Chapter 2

1458 Words
NAKAKATATLONG buntong-hininga na si Orange pero hindi pa rin niya magawang i-relax ang sarili. Clifford was just a few meters away from him. Matapos ang huling klase ay nakita niya itong naglalakad sa hallway ng building na kinaroroonan niya kaya naman hindi siya nag-aksaya ng oras upang sundan ito. Simpleng uniporme lang naman ng eskuwelahan ang suot nito. Maging ang sapatos nito ay ordinaryo pero hindi niya magawang alisin ang tingin niya rito. Sa halip na sa kabilang building ang destinasyon ay doon siya dinala ng mga paa. Simple. Dahil naroon si Cliff. Si Cliff na laman ng isip niya. Si Cliff na wala nang ibang ginawa kundi ang um-extra sa panaginip niya sa gabi-gabi. Si Cliff na siyang dahilan ng kabi-kabila niyang pimples ngayon. “Alam mo, kung ako sa’yo, liligawan ko si Clifford.” Malakas na tawanan ang nalingunan niya. Naroon si Divina, ang muse ng team na kinabibilangan ni Clifford – kasama ng mga kaibigan nitong marahil ay kauri nito ng dugo. “Ikaw man ang makakita ng ganyang kaguwapong lalaki, ewan na lang kung hindi humalo sa hangin ang kahinhinan mo!” Si Darlene naman iyon, ang pinakamalapit kay Divina sa grupo. “Guwapo na kung guwapo, pero sa totoo lang, cheap pa ring matatawag kung ganyang susunod-sunod ka sa boylet, hindi ba? Ako, never ko ‘yang gagawin!” Humakbang siya para lampasan ang grupo ni Divina kahit pa nga nangangahulugan iyon na hindi na niya magagawang pagmasdan si Clifford. Ano naman ang magagawa niya? Kaysa naman nasisilayan nga niya ang lalaki pero samu’t saring mga parinig naman ang inaabot niya sa mga ito. “O, saan ka pupunta?” maarteng tanong ni Racy, isa pa ring kampon ng kulto. “Paraanin niyo ko, please,” aniya sabay hakbang pero muli siyang hinarang ng mga ito. “Ayoko ng gulo, Divina. Hindi ako papatol sa inyo.” Isang nakakainsultong tawanan ang pumailanlang sa ere. “Hindi ka papatol sa akin? Did I hear you right, Angge? Ikaw pa ang hindi papatol sa amin?” Isa pa ang bagay na iyon sa ikinaiinis niya. Palibhasa at kaibigan rin ng mga ito si Marsha ay nakiki-Angge rin ang mga ito, bagay na ikinakukulo ng dugo niya. Ang tiyahin lang naman niyang sira-ulo ang nagsimula ng ganoong klaseng panunukso sa kaniya at nang lumaon ay pinarisan na ng mga bruha niyang pekeng kapatid. “Call me Anastacia but never that name. Hindi iyan ang pangalan ko,” malamig niyang tugon. “Choosy ka pa! Tatawagin ka namin sa kung anong pangalan ang gusto namin! ‘Di ba, girls?” Koro na naman ang mga ito. “Ano ba ang atraso ko sa inyo?” Itinaas niya ang mukha saka nakipagtitigan kay Divina. “Sa akin, wala pero sa kaibigan naming si Marsha, meron.” “Wala akong atraso sa kahit sino lalo na sa kaibigan ninyo. Baka nga siya pa ang maraming atraso sa akin.” “Wala? Hindi ba atrasong maituturing ang pang-aagaw mo kay Armando? At si Luke, hindi ba pang-aakit ang ginawa mo sa kaniya? Hindi ba at nababalitang tulad ni Armando ay may interes din siya kay Marsha? Paanong sa’yo siya nanligaw at hindi sa kaibigan namin?” Sinikap niyang mapahalakhak sa narinig. Kung gayon ay iyon pala ang ipinagpuputok ng butse ng mga ito. Si Armando? Si Luke? “Kung gusto ninyo, kausapin niyo pa ang mga lalaking iyan para malaman ninyo ang dahilan kung bakit ako at hindi si Marsha ang niligawan nila.” “Ang yabang!” Napapailing pa ang mga ito na tila iritang-irita sa mga sinasabi niya. “Sa inyo na rin nanggaling na sa akin at hindi kay Marsha nanligaw ang mga lalaking iyan. Ano ang problema ninyo?” “Gaga ka palang talaga eh ‘no! Nanligaw si Armando sa’yo dahil nagbait-baitan ka sa kaniya! Nagkunwari kang inaapi nina Hanna at Marsha kaya sa’yo napunta ang simpatya niya! Itong si Luke naman ay nagpaakit sa inosente mong hitsura kuno kaya nagawa niyang umatras sa sinimulan niyang panliligaw sa kaibigan namin at sa’yo niya itinuloy ang pagdiga niya! Ngayon, sabihin mo nga kung paanong nangyari iyon na ang dalawang lalaking may gusto sa kaibigan namin ay halos magkapanabay pang napunta sa’yo!” “Kung may IQ kayo na hindi expired, dapat ay naunawaan ninyong hindi talaga si Marsha ang gusto ng dalawang iyon. Hindi nila kahit minsan tinangkang ligawan ang kaibigan niyo. In short, pantasya lang ni Marsha ang lahat. Bagay na bagay, hindi ba? Marsha pantasya! Dahil wala naman siyang ginawa kundi mangarap nang gising at gumawa ng kuwento para mapasama ang ibang tao!” Hindi niya inaasahan ang ginawang paghablot ni Darlene sa buhok niya kaya nawalan siya ng panimbang. Nang maalis niya ang ulo sa pagkakasabunot nito ay maliksi niyang inilayo ang sarili. Alam niyang dudumugin siya ng tatlo kaya mabilis siyang nagtatakbo palayo sa mga ito. Walang lingon niyang tinungo ang hagdan upang makalayo sa lugar na iyon pero dala ng pagmamadali ay nawalan siya ng balanse kung kailan nasa bandang itaas pa siya ng mataas na hagdan ng building. Marahil ay tuluy-tuloy siyang lumanding pababa ng hagdan kung hindi siya bumangga sa isang malaking katawan ng isang kapwa estudyante.   NANG magmulat ng mga mata ay natagpuan ni Orange ang sarili na nakikipagtitigan sa magagandang mga mata ng lalaking kaharap. Kung hindi pa niya narinig ang komosyon sa kaniyang likuran ay hindi siya matatauhan. Agad niyang nilingon ang pinanggalingan. Natanaw niya ang humahangos na sina Darlene, Divina at Racy. Galit na galit ang mga ito at tila mga asong lobo na handang lumapa ng tao. Gayunman ay malayo pa ang mga ito kaya nagawa pa niyang humingi ng saklolo sa lalaking kaharap. “Itago mo ‘ko!” aniya sabay hablot sa kuwelyo ng suot nitong polo. “Huh? Sino ang mga iyan?” tanong nitong tila biglang nalito. Ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya ay agad na sumunod sa direksiyong kaniyang tinitingnan. “Huwag ka nang magtanong! Basta itago mo ‘ko!” “Bakit ka ba nila hinahabol? “Basta itago mo ‘ko!” “Wait!” Hindi na niya nagawang makipagtalo sa lalaki dahil narinig na niya ang papalapit na yabag ng mga paa ng mga humahabol sa kaniya. Wala siyang aasahan sa lalaking ito. Kailangan niyang makalayo, kung hindi ay manghihiram siya ng mukha sa askal maya-maya lang. May report pa naman siya sa Math bukas. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya kung magpapahuli siya sa kulto ni Divina? Dahil doon ay mabilis siyang nagpasyang tumalilis pero hindi pa man siya nakalalayo ay may humaklit na sa kaniyang braso. Nang lumingon siya ay napasubsob siya sa dibdib ng estrangherong lalaki. Ang mga sumunod na pangyayari ay gumulat sa kaniya.   “WHAT do you want?” malakas na tanong ng lalaki sa mga humahangos na bagong dating. “Huwag kang makialam dito. Ibigay mo sa amin ang babaeng iyan!” ani Divina pero ni hindi natinag ang lalaki. Sa halip ay kinabig pa siya nito palapit. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa ginawa nito. “Bakit ko iyon gagawin? Alam kong sasaktan niyo siya.” “Wala ka nang pakialam kung saktan man namin siya, Carlo! Huwag mo na siyang ipagtanggol dahil hindi mo alam ang pinaggagagawa ng babaeng iyan!” That was Darlene. Nakapagtatakang nagtu-twinkle ang mga mata nito sa kabila ng paghahabol ng hininga. “I told you, I’m not gonna let her deal with you. Look at yourselves, mukhang handa kayong pumatay ng tao. What do you want?” Napamaang siya sa pag-alsa ng boses ng lalaking ang pangalan pala ay Carlo. Hindi niya maintindihan kung ano ang kakaibang uri ng damdaming bumabangon sa dibdib niya sa mga sandaling iyon. “Siya ang kailangan namin dahil may atraso pa siya sa amin so please, huwag ka nang makialam dito!” “Hindi ko siya ibibigay sa inyo kahit ano pa ang sabihin ninyo so leave us now, please.” Nagkatinginan ang tatlong babae. Bakas sa anyo ng mga ito ang pagtataka. “Kilala mo ba siya at ganyan na lang ang pagtatanggol mo sa kaniya?” Carlo glanced at her but the moment he did, she felt something squeezed her heart. ‘Huh? Ano iyon?’ “But of course.” Napatanga siya sa naging tugon nito. Siya, kilala ni Carlo? Ngayon nga lang niya nakita ang lalaking ito. Paano siya nitong nakilala? “She’s Anastacia del Mar,” he said and looked at her again then continued, “ang babaeng nililigawan ko. Tila iisang tinig na nag-echo sa kabuuan ng pasilyo ang bulalas ng tatlong dalagang hindi makapaniwala sa narinig. “Nililigawan? Paanong nangyari iyon? Hindi ba at transferee ka dito sa university?” Sinikap niyang pigilan ang pagtawa sa nakitang pagkagimbal sa anyo ni Darlene. Daig pa nito ang binagsakan ng langit at lupa sa pagkatigagal. Ang ningning ng mga mata nito kanina lang ay agad na naglaho at napalitan ng matinding gulat at iritasyon. “Yap but I’ve met her the very first day I stepped my foot here. I told her I like her and I want her to be my girl.” Napasinghap si Darlene gayundin si Divina. “You like this girl, Carlo? Hindi mo ba alam na gusto ka rin ni Marsha?” Lumipad ang tingin niya sa nagtanong na si Racy. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya. “Marsha? Your friend?” “Yes!” halos magkakapanabay na sagot ng tatlo. “I see.” “You see? Step sister lang naman ni Marsha ang babaeng iyan, Carlo!” ‘Holy cow! Ano na naman ang nasuong mong gulo, Anastacia!’  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD