“KAWAWA naman ang iba diyan. Nagpupumilit makisali sa relasyon nang may relasyon.” Napapikit sa labis na inis si Anastacia. Dating gawi. Naroon na naman ang grupo ni Marsha at pinagdidiskitahan na naman siya. Kung bakit kasi hindi niya agad napansin ang paglapit ng mga ito. Abala siya sa pagbabasa ng libro, tuloy ay na-corner siya ng mga bruha at ngayon ay iginigisang mag-isa. “Naman! Ano ba naman ang aayawan mo kay Carlo? Guwapo na, matangkad at matalino pa.” “Pero kahit na! Kung may dyowa na ang boylet, dapat ay hindi na sinusulot, hindi ba girls?” “Ano ang magagawa mo kung hobby ‘yun ng ibang tao diyan?” ani Marsha na mariin ang paraan ng pagsasalita. Hindi man niya iangat ang paningin mula sa binabasang libro ay alam niyang sa kaniya lang at wala nang iba patungkol lahat ng mga iy

