Chapter 13

1093 Words

“NILUTO ko talaga iyan para sa’yo, Carlo! Alam mo kasi, ang saya-saya ko ngayong araw na ito!” nakangiti pang saad ni Anastacia habang inihahain ang hapunan nila nang gabing iyon – nilagang baka na may sawsawang toyomansing nilagyan ng sili. “Talaga? Bakit naman?” nakangiti rin niyang sabi habang inaayos ang mga pinggan at basong gagamitin nila. Ganoon ang setup nila. Magkaiba lang sila ng tulugan at paliguan pero iisa ang kanilang kusina at iyon ay sa tinutuluyan niya mismo. Wala silang usapan kung sino ang magluluto pero dahil sa kaniya nanggagaling ang panggastos ay nagkukusa nang palaging magluto ang dalaga kahit pa nga ipinipilit niyang kaya rin naman niyang gawin ang bagay na iyon. “Hoy, ano ang ginagawa mo?” tanong ni Anastacia nang makitang naghahanda siya ng mga gagamitin para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD