Chapter 14

1616 Words

“ANO ba naman ang problema kung sakali mang magpunta tayo sa ganoong lugar?” tanong ni Meg, ang mga mata ay partikular na nakatutok kay Anastacia. “Hindi ako puwede diyan. Ayoko,” aniya bilang sagot sa pagyaya nitong pumasok sila sa James and Jones, isang disco bar na malapit sa kinaroroonan nilang kainan. “Bakit naman? Hindi mo pa nga nasusubukan, ayaw mo na!” Si Chikki. “Basta ayoko!” matigas niyang tanggi. Kahit paano, kahit hindi normal ang ‘pekeng pag-aasawa’ nila ni Carlo ay iginagalang naman niya ito. Ano na lang ang sasabihin ng lalaki oras na malaman nitong nagpupunta siya sa ganoong lugar? Hindi ba at nagkaintindihan na sila nito na kikilos nang ayon sa tama at ayon sa situwasyong gusto nilang ipapaniwala sa mga tao? Natural lang na ikonsidera niya ang kapakanan nito. “Ano ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD