Chapter 15

1370 Words

“TAMA na, Orange! Baka malasing ka! Bawal pa ‘yan sa’yo!” pigil ni Mia habang kinakausap niya ang waiter. Naubos na niya ang isinilbi nitong inumin kaya humingi pa siya ng dalawa pa. Nang maubos ulit iyon ay tinawag niyang muli ang lalaki para umorder pero pigil-pigil siya ng mga kasama sa magkabilang kamay. “Hindi ako malalasing, ano ba kayo? Gusto ko lang mag-enjoy! Ang saya-saya kaya!” Alam niya, sa paraan ng kanyang pagsasalita ay talagang lasing na siya. Pakiwari niya ay nangangapal ang kanyang mukha, leeg at dila. Hindi niya magawang magsalita nang diretso at maging ang kanyang paningin ay malikot na rin. “Nagkakaganyan ka ba dahil lang kay Carlo? Tumigil ka nga, Anastacia! He’s not worth it!” sita ni Chikki. Si Meg naman ay palihim na itinaboy ang waiter. “Hindi ah!” tanggi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD