Kabanata 10: Akin Lang

1322 Words
“Siya nga pala, dahil nakauwi na ako naisipan kong bumyahe tayo doon sa rest house ko para naman magkaroon tayo ng salo-salo at mag-usap na rin ng mas matino. Huwag kayong mag-alala tatlong araw lang naman. Tatlong taon na rin simula nang magkaroon tayo ng paglalakbay. Naalala niyo noong nagpa-Zambales tayo? Ngayon naman ay pupunta tayo sa Aurora. Gusto ko ay magliban muna kayo sa trabaho at gawin itong pahinga, ayos ba?” imporma ni Franco. Bago pa siya dumating sa Pinas ay naisagawa niya na ito. Kumunot ang noo ni Neil at umiling. “Pasensya na Franco, pero hindi ako makakasali d’yan. Abala ang ospital at marami-rami rin akong aasikasuhing pasyente.” “Malamang! Ikaw talaga ang kukunin at ire-request dahil gusto nilang masilayan ang pinakagwapong doktor sa ospital,” singit dito ni Dether. “Ako rin. Kung sana noon mo pa sinabi sa amin iyan ay sana nakapag-ayos kami ng dokumento para makalisan sa trabaho,” wika rin ni Cypres. Hindi naman agad siya makakapagliban sa klase dahil may pinaghahandaan ang eskwelahan na tinuturuan niya. Tinaas ni Franco ang kan’yang dalawang kamay at iniling ang kan’yang ulo. “Hindi. Ako. Papayag. Nakapagpaala na rin naman ako sa mga magulang niyo at aprobado nila iyon. Sila na rin ang pumunta sa pinagtatrabahuhan niyo para ipaalam kayo. Kaya wala na kayong problema.” Pagkatapos ay nagkibit-balikat ito. Napatingin si Ysabelle kay Elias na tumahamik, pero ang isang kamay nito ay nakadantay sa binti niya. Medyo nahihilo na rin siya kaya naman ay tinigil niya na ang pag-inom. Iba kasi ang tama ng alak nito sa kan’ya at ayaw naman niya malasing sa harap ng mga ito baka mamaya mag-iskandalo siya nakakahiya iyon. “Ayos ka lang ba?” bulong niya sa binata. “Hmm. May iniisip lang ako,” sagot nito at pinisil ang binti niya. Binigyan niya ito ng tipid na ngiti pagkatapos ay nag-pokus sa usapan ng mga lalaki kahit hindi siya nakatingin dito. “Oh? Wala na kayong mararason sa akin— minsan lang naman ito, eh. Sobrang abala na nating lahat sa trabaho at kada gabi na lang tayo nagkakaoras.” Nagsalita si Zion. “Ayos din naman sa akin iyon. Kailangan ko rin naman magpahinga.” Ngumiti ng malaki si Franco. Sa kanilang lima siya lang yata ang palangiti at nagbibigay saya sa grupo. Paano na lang ang mga ito kung ‘di siya bumalik? Paniguradong nalulunod ito sa lungkot maliban kay Elias. “Ysabelle,” pukaw niya sa atensyon nito na kinatingin naman ng dalaga. “Sumama ka. Aasahan kita doon.” “Ah…” Hindi alam ni Ysabelle ang sasabihin niya dahil hindi naman siya ang magdedesisyon nito para sa kan’ya. Bakit siya ang sinabihan imbes na si Elias? “Pupunta kami,” sambit ng lalaki. “Magandang makasama ko siya kaysa maiwan rito,” dagdag niya. Baka kung saan pa ito magpunta at pagbalik niya may asungot na umaaligid sa babae niya at baka hindi lang isa. Hindi niya makakalimutan ang lalaking lumapit dito noong namimili sila. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng tinginan na ‘yon. Nakakab*wesit. “Banyo muna ako,” paalam ni Ysabelle. Sumunod naman na nagpaalam ang babae ni Franco kaya nagsabay na sila. “Ilang buwan na kayong magkasama ni Elias?” tanong nito nang makapasok sila sa banyo ng mga babae. “Hindi pa kami nagtatagal ng isang buwan. Kayo ni Franco?” Medyo nagulat ang babae sa sagot niya. “Talaga? Akala ko nag-isang buwan na kayo dahil masyado s’yang malapit sa’yo. Pasensya na, gano’n kasi ang napansin ko. Ako nga pala si Jane. Sa totoo lang matagal ko nang kilala si Franco at halos mag-iisang taon na kaming magkasama pero hindi iyon tuloy-tuloy dahil kalimitan ay umaabot lang kami ng dalawang buwan at pagakatapos n’yon ay ibang babae naman ang kinakasama niya.” Nagsalubong ang kilay ni Ysabelle. “Ayos ka lang ba sa gano’n? Hindi mo inisip na iwan na lang ito at umalis at magbagong buhay?” Napangiti si Jane at inayos ang buhok. “Mas madali rito ang pera, Ysabelle. Saan ka makakakuha ng malaking pera sa maliit na panahon. Isa pa marami ring benefits at libre sa lahat ng bagay.” Tumingin ito sa kan’ya. “Bakit ikaw? May plano ka bang magbago ng buhay at hindi na balikan si Elias kung sakaling gusto ka pa rin niya maging babae niya?” Tumingin sa repleksyon ang naturan at walang pag-aatubiling sinagot ito. “Oo naman.” Ngumisi si Jane. “Sa una lang ‘yan. Kapag natikman mo na hahanap-hanapin mo.” — “Ilang months ang itatagal ni Ysabelle sa’yo?” usisa ni Dether sa kaibigan. Nagkakilala silang lahat sa kolehiyo at kahit magkakaiba ang kurong kinuha nila ay nagawa pa rin nilang makabuo ng pagkakaibigan. Hindi naman babaero itong si Elias, eh. Sa katunayan may seneryoso ‘yang babae ang kaso tinarantado kaya ayan ang kinalabasan. “Apat na buwan.” “Woah. Pero mas matagal pa rin si Maine hindi ba? May babae ka na sa kompanya may babae ka pa sa bahay niyo,” komento naman ni Cypres. Sa kanilang anim si Elias talaga ang may pinakamaraming babae. Tinaasan lang sila ng kilay nito. “Sa pangangailangan ko para nand’yan agad sila. Isa pa, binabayaran ko ng malaki si Ysabelle.” “Maiba ako, siya lang yata ang babaeng inalok mo ng apat na buwan. Kadalasan isang buwan lang tapos magpapalit ka na naman. Baka mamaya magsawa ka,” wila ni Zion. May babae rin siya, pero hindi p’wedeng makita at malaman ng publiko. Isa s’yang mayor at hindi iyon maganda sa reputasyon niya. “Hindi iyon mangyayari. Sigurado ako na apat na buwan ang itatagal ko kay Ysabelle. Iba siya sa mga babaeng nakasama ko,” sagot nito. Imposibleng magsawa siya agad dahil hinahanap-hanapa niya nga ito at nahahayok sa laman. Nagkatinginan sina Neil at Zion saka nag-iwas ng tingin. “Makakakita pa kaya ako ng katulad ni Ysabelle sa strip club na pinuntahan mo?” tanong naman ni Franco. “Hindi.” Matalim na pinukol ng tingin ni Elias ang kaibigan. “Huwag mong hahawakan kahit ni hibla ni Ysabelle.” “Grabe ka na talaga, Elias! Nagbibiro lang naman ako, pero mukhang magandang maging kaibigan si Ysabelle. Mukhang mabait.” Napatingin silang lahat sa pinto nang dumating ang dalawang babae. Agad na umupo sa tabi ni Franco si Jane at sinalinan ito ng inumin. “Umupo ka sa hita ko,” utos ni Elias sa dalaga na napatingin sa kan’ya ng nakanganga. Parang gusto niya tuloy ipasok ang daliri sa bibig nito, pero mas masarap kung ang ari niya ang papasok doon. Sigurado s’yang mainit at madulas ang bibig nito kagaya ng pagpasok at labas niya sa p*ke nito. Nabalik sa ulirat ang dalaga at kumandong sa hita ng binata. Pinaikot nito ang braso sa kan’yang bewang at hinalikan siya nang hindi niya inaasahan. Napahawak sa balikat si Ysabelle. Nandito pa rin sila sa harap ng mga kaibigan nito! Hindi naman kaso iyon sa mga kasama ni Elias dahil sanay na sila sa lalaki. Kahit sila naman ay gumagawa ng milagro kapag gusto nila sa kahit saang lugar pa ‘yan. May kakaiba sa halik ni Elias ngayon. Iyon ang napagtanto ni Ysabelle nang maglapat ang kanilang labi. Para bang may halong inis ang mga halik nito at pag-angkin sa kan’ya. Iyon naman talaga ang nararamdaman ni Elias dahil simula pa kanina parang nakuha ng dalaga ang atensyon ng kaibigan n’yang si Franco. Gusto niya na lang itong ibulsa at ikulong sa bahay niya nang wala nang magpantasya pa rito kung ‘di siya lang. Pagkatapos ng halik ay ngumiti siya kay Ysabelle. “Ipagpatuloy natin ito mamaya. Ayokong bigyan sila ng pagkakataon na makita ang natatago mong ganda, Ysabelle. Ako lang dapat,” bulong nito at tumingin kay Franco na napapatingin sa gawi nila. Umiling ito at hinalikan rin si Jane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD