CHAPTER 12

486 Words
umalis na si manong tiko at kame na lang ni tan-tan ang naiwan , katulad ng bilin ni manong tiko ,yun ang ginawa namin . ' Eman ,uma -alulong ang mga aso !!! ' " ssshhhh ! wag kang matatakot ! diba sabi ni manong tiko hindi tayo magagalaw ng mga masasamang elimento ! " ( natatakot din ako pero hindi ako nagpahalata baka kasi hindi namin matapos to at tuluyan mamatay ang lolo ni tan-tan ) ' c-cge bro ! basta wag kang aalis sa tabi ko !' " Oo naman !! saka parang hindi ka lalaki nyan ! umayus ka !! " . napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang isang sundalo na walang ulo na lumalakd sa bukid ! hindi lang iisa ito kundi marami sila parang nag mamarsha sila !. ' makinig ka tan ! wag kang lilingon at pumikit ka na lang ' " Huh?! b- bakit ano -anung m-meron sa likod k-ko? " ' wala basta wag kang lilingon dun ! ' buti na lang hindi lumingon si tukmol baka maihi sa takot hahahaha .. mag aalas dose na ng may narinig kame kaluskos na nagmumula sa mga halaman na hindi lakayuan sa amin ! . ' E-Eman !! ano yun ? ' ( nakapit sa braso ko na parang bata ) " wag kang maingay tan ! basta wag mong pansinin yan " maya- maya pa niluwa ng mga halaman ang Aso na humabol sa amin naka-raan ! jusko halus tumalon ang puso namin ng makita namin ang aso sobra laki !! at namumula ang mata ! galit na galit ito nakatitig sa amin !.. " Eman mamatay naba tayo ?! hindi pa ako nakaka kiss kay yuri !! " ' hindi !! sira ulo ka tlga ! Nasa panganib na nga tayo pang score pa nasa isip mo!' akmang lalapit sa amin ang aso malaki ng parang bigla itong napaso ! " Aha!! hahahaha ano tukmol na Aso hindi ka makalapit ano ?! " (pang aasar ni tan tan sa asong malaki ) ' oo nga hindi sya makalapit ? Ang asin !! tama tan ! nasa orasyon pala tayo ni manong tiko ' ito naman si tan-tan inaasar pa ang Asong Aswang lalo tuloy itong nagalit paikot -ikot sa kinauupuan namin ! . " tan ! itigil mo na yan hayaan mo sya !! " ' sira ulo yang aso yan eh ! akala nya siguro matitikman nya pagkalalake natin ! urur ! Asa ka Asong mabantot ! hahahahaha ' maya - maya pa umalis ang aso aswang akala namin ayus na ,pero nung mag aalas tress na dun lalo lumala ang nakikita ko . ( Napalunok ako ng matindi ng marikita ko ang isang kapre! nakatingin ito sa kinauupuan namin habang nagtatabako ) ' tan ! kahit anong maamoy mo wag na wag mong papansinin at sasabihin !! ' tumango namn si tukmol na akala ko naiintindihan nya ako ! " teka ! Eman bro !! Naligo kaba? Ang sang- sang kasi A-am" ( bago pa matuloy ni tan tan ang sasabihin nya tinakpan ko ang bibig nya) ' Ssssshhhhhh !! sira ulo ka tlga wag mong sasabihin yang mabaho ! ' (Nanlaki ang mata ko ng nabangit ko ang salitang yun !!) bigla na lang may bumagsak sa harapan namin na parang kahoy na nagBABAGA! " urur ka bro ! pinigilan mo ako sabihin yun pero ikaw tong nag sabi !!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD