag guwapo, crush ko agad. Saka ko pa lang isusunod ang iba pa niyang katangian. Kapag may natuklasan akong pangit sa kaniya ay saka ako na-turn off, ‘di atras. Basta pagiging guwapo ang una kong basehan ng lalaking ibibilang ko sa aking mahabang listahan ng crushes. At isa sa mga iyon ay si Clifford Aragones. O ‘di ba, pangalan pa lang ay kasado na. Parang ang sarap ikabit sa pangalan ko… Anastacia Aragones…Ang ganda talaga, ang ganda ng blending… “Anastacia! Hoy, gising!” Inis niyang hinarap ang kaibigan. “Ano ba? Bakit kailangan mo akong sigawan sa tainga?” sikmat niya rito. “Nangangarap ka na naman kasi nang gising! Nakita mo lang si Cliff, nagkaganyan ka na!” “Pabayaan mo nga ako! Ano naman ang masama kung makipagtitigan ako sa kaniya? May problema ba doon?” “Ang problema doon, nag-iilusyon ka, girl! Ikaw, nakikipagtitigan sa kaniya pero siya, hindi! Tingnan mo ngang mabuti kung saan nakatutok ang mga mata niya!” Nilinga niya sa likuran ang direksiyong tinitingnan ni Cliff at umahon ang inis niya sa dibdib sa nakita. “Kay Bettina siya nakatingin at hindi sa’yo, Beshie. Tingnan mo naman. Legs pa lang ng babaeng iyan ay talagang gaganahan nang matulala ang kahit sino.” “Naman! Legs na legs talaga e! Ikaw na ang magkaroon ng parang pata ng baboy na mga binti at hita kung hindi ka matitigan nang mga tao sa paligid mo, ewan ko na lang!” Inirapan niya si Chikki. “Grabe ka naman! Look at her body, ang ganda-ganda! Tiyak na beinte-singko kundi man beinte-kuwatro ang waist niyan!” “Puwede ring twenty-six, twenty-eight or twenty-nine.” “Hindi naman! Twenty-six and a half, maybe!” Napaismid na naman siya at pilit nang inilayo ang tingin kay Bettina at Clifford. Malapit nang magkasalubong ang dalawa at tiyak niyang magpapalitan ng pagbati ang mga ito. “Look at her eyes, ang gaganda…hindi na need magpa-perm!” “Gaga! Hindi pinapa-perm ang mata! Pilik ang pinapa-perm!” “Iyon nga ang ibig kong sabihin! And look at her skin—” “Kaibigan ba talaga kita, Chikita? Naiinis na kasi ako sa’yo!” Malakas na tumawa ang kaibigan. Nagti-trip na naman ito. “Ito naman, masyadong magagalitin! Boring mo!” “Boring-boring ka diyan! Pumaparis ka sa mga bagets mong pinsan na kung anu-ano ang mga sinasabi kahit hindi naman related!” Muli itong tumawa. “Sumunod ka na lang dahil selfie generation na ngayon!” Humalakhak ito nang malakas bago siya muling hinarap at saka tinapik sa braso. “Ayusin mo na ang mukha mo. Nakakahiya naman kay Cliff, sa’yo na pala siya nakatingin ngayon.” Mabilis na lumipad ang mga mata niya pabalik sa lalaki. Tama si Chikki. Nakatingin nga sa kaniya si Cliff. But a certain distaste was clearly seen in his handsome face. Daig pa nito ang nakakita ng matandang kineketong ang ilong at malapit nang maubos. Nakakunot ang noo nito at nakasimangot ang mga labi. Hindi madaling hulaang hindi ito nasisiyahan na nakita siya. “HELLO, Cliff!” tawag ni Chikki sa lalaki. Isang alanganing ngiti ang isinukli nito kasunod ng isang marahang pagtango. ”Kumusta?” “Ayos lang. Ikaw?” This time ay sa kaniya na ito nakatingin pero katulad nang inaasahan, mabilis nitong inalis ang mata sa kaniya. “Ayos din. Ayos din pati itong si Orange.” Bumaling ito sa kaniya. “Di ba, Beshie?” Napilitan siyang tumango. Ang hindi niya nagawang pigilan ay ang kaniyang pagsinok. Ganoon kasi siya sa tuwing kinakabahan. “Talaga? Bakit mukhang hindi?” “Huh?” He grinned. ‘Yung tipo ng pagkakangisi na talagang may ibig ipakahulugan. “Ang ibig kong sabihin, bakit mukhang hindi ka naman okay? Kulay labanos ang mga labi mo eh.” Malakas itong tumawa pagkatapos. Agad na namula ang mga pisngi niya. Awtomatikong nahaplos niya ang mukha saka napatingin kay Chikki. “Mukha nga bang labanos, Beshie?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Errr…” “What?” Nang tumango si Chikki ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na coke sa bumbunan. Mabilis siyang nag-excuse kay Clifford at malalaki ang hakbang na tumalilis. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kapag nakikita ko ang crush ko ay nagkakaganoon ako? Akala ko ay biro lang iyon sa akin ng mga kaibigan ko kapag naglolokohan kami pero totoo pala. Naniniwala na ako dahil kay Cliff mismo iyon nanggaling. Meaning, hindi iyon chika. Nakakahiyang hindi iyon chika for Pedro’s sake huhuhu…   “NAKITA mo ba ‘yung nail polish ko, Hanna?” tanong ni Marsha sa kapatid. Ang dalawang bruha ang mga anak ni Tiya Rosa sa una nitong asawa. “Hindi. Baka nakita ni Mama.” “Nakita ko nga,” tugon ni Tiya Rosa. “Kinuha ni Angge.” Nanlaki ang mga mata ni Orange sa tinatakbo ng usapan ng mag-iina. Nang lingunin niya ang panganay na anak ng madrasta na si Marsha ay bigla siyang sinagilahan ng takot. Nanlilisik ang mga mata nito at tila agilang handang manila ano mang oras. “Wala akong kinukuha, Tiyang—” Iyon pa lang ang nasasabi niya ay madali nang nakahakbang palapit si Marsha at nahablot na nito ang kaniyang buhok. “Impakta ka talagang Angge ka! Ano ang karapatan mong galawin ang mga gamit ko?!” “Wala akong ginaga–” “Wala pala ha!” Mariin nitong hinawakan ang kaniyang buhok at ipinagwagwagan iyon nang paulit-ulit. Bilang depensa ay tinangka niyang itulak ang dalaga pero maagap siyang nahawakan ni Hanna sa mga kamay. Inilagay nito sa kaniyang likuran ang mga iyon at mariing pinagsalikop habang patuloy sa pag-atake sa kaniya si Marsha. Wala na siyang ibang paraan kundi ang manipa pero maging iyon ay imposible na rin dahil nakita niyang umuusok ang ilong sa galit ng papalapit na si Tiya Rosa. Wala siyang nagawa kundi ang mapapikit na lang nang mapagtulung-tulungan siya ng mag-iina. Isinumpa niya sa sarili nang mismong oras na iyon na hindi siya iiyak. Hinding-hindi. Kalmot, sabunot at hampas ang inabot niya sa tatlo—dahil lang sa isang nail polish na mismong tatay niya ang bumili. “Anak, may tindang mga gamit-pambabae si Aling Tonyang kanina. Nakita kong may panlinis ng kuko kaya binilhan na kita. Kunin mo na lang sa ibabaw ng ref.” Iyon ang linyang natatandaan kong binitiwan ni Tatay. Pagtalikod niya ay dali-dali akong pumunta ng kusina para kunin ang sinasabi niya pero nagulat ako nang makitang hawak iyon ni Marsha. “Nariyan ka pala Marsha,” sabi ko. “Iyan yata ‘yung binili ni Tatay kay Aling Tonyang, kunin ko raw,” dugtong ko pa sabay abot sa supot niyang hawak pero sa halip na ibigay ay inilayo pa iyon ni Marsha sa akin. “Type ko ang shade, arbor na lang ito.” Mabilis nitong ibinulsa ang supot. Natural ay hinabol ko siya. Hinagip ko ang isa niyang braso na agad niyang iwinaksi bago ako hinarap. “Ano? May angal ka? Baka gusto mong isumbong kita kay Mama? Ano?” “Pero akin kasi iyan, Marsha–” “Ano ngayon? Tinatanong ko ba? Ang sabi ko, type ko kaya akin na lang!” “Pero bigay nga ‘yan sa akin ng Tatay!” “Puwes, tatay ko na rin ngayon ang ipinagmamalaki mong tatay, gaga!” Mabilis niya akong itinulak kaya nagawa niyang makalayo. Wala akong nagawa kundi ang mainis. Bakit ganoon? Sila pa itong malalakas ang loob samantalang ako naman ang legal na anak. Sila pa ang may ganang manakit habang ako itong agrabyado sa lahat ng aspeto. Umiyak ako nang gabing iyon. Labis-labis ang sakit ng dibdib ko sa mga nangyari. Hindi dahil sa nail polish. Hindi rin dahil sa masasakit na kalmot, namamanhid na anit at mukha kong binugbog ng mag-iina kundi dahil alam kong higit pa roon ang totoong naagaw sa akin—sa aming magkakapatid. Hindi na sa amin iikot ang mundo ni Tatay ngayon. Nariyan na si Tiya Rosa at ang mga anak nito. Kaya wala na siguro akong ibang pagpipilian kundi ang lakasan ang aking loob para sa araw-araw kong pakikipagtunggali sa kanila para sa atensiyon ng aking ama.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD