NAPABANGON mula sa pagkakahiga si Anastacia habang hawak ang sikmura. Pakiramdam niya ay may kung anong iniaakyat sa lalamunan niya na hindi niya magawang ilabas. Nang imulat niya ang namamagang mga mata ay sumalubong sa kaniyang paningin ang bulto ng isang lalaking nakangiti sa kaniya—si Carlo. Inilibot niya ang paningin sa paligid at noon niya bumalik sa isip niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi. “Tasha, are you all right?” nag-aalala nitong tanong. Sasagot sana siya pero muli ay may kung anong mapait na umakyat mula sa sikmura niya papanhik sa kaniyang lalamunan. Natakpan niya ang sariling bibig kasabay ng pagpipigil. Si Carlo naman ay madaling dumalo sa kaniya. Inalalayan siya nitong makatayo at saka iginiya sa banyo. Nang makapasok doon ay saka niya inilabas ang kung anong nagpa

