Chapter 11

1837 Words
“PAMBIHIRA naman, Tasha! Kausapin mo naman ako!” ani Carlo habang nagmamadali sa paglalakad para umagapay sa kaniya. He gripped her one arm and stopped her from walking. “Sandali naman!” “What?” kunwa’y balewalang tanong niya gayong si Carlo ay kunot na kunot ang noo. “Alam kong mali ako, hindi ko nasabi ang tungkol kay Portia—sorry!” “Okay!” Muli siyang nagmadali sa paglalakad. “Anong okay?” “Okay na! Ayos! Apir!” Nag-high five siya rito pero sa halip na tugunin ay hinawakan iyon ni Carlo at saka seryosong tumitig sa kaniya. “Alam kong galit ka. Don’t be, okay. Ikukuwento ko naman talaga ang tungkol kay Portia, iyon nga lang—” “Iyon nga lang at kailangang sa mga kaibigan mo pa manggaling iyon?” Binawi niya ang kamay mula rito at saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya maintindihan ang sarili sa emosyong agad na lumukob sa kaniya. Ganoon ba siya kay Cliff noon? “Hindi ako nagkaroon ng panahon. Masyado kang busy. Marami kang problema and besides, I didn’t think it was necessary.” “May girlfriend ka pala pero pumayag kang makituloy ako sa iyo!” Huminto siya at saka ito hinarap. “Tell me, Carlo, kung sinabi ko ba sa iyong doon ako titira sa bahay mo, papayag ka ba? May karapatan ka bang gawin iyon gayong may girlfriend ka na pala?” “Nagkausap na kami ni Portia bago pa tayo mag…tanan.” “What?” iritado niyang sabi. “So she knew everything about us?” “I had to tell her.” “Natural! Girlfriend mo nga iyong tao eh. And come to think of it, bakit naman siya pumayag nang ganoon? Ibang klase palang babae iyang nobya mo!” Napailing si Carlo habang tila hindi alam ang gagawin. Naroong tumaas ang mga kamay nito sa batok, sa mukha at sa ulo. “Tasha, si Portia ang una kong naging kaibigan dito sa university. She has been nice to me all this time. Kaklase ko rin siya in most of my subjects. Parang buddy, ganoon.” “Mayroon bang ganoon?” “Of course!” “Have you already kissed her?” nahihiya man ay sinikap niyang itanong dito. Agad na napayuko ang lalaki, naging mailap ang mga mata nito sa kaniya. “Tasha naman…” “Naakbayan mo na rin siya?” “Why do you have to know?” “Nai…” Bahagya siyang nag-buckle sa puntong iyon pero hindi niya pinansin ang sarili. Diretso siyang tumingin sa mga mata nito. “Naiano mo na siya?” “Naiano?” “Ano…iyon!” asik niya rito. Lalo siya nang nainis na sa halip na sumeryoso ay tatawa-tawa siyang hinarap ni Carlo. “Baby girl, diretsuhin mo ang tanong mo kung gusto mong magkaintindihan tayo,” tudyo nito sabay pisil sa kaniyang baba. “Ewan ko sa’yo!” Pumiksi siya at muling humakbang palayo rito pero muling umagapay ang lalaki. “Tasha, don’t fuss over this petty issue, okay.” “Bakit ganoon?” aniyang muling napahinto.” Hindi ko maintindihan kayong mga lalaki eh. Ang gulo ha!” Dinuro niya ito at napaatras ang ulo ni Carlo dahil doon. “Sinusundan-sundan mo ako noon, ‘di ba? Ang sabi mo, gusto mo ‘ko. You wanted to know me more. Nang mga sandaling iyon pala ay may Portia ka na?” “Tasha…” “Hep! Hindi pa ‘ko tapos!” aniyang nakataas pa ang isang palad dito. “Nang nangailangan ako ng tulong, walang sabi-sabing pinagbigyan mo ‘ko agad. Alam mo mula simula na palilitawin nating nagtanan tayo, hindi ba? Paanong—” “Seryoso ako nang sinabi ko sa’yong handa akong gawin lahat para makilala ka. Totoo rin sa loob ko ang mga pagsunud-sunod sa’yo noon—” “Pero may nobya ka!” “Oo nga! I mean—” “Kita mo na! Grabe!” Itinaas niya ang mga kamay sa sobrang inis, hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Grabe talaga!” bulalas niyang hindi makapaniwala. “Lalaki ako kaya natural lang iyon sa akin! Tasha naman, please understand.” Saglit siyang natahimik upang unawain ang sinabi nito. Tila echo na nagpaulit-ulit sa isip niya ang narinig. “Tasha…” “Ano’ng sinabi mo?” “Na lalaki ako?” Sumulyap siya rito. “Na natural lang iyon…sa mga lalaki…” “O?” “What do you mean by that?” Nilingon niya ito. “Paano ko bang ipaliliwanag?” Napatingala muna ito sa langit bago muling tumingin sa kaniya. “Ang lalaki kasi, mapagmahal talaga. Mahal namin kayong mga babae…ganoon.” “Pero hindi exclusive?” “Sort of.” “So you mean, what you have with Portia is something like…non exclusive relationship? Na kahit kayo…puwede ka pa ring makipag-date sa iba, ganoon?” Nagkibit ito ng balikat. Napaawang ang mga labi niya, hindi pa rin makapaniwala. “Puwede pala iyon?” “Oo naman. Pero hindi ibig sabihin na meron kami ni Portia ay hindi na ako seryoso sa iyo. I really like you, Tasha. Gusto kitang higit pang makilala…gusto kitang alagaan at—” “Shut up! Hindi ako inutil, ‘no! Bata lang ako pero hindi ako baldado! Kaya kong alagaan ang sarili ko!” asik niya. Tila bigla siyang natauhan nang ma-realize ang ibig nitong sabihin. Napakasimple. Carlo wanted to have her and Portia at the same time. Akala pa naman niya hindi ito tulad ng ibang lalaki. Mali pala siya. Gaya rin ng iba si Carlo, kaya hindi pa rin siya dapat magtiwala agad dito. Malay ba niya kung nag-iisip pala ito ng masama laban sa kaniya? “You know that’s not what I meant by that.” “Yeah, right!” She looked at him and smiled. ‘The nerve! Impakto ka. Walanghiya! Halimaw sa banga!’ Agad siyang napaisip sa mga itinatakbo ng utak niya.‘Ano naman sa akin kung may Portia siya? No, hindi ako affected!’ “Hey!” “Ano?!” muli niyang singhal sa lalaki. “Ang sabi ko, okay na ba tayo? Hindi ka na galit?” Inayos niya ang sarili. “Hindi naman ako talaga galit,” aniya. Baka isipin pa nitong nagseselos siya. ‘ E totoo naman!’ “Shut up!” “Ha?” Hindi niya napansing naisatinig pala niya ang nasa isip kaya agad niyang dinepensahan ang sarili.  “Ang ibig kong sabihin ay umuwi na tayo. Malamok na rito at baka ma-denggoy mo pa ‘ko este ma-dengue pa tayong dalawa!” Sinikap niyang ngumiti rito kahit alam niyang hindi naman iyon umabot sa kaniyang mga mata. “Let’s go!” Umabrisiyete na siya kay Carlo at umagapay na sa paglalakad nito.   HINDI maialis ni Carlo ang paningin sa bintana ng bahay na tinutuluyan ni Anastacia. Matapos maligo ay pumuwesto siya sa pasimano ng bintana ng bahay na inuupahan niya at tulad nang dating ginagawa ay tinanaw niya ang kabilang bahay. Buhay pa ang ilaw sa silid ng dalaga kaya alam niyang gising pa ito, kaiba sa mga unang gabi na alas-otso pa lang ay madilim na sa tinutuluyan nito. Napailing siya sa sarili. Bakit ganito ang pakiramdam niya? Bakit parang may guilt na nagsusumiksik sa isip niya sa nangyari kanina? Alam niyang nasaktan niya si Anastacia at hindi niya alam kung ano ngayon ang nasa isip nito patungkol sa kaniya. Portia was a good friend. Ito ang una niyang naging kaibigan sa unibersidad na iyon nang bagong salta pa siya. She introduced him to her friends and even to her family. Lalaki siya at alam niyang may pagtingin sa kaniya si Portia at hindi naman iilang beses niyang sinabi ritong hanggang pagtinging-kaibigan lang ang kaya niyang ibalik. Ang kaso ay napakabuting tao nito. She was too good to be true. Araw-araw ay may natutuklasan siyang mabuting katangian nito at napapantastikuhan siya sa mga iyon. Until one day, she told him she would die without him. Ang sabi nito ay mahal na mahal na siya nito at hindi nito magagawang kalimutan siya. Dahil naaawa siya sa dalaga at wala naman siyang commitment ay tinanggap na niya ang kapalaran na maging nobyo nito. Idagdag pang may suicidal tendency si Portia at minsan na niya iyong nasaksihan nang mag-away ito ang kapatid nitong nakatatanda. Naglaslas ito ng pulso at laking pasalamat ng pamilya nito na agad itong nasaklolohan. Kung hindi, marahil ay may nangyari nang masama kay Portia. Mula noon ay hindi na niya tinangkang talikuran ang dalaga. Lagi na niyang ibinabahagi rito ang bawat update sa buhay niya lalo pa ang bagay na may kinalaman sa kaniyang mga magulang. Mas higit silang naging close nito. Naging smooth din ang relasyon nila at tulad ng ibang nagmamahalan ay dumarating din sila ni Portia sa mga sensuwal na tagpo. No big deal in his end. Siya itong lalaki at siya pa ba ang tatanggi kay Portia? Katwiran naman niya ay wala siyang girlfriend. Until he met Anastacia. Si Anastacia na marahil ang pinakakakaibang babaeng nakilala niya sa buong buhay niya. Itataya niya ang isang buwang suweldo niya sa talyer na napakabusilak ng puso nito. Perhaps, that was because she was still young…so innocent and pure. It was true when he said he wanted to know her. Iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Totoo ring may pagtingin siya rito. Hindi nga lang niya kayang bigyan ng pangalan ang pagtinging iyon sa ngayon dahil lubha pang maaga. Saglit pa lang nilang nakikilala ang isa’t-isa kaya hindi niya ibig magmadali. Laking pagkabigla niya nang isang araw ay sabihin nitong kailangan nitong lumayas sa poder ng ama. Hindi iilang beses na niyang narinig ang pagmamalupit dito ng magkapatid na Marsha at Hanna pero hindi niya alam na maging ang ina pala ng mga ito ay ganoon din ang turing sa dalaga. Gusto sana niyang pagpayuhan ito kaya parati niya itong sinusundan noon pero iba ang napala niya sa kaniyang ginawa. Nabigla man ay umayon na lang siya nang yayain ni Anastacia ng ‘tanan.’ Hindi na siya nakaalma nang maglahad ito ng plano. Lalong hindi niya kayang biguin ang dalaga, lalo pa at nagniningning ang mga mata nito nang sabihing sasama na sa kaniya. Buong araw ay ito lang ang inisip niya noon. Sinisikap niyang pangibabawin ang desisyon na tanggihan ito dahil hindi tama ang iniisip nito. Lubha pa itong bata kaya nagagawa nitong gawin ang mga bagay nang hindi nag-iisip. Pero siya, nasa edad na siya kaya dapat lang na siya ang magmulat dito ng mga posibleng komplikasyon ng mga gagawin nila. Everything was set. Kabisado na niya ang dialogue niya at handa na sana siyang sabihin sa dalaga ang pagtanggi nang tumawag ito pero laking katangahan niya nang iba ang kaniyang itinugon sa tawag ni Anastacia. Sa halip na sabihing hindi tutuloy ay tinudyo pa niya ito ng kung anu-ano at sa huli ay ipinangakong darating siya sa oras ng ‘tanan’nila. Alas siyete…alas-otso…alas-nueve…hanggang sumapit ang takdang oras ay hindi pa rin siya makapagdesisyon nang matino. Nahahati ang isip niya sa pagitan ng tama at ng kakaibang damdaming nasasaloob niya para kay Anastacia. Nang tumuntong ang alas-onse ay saka lang niya natanggap na hindi niya kayang kalabanin ang nararamdaman niya para rito. He hurriedly went to their house and eloped with her. Gayuman, hanggang sa mga huling sandali ng katinuan niya ay napangibabaw niya ang tamang pag-iisip. Sinabi niya sa dalaga ang mga konsekuwensiya ng mga gusto nitong gawin at laking pasalamat niya nang nailiko niya ang desisyon nito. Napadiretso siya sa pagkakaupo sa pasimano nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dumukwang siya upang abutin iyon sa ibabaw ng mesa. Binuksan niya iyon at saka niya binasa. ‘Hoy, ano ang itinitingin-tingin mo diyan?’ Si Anastacia. Napangiti siya. Agad na nag-type ng message at saka ipinadala rito.‘Huwag mo nang isipin iyong kanina. Wala iyon.’ ‘Excuse me! Di ko iniisip iyon, dong!’ Muli siyang napangiti. ‘Huwag kang selosa, okay. Alam mo namang ikaw ang true love ko.” ‘Tse! Ano kami, test? May true or false ka pa diyan!’ ‘Smile na. Sleep ka na, baby girl. Think of me, ok.’ Nag-insert siya ng kiss icon at saka pinindot ang Send button. Nang muli siyang tumingin sa kabilang bahay ay nakita niyang madilim na ang kabuuan niyon. Hindi niya alam kung para saan ang nahigit niyang malalim na paghinga kasunod ng tila panghihinayang sa kalooban niya.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD