Tumulo ang luha ni tan tan sa narinig nya kay manong tikong , hinamas ko sya sa likod at sabi wag syang mag alala maililigtas namin ang lolo nya .
sabi ni manong tiko ,sa araw ng biyernes magdala daw kame ng buhay na manok at isang bote alak , alay daw yun sa duwende para matawad nya ang lolo ni tan tan , dapat daw bago mag alas dose nandun na kame sa may taniman at aantayin nya daw kame para isagawa ang ritwal ,.. Dumating gabi ng Biyernes .
' tan ! dala mo ba ang manok? '
" Oo ! eh yung alak nakabili kaba ? "
' Oo , ito oh ! nauto ko si Manong sa tindahan! hahahaha alam mo namn wala pa tayo sa tamang Edad para makabili ng alak '
" Oo nga eh ! buti ka bili ka ! tara na baka nandun na si Manong tikong "
Nakarating kame sa taniman nila tan -tan nakita namin si manong tiko sa di kala yuan , inaatay nya kame ng mai abot namin mga kailangan nya , nagsimula na sya sa pag usal ng dasal na hindi namin maintindihan !
' Eman lasing ba yan si Manong tiko ? iba kasi salita ang ginagamit nya hehehe'
( pabulong na sabi ni tan - tan )
" siraulo ! ( natawa ako sa sinabi ni tan tan)
"' TAHIMIK!!! "'
Tumahimik kame sa pag puna sa amin ni manong tiko , maya maya kinuha nya ang balisong at ginilitan ang manok na ibinuhos sa lupa , kasunod nito ang alak
maya -maya pa tumayo na si manong tiko mula sa pag luhod .
' Hmhmhmhmmmmm.... mga bata , makinig kayo ! Ang duwende na Nagambala ng lolo ni tantan ay hindi tinanggap ang alay natin ! galit na galit ito ! '
" A-Ano po ? ayaw nya tanggapin? pano po si lolo ?! "
"' teka po manong tiko ! may iba po bang paraan?? "'
' meron Eman pero kayo lang ang makaka gawa nito '
"' Ano po iyon ?? " ( sabay naming tanong ni tan -tan )
Pinaliwanag sa amin ni manong tiko ang gagawin namin , kailangan namin maiwan dun at magdasal hanggang umaga . kahit ano daw ang makita at marinig namin wag na wag kame matatakot lalo na aalis sa puwesto namin ,pinalibutan ni manong tiko ng asin ang kinauupaan namin na pabilog ! sabi ni manong tiko wag daw kame aalis dun para ligtas kame hanggang sumikat ang umaga .