“TAMA na nga ‘yan! Matulog na tayo!” Pilit na itinatayo ni Chikki si Orange pero iwinaksi lang niya ang kamay nito. Tinungga niya ang laman ng bote ng beer na hawak. “O-okay lang ako, B-Beshie,” pupungas-pungas ang mga matang sabi niya. “Gusto ko lang i-experience ito. Tama sina Mia at Meg...n-napakainosente ko nga, hindi man...na...n-napakatanga.” “Huwag mong sabihin iyan, ano ka ba! Pagkatapos ng isang bote na iyan ay tama na at sasabunutan na kitang talaga, Anastacia! Halos naubos mo na ang beer ni Tito ah!” “Okay, p-apalitan ko…b-bukas!” “No, no! Hindi naman iyon eh! Ang bata-bata mo pa, naglalasing ka na! Tama na, please!” “Isa na lang, promise!” Akma na niyang tutunggain ang huling laman ng bote nang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan silang magkaibigan. “B-bumalik ba sila?”

